OPPOSITE 2

104 12 0
                                    

"OPPOSITE"
BY: selenycophile
Don't forget to follow my account and vote for this chapter! Thank you! :)

OPPOSITE 2

SYREINE SOUTH CHAVEZ

Nakatayo at nag-aalalangang pumasok sa loob ng bahay, ako yun. Lumingon ako sa sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin. Pagkatapos ay binalik ulit sa harap ng pinto. Nandito na ang kapatid ko, at hindi ko alam kung paano haharap ngayon sa kanila ni nanay.

'putragis kasing mga lalaking yon!'

Itinaas ko ang isang kamay para kumatok pero agad ding ibinaba, tangina naman! Kinamot ko ang ulo ng marahas, kung bakit naman kasi ngayon nila naisipan na sumugod. Eh wala pa naman ako sa hulog, iniisip ko ang isang milyon ko. Tapos biglang susulpot at manununtok.

Kakatok na sana ulit ako pero biglang bumukas ang pinto at niluwa ang kapatid ko. Biglang kumunot ang noo niya at pinasadahan ako ng tingin. Napaatras ako ng ibalik niya ang tingin sa mukha ko at pakatitigan ito.

"Syreine" may pagbabantang banggit niya sa pangalan ko kaya agad akong umiling.

"Hindi to katulad ng iniisip mo" mabilis ang pag-iling ko dito, humalukipkip naman ito sa harap ko, kaya nagpatuloy ako "Habang pauwi kasi ako kanina, may tumawag sa'kin na dalawang lalaki. Eh hindi ako nakagalaw dahil iniisip ko yung isang mil-este! Ibig ko palang sabihin eh nagulat ako dahil bigla-bigla sila sumugod sa'kin" huminga ako ng malalim pagkatapos.

Tumaas ang kilay nito "May sinangkutan ka na naman bang away?"

"Wala ah!" agap kong sagot, "Tsaka pwede ba? Papasukin mo muna ako" inis kong kinamot ang ulo at tinabig pero agad din akong napasigaw "Araay! A-ano ba?! Bitiwan m-mo nga ang a-ako!" namimilipit sa sakit na sigaw ko sa kanya.

Pabatong binitawan naman niya ako, agad kong hinawakan ang braso ko, tangina! Paano ba naman kasi. Nung tinabig ko eh agad niyang hinawakan ang braso ko at inikot papunta sa likod ko. Peste! Masakit pa to kaysa sa mukha ko, matalim ko siyang tiningnan na kumibit-balikat at naglakad.

"Nay, Syreine is already here!" sigaw nito ng makarating siya sa hapagkainan.

Ini-stretch ko naman ang braso kong kinawawa ng kapatid ko bago ako nakabusangot na naglakad na din papunta sa pwesto niya. Lumabas naman si nanay galing kusina na may dalang sandok at plato na may lamang tinapa at piniritong talbos ng kamote.

"Kumain kana Ajax at magpahinga sa kwarto" sabi niya at ipinagsandok ang kapatid ko "At ikaw naman Sy-Susmaryosep! Anong nangyari jan sa mukha mong bata ka?!" gulat na sigaw nito ng mapalingon siya sa'kin.

Umupo muna ako bago sumagot "May bumugbog ho sa'kin" nagsandok ako ng kanin at kumuha ng ulam.

"Naghabilin na ako na wag kang makikipag-away ngayon diba?!" hindi ko na lang ito pinansin at sumubo na lang ng pagkain. "Pero hindi mo na naman ako sinunod?! Ang tigas talaga ng ulo mo! Kailan ka ba makikinig sa akin ha?!" uminom ako ng tubig tsaka tumayo.

Napahinto naman sa pagkain ang kapatid ko at tumunghay sa akin. Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang nanay kong galit na nakatingin sa'kin.

"Magpapahinga na po ako" agad akong umalis sa harap nila at naglakad papasok sa kwarto ko.

"Oh ayan! Jan ka magaling! Kapag pinapagalitan ka! Aalis ka! Aba Syreine! Gusto mo na ata akong mamatay?!" narinig ko pang sigaw niya bago ako sinarado ang pinto.

Agad akong nagpalit ng damit at nakatihayang humiga sa kama ko. Tss. Hindi talaga muna nila ako tatanungin kung okay lang ba ako, porket may mga pasa at sugat na silang nakikita sa'kin eh iisipin na nilang nakipag-basag ulo ako. Pwede bang itanong muna nila na 'okay ka lang ba Syreine?' 'sinong bumugbog sayo?' 'may masakit ba sayo? magpahinga ka na doon' yung mga ganun ba.

OPPOSITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon