"HERE," inabot ko ang chopstick na inilahad ni Traise. Dito niya ako dinala sa isang classic Japanese restaurant pagkatapos ng tension na naganap kanina sa pagitan nila ni Denmha. Pasalamat ako na dumating ang mga kaibigan ni Denmha para awatin sila ni Traise bago pa man sila mag pang-abot. Wala namang ibang ginawa kanina si Criza kun'di ang magtanong kung anong nangyari at mukhang mas interesado pa ito sa isa sa mga kaibigan ni Denmha.
"Hindi ka marunong?" Naibaba ko ang chopstick at napanguso na lang sa tanong ni Traise. "Really? Don't tell me na ngayon ka lang din nakakain ng Japanese food?" Hindi makapaniwalang dugtong nito at tumango naman ako. Hinayaan kong si Traise ang mag order kanina dahil hindi naman ako pamilyar sa mga pagkain na nasa menu. Naiintindihan ko naman kung bakit dito niya ako dinala sa ganitong restaurant.
"Bukod sa may dugo akong Japanese dahil sa Papa ko at marunong mag-nihongo pero masyadong magaling, wala na akong ibang alam tungkol sa side o culture ng mga Japanese. Base rin sa kuwento ni Mama na pagkatapos mailibing ni papa sa Japan bumalik na siya rito sa Pilipinas kasama ako. Dito na rin ako lumaki kaya hindi ako pamilyar sa mga ganitong lugar at pagkain." Hiroshi Tzuke, ang pangalan lang ang alam ko tungkol sa papa ko.
"I'm sorry, I didn't know." Sinserong sambit ni Traise na nagtaas ng kamay para magtawag ng waiter. Narinig ko na nag-request ito ng spoon and fork para sa 'kin kaya medyo nahiya ako dahil ako lang ang gagamit ng kutsara at tinidor sa lahat nang nakain dito sa loob.
"Ayos lang," nakangiti kong sambit dahil parang nahihiya si Traise sa akin. "I tried to learn to use that thing before and other Japanese practices, pero ayaw ni Mama and I don't know what's her reason, siguro ayaw niya lang maalala ang pagkawala ng Papa ko." Iyon ang pinaniniwalaan ko kahit sa tingin ko ay may mas malalim pa na dahilan ang mama ko. Makaraan ang sandaling katahimikan.
"Aki, pagpasensiyahan mo na lang si Denmha," panimula ni Traise. Ito ang dahilan kung bakit niyaya niya akong kumain sa labas, ang humingi ng pasensiya para sa kapatid niyang isip bata.
"Wala naman akong ibang atraso sa kanya bukod sa natamaan ko siya ng bola, kaya hindi ko maintindihan kung bakit kaaway ang tingin niya sa 'kin dahil lang sa kaibigan mo ako." Napahinga nang malalim si Traise na parang alam niya ang dahilan.
"Gumaganti siya sa 'kin, sa 'min ng Mama ko."
"Huh? Bakit?" Kuryos kong tanong.
"Pakiramdam kasi Denmha ay kinuha ko ang lahat sa kanya, lalo na ang atensiyon at pagmamahal ng aming ama, he's my half brother. Si Mama ang unang nakilala ni Papa pero nagkalayo sila dahil sa ibang babae pinakasal si Papa ng mga magulang niya, sa ina ni Denmha. Sa loob ng sampung taon, pinipilit ko si Mama tungkol sa Papa ko hanggang sa malaman ko na may pamilya na pala si Papa. Wala na kaming balak na manggulo ni Mama pero nagkita sila ni Papa sa Australia at doon niya nalaman na may anak sila. Sinama kami ni Papa pabalik dito sa Pilipinas at doon lang namin nalaman na wala na ang ina ni Denmha." Napabuntong hinga si Traise bago ito muling nagsalita.
"Akala ko matatanggap ako ni Denmha bilang kapatid niya pero nagkamali ako, galit na galit siya sa 'kin, sa 'min nina Papa. Kaya lahat nang nagiging kaibigan ko o napapalapit sa 'kin ay ginugulo ni Denmha hanggang sa layuan ako dahil gusto niyang iparanas sa 'kin ang pakiramdam nang mag-isa." Wala akong makitang galit kay Traise para kay Denmha habang nagkukuwento ito bukod sa pag-unawa sa kanyang kapatid.
"Noong una ay naiintindihan ko pa si Denmha kung bakit gano'n siya, pero ngayon iba na, ibang-iba na dahil nagagawa niya nang manakit. Sa simpleng bagay lang na may kinalaman sa 'min ni Mama ay nagagalit na siya, lahat idadamay niya. Sarado na ang mundo niya para sa amin na pamilya niya, wala na siyang pinapakinggan bukod sa sarili niya. Hindi niya magawang patawarin si Papa." Komplikado ang sitwasyon nila ni Denmha pero hindi ko mapigilan ang humanga sa mahabang pasensiya na meron si Traise para sa kapatid niya.
YOU ARE READING
Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]
Teen FictionNaranasan mo na bang magsulat ng love letter para sa crush mo? Paano kung nabasa niya pala 'yong letter mo nang hindi mo alam? As a diffident guy, Hiro- who does not like the idea of being noticed by other students during his junior high, never tho...