Chapter 22

64 5 0
                                    


"MEIBUTSU no yado e yōkoso! Tō hoteru de yoi go taizai o."(Welcome to Meiti no Yado Hotel! Have a good stay.) Nag-bow sa 'kin ang babaeng hotel receptionist bago ibigay sa 'kin ang susi ng kwarto na chineck-in ko.

"Dōmo arigatō gozaimashita," pasasalamat ko at bahagyang yumukod para mag-bow bago tumalikod at tumungong elevator bitbit ang isang maleta. Agad akong humiga sa kama pagkarating ko sa unit dahil sa napagod ang katawan ko sa flight. Makalipas ang ilang minuto kong pag-idlip, pumasok ako ng banyo para mag-hot shower. Pagkatapos kong maligo at ayusin ang mga damit ko, binuksan ko ang sliding door para tumungong veranda habang pinupunasan ng bimpo ang basa kong buhok. Mula sa veranda na kinatatayuan ko, tanaw ko ang mga nagtataasan at maiilaw na building ng Kofu Yamanashi.

"I'm here," usal ko. Ito ang unang pagkakataon na nakarating ako ng Japan.

"Bakit kayo nagsinungaling sa 'kin Ma?" Lumilingid ang luha ko habang hawak ang isa sa mga sulat sa 'kin ng papa ko. "Bakit tinago mo sa 'kin na buhay pa ang Papa ko?" Nasasaktan kong tanong.

"Hindi mahalaga kung buhay ang Papa mo o hindi, nandito naman ako, nandito ang Tito Shun mo na handang maging ama mo-"

"Gusto kong makita ang Papa ko," mabilis kong pagputol sa sinasabi ng mama ko.

"Para saan pa Hiro?" Napahangos ako nang malalim dahil sa tila ayaw talaga ng mama ko na makilala ko ang aking ama.

"Dahil hindi ko mararamdaman na buo ako hangga't hindi ko nakikilala ang Papa ko. Kung para sa inyo walang halaga na makilala ko si Papa, para sa 'kin sobrang importante 'yon dahil anak ako, matagal na akong nangungulila sa pagmamahal ng isang ama..."

"Hindi niya tayo mahal Hiro! Hindi tayo mahal ng Papa mo!" Mariing sambit ni Mama na tila may alaalang nanumbalik sa kanya. "Huwag na nating pag-usapan pa ang Papa mo."

"Bakit? Bakit Ma? Ipaintindi mo sa 'kin-"

"Because I don't want you to be like him!" Bumagsak na rin ang mga luha ni Mama at ang galit sa kanyang mga mata ay naroon, galit at sakit.

"Makasarili ang Papa mo! Sarili niya lang ang iniisip niya kaya walang saysay kung may balak kang makilala siya Hiro."

"Pero ama ko siya kaya gusto ko siyang makilala..." Umiling namang lumuluha si Mama.

"H-he just use me, Hiro. G-ginamit lang ako ng Papa mo but he doesn't really care! Kaya para sa 'kin ay patay na s'ya!" Nasasaktan ako sa mga salitang binitawan ni Mama dahil bilang isang anak na hindi nakilala ang kanyang ama at inakalang wala na ito, hindi maaalis sa 'kin ang kagustuhan na makilala ang Papa ko matapos kong malaman na buhay pa pala ito.

"Hahanapin ko si Papa," giit ko. Pinahid ni Mama ang mga luha niya at puno ng pagtutol ang mukha nito.

"Kalimutan mo na ang Papa mo Hiro, masasaktan ka lang 'gaya ko. Forget him! Nandito naman kami ng Tito Shun mo at ng kapatid mo."

"Ma, kahit ngayon lang sana maintindihan mo ako..." Nakiki-usap kong sambit sa mama ko.

Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]Where stories live. Discover now