Chapter 5

88 7 0
                                    


"BUTI pa kayo four hours vacant," sambit ni Criza na nakasimangot sabay pangalumbaba. Dalawang magkasunod na subject ang walang Prof na pumasok kaya nandito ako ngayon sa library para mag-advance reading sa isang subject.

"Kanina ka pa riyan babad sa pag-aaral, ano palang nangyari kahapon? Kumusta ang date niyo ni Traise-"

"Yza," mahina pero may diin kong sambit at muling itinuon ang sarili sa pagbabasa.

"Aki, we're living in 21st century where everything is normal." Naisarado ko ang binabasa kong libro. "There's nothing wrong of liking someone with the same gender of yours." Aniya pa.

"Magkaibigan lang kami ni Traise," sambit ko at nagkibit-balikat naman si Criza.

"Okay, sinabi mo 'e, pero ano ngang nangyari kahapon?" Napailing na lang ako dahil sa hindi ako titigilan ni Criza hangga't hindi ako nagkukuwento na ginawa ko naman.

"Oh my god! For real?" Sambit mi Criza pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari kahapon.

"Sshhh..." sambit ng ibang estudyante dito sa loob ng library dahil sa napalakas ang boses ni Criza.

"Kumusta si Traise?" Halos pabulong na tanong ni Criza.

"Hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga, pero sabi niya kahapon ay okay siya."

"Ibang-iba talaga si Traise kumpara sa kapatid niya," napapailing na sambit ni Criza na biglang nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa pinto ng library na nasa likurang gawi ko.

"Geez, speaking of the monster! Nandito si Denmha, Aki." Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko nga si Denmha kasama ang dalawang lalaking laging kasama nito.

"Aki! Anong gagawin mo?!" Mabilis na sumunod sa akin si Criza dahil sa tumayo ako at dire-diretso sa direksyon ni Denmha na may hinahanap na libro sa bookshelves.

"What the hell?!" Gulat na sambit ni Denmha dahil sa inagaw ko ang hawak nitong choco drink. Naiinis ako sa kanya dahil sa inubos niya ang stock ng grocery ko na budget ko dapat hanggang sa susunod na linggo!

"Bayaran mo lahat ng mga kinuha mo sa grocery ko!" Inis na sambit ko. "At ito, akin 'to!" Ipinakita ko sa kanya ang inagaw kong choco drink at ininom iyon pero mabilis itong inagaw sa 'kin ni Denmha kaya natapon ang laman nito, natapon sa suot niyang uniform.

"Sh*t ka! Look what have you done! Napaka-childish mo talaga!" Pagak akong tumawa dahil sa sinabi ni Denmha.

"Kung may isip bata man sa ating dalawa, ikaw 'yon!" Balik na turan ko.

"Aki, tara na." Pilit naman akong hinahatak ni Criza.

"Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba, na hangga't malapit ka kay Traise, hindi kita titigilan." Namulsa si Denmha at hinigit ang neck-tie ko kaya nadala rin ang buong katawan ko palapit dito.

"Lalayuan mo ba si Traise o ako ang gagawa ng paraan para layuan mo siya?" Marahas kong hinawi ang mga kamay ni Denmha na nakakapit sa neck-tie ko at masamang tingin ang ipinukol dito.

"Hindi ko lalayuan si Traise dahil lang sa 'yo, at alam mo? Sa totoo lang, compared to Traise, you are nothing, Denmha." Diing sambit ko. Napatitig sa 'kin si Denmha at napansin ko ang panandaliang paglalam ng mga mata nito.

"Wala pa akong ginagawa, pero maghintay ka, Aki. Sisiguraduhin ko na kakainin mo ang sinabi mo ngayon, because I will make you mine, hanggang sa gugustuhin mo na ako ang laging mong kasama." Napakurap ako nang ilang beses dahil sa tiim bagang na sinabi iyon ni Denmha at binunggo pa nito ang braso ko bago mag walk-out at sundan ng dalawang kaibigan niya.

Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]Where stories live. Discover now