"HIRO," agad na hinarangan ni Tito Shun si Denmha nang subukan nitong lapitan ako.
"Stay away from my son," may pagbabantang sambit ng aking ina habang hawak ang kamay ko at nasa likod ako.
"Hiro, talk to me please. Let's fix this." Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak ng aking ina pero humigpit lang ang hawak nito sa kamay ko at binigyan ako ng malalim na tingin. Wala na akong nagawa kun'di ang magpahatak sa aking ina palabas ng dorm building kahit pa tinatawag ako ni Denmha na hinaharangan naman ni Tito Shun. Pero hindi iyon ang laman ng isip ko habang sakay ng kotse kun'di ang nakita ko kanina na hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko na dahilan nang pagkirot at pagsikip ng dibdib ko at gusto kong umiyak.
"What happened to you Hiro? Ano 'yong nakita ko kanina?!" Ito agad ang sinabi ni mama pagkapasok namin sa bahay, sa bahay nila ni Tito Shun dahil kahit kailan naman ay hindi ako naging parte ng bahay at pamilya nila.
"Alice, calm down," giit ni Tito Shun na bumaling sa 'kin. "Go upstairs Hiro, ako na ang kakausap sa mama mo."
"No! Mag-uusap kami ngayon ng anak ko Shun, and please don't interfere. He's my son kaya kapag sinabi kong mag-uusap kami ngayon, mag-uusap kami." Muling bumaling sa 'kin ang mama ko. "Are you gay?" Mariing tanong ng mama ko. "Hiro, are you gay?" Hindi ako umimik. "Answer me!"
"I'm not!" Tumaas na rin ang boses ko na ikinagulat ni mama.
"Then why you and that guy kissing each other? Kung sasabihin mo sa 'kin na kaibigan mo siya, hindi naman yata gagawin ng magkaibigan ang maghalikan lalo pa't pareho kayong lalaki. Don't tell me that guy is the one who's gay?" Turan ng aking ina na hindi gusto ang nakita niya kanina.
"Is it matter kung sino ang straight at hindi sa 'min?" Balik na tanong ko sa mama ko.
"So may relasyon nga kayo?" Alam ko na itatanong ito ng aking ina na ngayon ay lalong hindi maipinta ang mukha.
"I love him..." sagot ko. Hind ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang sabihin ko iyon, kung matutuwa ba ako dahil sa wakas na amin ko rin sa sarili ko na mahal ko si Denmha o masasaktan ba ako dahil sa nagagawa ko pang sabihin ito pagkatapos ng nakita ko kanina.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Hiro? You're loving the same gender as yours!"
"And I don't see any problem with that all Ma! Mahal ko si Denmha at wala akong pakialam kung lalaki siya. He makes me happy." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko ngayon.
"I get it," napapatango pang sambit ng mama ko. "You're just sad Hiro. 'Yang nararamdaman mo ay dala lang ng lungkot, so from now on, dito ka na titira kasama namin para mabantayan kita." Mapakla akong ngumiti.
"Ngayon pa talaga Ma?" Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko.
"What do you mean? Na pinapabayaan kita Hiro? Na kinalimutan kita?" May halong panunumbat na giit ng mama ko kaya lalo kong naramdaman ang matinding pagkirot sa puso ko.
"Hindi ko na kailangan sabihin Ma dahil nasabi mo na-"
"Alice!" Mariing sambit ni Tito Shun na pumagitna sa 'min ni mama matapos akong sampalin.
"I told you to not interfere here Shun!" Pumatak na ang luha ko. "Lahat ng ginagawa ko Hiro ay para sa 'yo, binibigay ko lahat ng pangangailangan mo simula noon kaya hindi mo puwedeng sabihin sa 'kin na nagkulang ako bilang isang ina!"
"But you never ask me what I really want Ma! Ni m-minsan hindi mo ko tinanong kung o-okay pa ba ako? K-kung kaya ko bang mag-isa. I w-was only 13 years old M-ma simula nang hayaan mo akong mag-isa. There are times that I need y-you, that I need a m-mother, pero wala kayo..." Masakit na sambit ko.
YOU ARE READING
Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]
Teen FictionNaranasan mo na bang magsulat ng love letter para sa crush mo? Paano kung nabasa niya pala 'yong letter mo nang hindi mo alam? As a diffident guy, Hiro- who does not like the idea of being noticed by other students during his junior high, never tho...