I NEVER expect that Denmha will follow me here in Yamanashi, Japan. Hindi ko naisip na susundan niya ako rito at sasamahan sa paghahanap sa aking ama. Hawak ni Denmha ang kamay ko habang nauuna itong maglakad at naghahanap ng stall na makakainan namin dito sa food park ng Yumura Onsen.
"What do you want to eat, Aki?" Nilingon ako nito habang nakatigil kami sa tapat ng isang stall na karamihan ay iba't-ibang ramen ang nasa menu. Seeing him infront me makes me feel safe and not alone.
"I'm sorry," kumunot ang noo ni Denmha dahil sa sinabi ko. "I should have listened to you that day," sambit ko. Alam kong nagsasabi ng totoo si Denmha noong araw na makita ko sila ni Keisha sa dorm unit. "Nasaktan lang ako ng sobra dahil sa nakita ko..."
"Ako ang dapat mag-sorry Aki. Hindi ko rin ginusto ang nangyari pero sana napigilan ko si Keisha," humigpit ang hawak ko sa kamay ni Denmha.
"Sapat na sa 'kin na nandito ka ngayon sa tabi ko, hindi mo alam kung gaano mo pinagaan at pinalakas ang loob ko." Ngumiti si Denmha.
"I want to be by your side in your ups and downs, I want to be your shoulder and comfort Aki. Gusto ko ako ang papahid ng mga luha mo at ako rin ang magpapagaan ng loob mo at magpapangiti sa 'yo." His words is like a music to my ears, I really don't know what I have done before to be love by this man in front of me. Naupo kami ni Denmha sa isa sa mga silya habang hinihintay na lumapit sa table namin ang nag-se-serve sa kabilang table hanggang sa lumapit ito sa 'min.
"Go chūmon wa nandesuka?" Tinanong nito kung ano raw ang order namin habang nakatingin sa hawak nitong papel. Tumingin ako sa maliit na menu na nasa ibabaw ng mesa para pumili ng o-orderin.
"Gekikara rāmen ni-pin chūmon," sambit ko na dalawang order ng spicy ramen. Hinubad ni Denmha ang suot niyang itim na hanten jacket at isinabit ito sa likod ng inuupan niyang silya.
"Kumusta ang paghahanap mo sa Papa mo?" Tanong ni Denmha at malalim na paghinga naman ang pinakawalan ko. "Kinausap ako ng Mama mo kahapon, she told me everything Aki." Napaangat ako ng tingin kay Denmha.
"Akala niya ay kasama kita buong araw kahapon, katulad din ng Mama mo hinahanap at tinatawagan kita pero hindi ka namin makontak. We're been so worried about you Aki, lalo na ang Mama mo."
"Paano niyo naisip na nandito ako?" Kuryos kong tanong. May kinuha sa kanyang bulsa si Denmha na isang pirasong papel.
"Ang Mama mo ang nagbigay sa 'kin ng address na 'to, dito raw kita makikita dahil alam niya na pupuntahan mo ang address na nakalagay sa sulat ng Papa mo sa 'yo." Turan ni Denmha.
"Si Mama ang nagbigay?" Hindi makapaniwalang tanong ko at marahan namang tumango si Denmha.
"May binitawan akong pangako sa Mama mo, Aki, at hindi ko siya bibiguin." Makahulugang sambit ni Denmha na tila may malalim silang napag-usapan ng Mama ko. Inilabas ko ang picture namin ng papa ko na kinuha ko sa photo album, ang picture kung saan karga ako ng papa ko. Alam ko sa sarili ko na maaaring hindi ko ito makita o mahanap pero hindi ako mawawalan ng pag-asa, lalo na ngayon na nandito si Denmha kaya lalong lumakas ang loob at pag-asa ko.
"Arigatō gozaimashita," pasasalamat na sambit ko pagkatapos ma-serve ang order namin. Pinaghiwalay ko ang chopstick pero hindi ko alam kung paano ito igagalaw at gamitin kaya napanguso ako.
"Kore o tsukatte," inilahad ng nag-serve ang tinidor at ito raw ang gamitin ko. Nakangiti ko namang tinanggap ang tinidor at muling nagpasalamat bago humigop ng mainit na sabaw ng ramen. Pero napansin ko na nanatiling nakatayo ang nag-serve kaya tiningala ko ito, nakatingin ito sa picture na inilapag ko sa ibabaw ng mesa katabi ng wallet ko. Ang nakakapagtaka rin ay hindi ginagalaw ni Denmha ang kanyang ramen at nakatingin lang ito sa 'kin at sa nag-serve ng order namin.
YOU ARE READING
Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magsulat ng love letter para sa crush mo? Paano kung nabasa niya pala 'yong letter mo nang hindi mo alam? As a diffident guy, Hiro- who does not like the idea of being noticed by other students during his junior high, never tho...