Chapter 10

73 6 0
                                    


"NAGLIHIM ka sa 'kin. Paano nangyari 'yon, Aki? Bakit ka pumayag? Tinakot ka ba ni Denmha?" Sunod-sunod na tanong ni Traise habang naka-upo kami sa bleachers dito sa gym, mabuti na lang ay pinapansin na ako nito.

"May dahilan ako kung bakit ako pumayag na magpanggap na boyfriend ni Denmha sa harap ng daddy niyo."

"And what's your reason? Tell me." Ramdam ko pa rin ang inis ni Traise kaya napanguso ako. But I can't lie to him.

"Kailangan ko mag-ipon. Kailangan ko ng pera. Gusto kong pumunta ng Japan at dalawin ang puntod ng papa ko. I don't have enough resources to avail plane ticket kaya pumayag ako na maging fake boyfriend ni Denmha kapalit ng bayad. Naiintindihan ko kung bakit naiinis ka Traise dahil sa hindi ko sinabi sa 'yo at nilihim ko. But swear, god knows that I can't lie to you. I feel guilty." Mahaba at sinsero kong paliwanag. Nagpunas ng pawis sa noo si Traise gamit ang puting bimpo bago ito humarap sa 'kin at hawakan ako sa magkabilang braso.

"Thank you for telling me the truth, I appreciate it Aki, lalo na ang hindi mo kayang magsinungaling sa 'kin." Napangiti ako at gumaan ang loob ko.

"But you have to be honest with my dad. Kilala ni Denmha ang daddy namin at doon ako nagagalit dahil sa dinamay ka pa niya, this is a mess Aki. Dinala ka ni Denmha sa mas malaking problema." Seryoso ang mukha ni Traise at mukang malalim ang mga sinabi niya.

"I trust Denmha." Ang tanging nasabi ko na lang at isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Traise bago ito ngumiti at guluhin ang buhok ko.

"Balik na ako sa court," paalam ni Traise dahil sa tinawag na ito ng mga ka-team niya para magpatuloy sa training. Bago ako bumalik sa classroom dumaan muna ako sa comfort room na nasa likod ng gymnasium para maghilamos at maghugas ng kamay.

"Ako ang dapat naging captain ball ng team. Pero unfair si coah! Ilang araw na hindi nakapagtraining si Traise pero mas pinili n'ya na maging captain ball ang ungas na 'yon."

"Pero si Traise ang nanalo sa 1v1 n'yo kaya siguro siya ang pinili ni coach-"

"Manahimik ka!" Narinig ko ang malakas na pagbagsak at pagdaing ng lalaki sa dulong parte ng banyo.

Isinarado ko ang gripo at sakto namang lumabas sa isa sa mga cubicle ang lalaking nakapulang jersey 'gaya ng suot ni Traise, ka-team niya ito dahil sa nakikita ko itong kasama na mag-training ni Traise. Tumingin sa 'kin ang lalaki bago ito dire-diretsong lumabas ng banyo habang hinahaplos ang nakatikom na kanang kamay.

"Manonood ka ba?" Tanong ni Criza habang gumagawa ng PowerPoint presentation para sa kanyang subject sa hapon dito sa open hall na tambayan ng mga estudyanteng may mahabang vacant.

"Oo, 'di ba required daw manood para sa attendance sa PE?" Pagkaklaro ko at agad namang tumango si Criza.

"Sino ang susuportahan mo sa basketball tournament? Ang boyfriend mo o si Traise? Team Denmha ka ba o Team Traise? Sa architect o sa engineer?" Nakangising tanong ni Criza na ikinailing ko naman.

"Siyempre sa department natin ang suporta ko-"

"Hindi kasali ang department natin sa basketball tournament. Sa dance competition. Hindi mo alam?" Umiling ako.

"Ito oh." Inabot sa 'kin ni Criza ang schedule ng program para sa Intrams. "One week tayong walang regular class dahil intrams at kung hindi lang required ang attendance, hindi ako papasok. I prefer to have a movie marathon than watching nonsense games." Umikot pa ang mga mata ni Criza bago muling nagtipa sa kanyang laptop. "Pero siyempre joke lang, manonood ako ng basketball. Luke invited me."

"Yong kaibigan ni Denmha?" Mabilis namang tumango si Criza na ang lawak ng ngiti.

Pagdating ng alas tres ng hapon ay pumunta ako sa library para maghanap ng theoretical framework para sa research ko na requirement sa marketing research subject. Halos makalimutan ko na ang oras dahil sa hindi ko makita sa mga thesis ang hinahanap ko, kung hindi pa nga patayin ang ilaw ng librarian ay 'di ko pa mapapansin na labasan na pala.

Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]Where stories live. Discover now