NAKATITIG lang ako sa kisame habang inaalala pa rin ang naging reaksiyon ni Denmha kanina. Ilang beses ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na wala akong nasabing mali pero sa huli, na g-guilty pa rin ako. Tama naman si Denmha na wala nga akong alam tungkol sa hindi nila pagkakaintindihan ni Traise at bago pa man ako maging kaibigan ni Traise ay may hidwaan na silang dalawa.
"Aish!" Napa-sipa ako sa kawalan at napayakap sa unan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung mag-so-sorry ba ako kay Denmha dahil sa nasabi ko. "Hindi! Bakit ako magsosorry?" Tanong ko sa sarili ko. May mga ginawa rin si Denmha sa 'kin pero hindi ito humingi ng pasensiya kaya siguro patas na kami. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako dalawin ng antok hanggang sa tuluyan akong makatulog.
MAAGA akong nagising dahil sa papasok ako sa coffee shop at hanggang alas sais ng gabi ang duty ko ngayong araw. Sinuot ko ang itim na t-shirt na may tatak ng logo ng coffee shop at tinernohan ito ng kulay brown na pants at puting sapatos. Saktong paglabas ko ng kwarto ko ay ang pagtayo naman ni Denmha sa silya sa kusina na kinuha ang tasa na may lamang kape at ang sandwich, diretso lang ang tingin nito at para akong hangin na nilagpasan patungong sala at umupo sa sofa. Ipinilig ko ang ulo ko, ano bang gusto kong gawin niya? Batiin ako ng magandang umaga? Tumungo ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig pero napansin ko ang ilang libong pera sa ibabaw ng mesa at ang isang sticky note.
[Bayad ko sa mga groceries na kinuha ko.]
Tiningnan ko si Denmha na nagsusuot ng jacket sa sala at mukhang aalis din ito.
"Hindi mo na kailangan bayaran..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa lumabas na ng unit si Denmha na parang wala itong narinig o pakialam sa sinasabi ko. Napailing na lang ako at kinuha ang pera para ilagay sa may TV. Hindi ko na tatanggapin ang pera dahil baka mamaya isumbat niya pa sa 'kin 'to o baka sabihin pa nito na madamot ako.
Madaming costumer ngayong araw at halos lahat ay dine-in kaya kaliwa't-kanan ang pag-se-serve ko sa kape at pagpupunas ng mesa. Malawak ang coffee shop na kayang tumanggap nang nasa mahigit dalawampung costumer at bukod sa kape, may snacks din na inooffer ang coffee shop at hindi ito nawawalan ng costumer dahil sa daanan ng mga tao ang puwesto ng shop.
"Here's your coffee, Sir." Inilapag ko ang espresso coffee sa table ng dalawang costumer.
"Aki, right?" Aniya ng lalaking medyo singkit. Pamilyar sa 'kin ang mukha nito pati ang kasama nito na makapal ang buhok at mestizo. "I'm Raizen, and he's Luke. Kaibigan kami ni Denmha." Kaya pala pamilyar ang mukha nila sa 'kin dahil sila ang laging kasama ni Denmha sa university. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng coffee shop.
"Hindi namin kasama si Denmha, he's hanging out with his 'friend'." Sambit ni Luke.
"Huwag mo namang ilaglag si Denmha rito," may pagtawang sambit ni Raizen na muli akong nilingon. "By the way, on behalf of Denmha, kami na ang humihingi ng pasensiya sa mga nagawa at nasabi niya sa 'yo, malapit ka lang talaga kay Traise kaya nadadamay ka sa away ng magkapatid."
"Mabuting tao si Traise, and I don't see any problem with being friend with him. Ang kaibigan niyo lang ang may problema," turan ko.
"They're both kind. Denmha has been through a lot, kaya naiintindihan namin siya at kung bakit gano'n siya kay Traise," giit naman ni Luke. Napatango na lang ako at naalala ang gustong itanong sa kanila.
"May kaibigan ba si Denmha na matabang lalaki na may tattoo sa braso?" Gusto ko lang malaman kung posible nga ba na si Denmha ang nag-utos sa mga lalaking 'yon para abangan si Traise noong isang gabi.
"Na maitim?" Mabilis akong tumango kay Raizen. "Ah, si Piccolo. Kakilala namin siya at minsang nakakasamang tumambay sa labas."
"Actually, hindi namin alam kung ano talagang pangalan niya. Tinawag lang namin siyang Piccolo kasi sa lakas ng putok niya," nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi ni Luke na humagalpak sa tawa pati si Raizen.
YOU ARE READING
Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magsulat ng love letter para sa crush mo? Paano kung nabasa niya pala 'yong letter mo nang hindi mo alam? As a diffident guy, Hiro- who does not like the idea of being noticed by other students during his junior high, never tho...