OPPOSITE 9

105 11 0
                                    

"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)

OPPOSITE 9

LURIAN JAVIER

Habang nasa loob ako ng kwarto, narinig ko si Daddy na sumigaw sa ibaba. I'm preparing myself para sa pagpasok today sa school. Excited ako pumasok kasi makikita ko na naman si Syreine, my new friend! Hihihi. Honestly, may mga kaibigan naman ako sa school pero I feel na hindi sila totoo. Kinakaibigan lang nila ako 'cause they knew na we're one of the stockholders. Not us but our parents does. Kaya hindi ako masyadong lumalapit sa kanila, pero kay Syreine. Una ko pa lang siya nakita, I felt so comfortable to her. Kahit na feeling ko ilag siya sa'kin, iyong bang ayaw niya makipag kaibigan.

Nang matapos ako sa pag-aayos sa sarili ay agad akong lumabas ng kwarto at masayang naglakad papunta sa baba. Lalo ko tuloy narinig ang galit na boses ng Daddy ko, parang may kaaway siyang kinakausap. So I decided na huminto sa huling baitang ng hagdan namin at sinilip ang dining area kung saan ko siya naririnig. Pero napatakip ako ng bibig na makilala ang kaharap niya at iyon ngayon ang sinisigawan niya.

"How many times I have to tell you that just don't skip your classes?!" galit na sigaw nito kay kuya Luthor. Nakaupo siya at nakayuko habang kaharap si Dad na galit na galit naman sa kanya. "Akala mo ba hindi makakarating sa akin ang lahat ng ginagawa mo sa school?! Dinamay mo pa ang dalawang Chan na iyon!" dinuro ni Dad si kuya na lalong ikinayuko niya.

"Hon please.. Hindi pa nakakain ang anak mo" malumanay naman na saway ni Mommy kay Dad.

'aish! akala ko nagbibiro lang si miss tuazon kahapon!'

"Wag mong kunsintihin yang anak mo Rian!" kay Mommy naman siya humarap. "Hindi mo ba alam na yang anak mo eh inaway iyong bagong estudyante?!" biglang sigaw na naman niya na ikinagulat ko. Hindi lang ako ang nagulat, pati si Mommy lalong-lalo na si Kuya. "Nagulat ka Luthor? Yes! I knew all what you've done on your school!" galit siyang bumaling kay Kuya na gulat pa rin na nakatingin sa kanya.

"Is that true son?" tanong ni Mommy, kaya parang natauhan si Kuya na bumaling sa kanya.

"Y-yes mom" kinakabahang sagot niya. Napapikit naman si Mommy bago muli siyang tignan.

"But why did you do that?" nanlulumong tanong ni Mommy na sumulyap kay Daddy. Hindi naman nito maalis ang tingin niya kay kuya. "Did you do that on purpose?" dagdag ni Mommy na dahan-dahang ikinatango ni kuya.

"See?! Ganyan ang anak mo sa school niya! Hindi natin yan pinalaki ng ganyan!" galit naman na sabat ni Daddy habang nakaduro kay kuya.

Nalipat ang tingin ko kay kuya na tumunghay ito sa kanya. Kunot-noo at salubong ang kilay na nilabanan niya ang galit na tingin ni Daddy, gusto ko siyang puntahan para suwayin pero hindi ko maihakbang ang paa dahil takot ako kay Daddy. Ayaw kong magpakita at lumapit sa kanya kapag galit na galit siya.

"I did that on purpose because it's her fault!" biglang sigaw ni kuya, sinaway siya ni Mommy pero hindi niya ito pinansin. "Kung hindi niya sinigawan ang adviser namin edi sana hindi ko gagawin yun sa—"

Paaak!

"Lucio!"

Napatakip ulit ako sa bibig dahil sa biglang pag sampal ni Daddy sa kanya. Gusto kong ihakbang ang mga paa ko para awatin sila pero hindi ko magawa. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko at naiiyak na tumingin kay kuya, nakatabingi pa rin ang mukha niya dahil sa pagsampal sa kanya ni Daddy. Gulat niyang hinawakan ang pisngi niyang sinampal ni Daddy at dahan-dahang tumingin rito.

OPPOSITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon