Chapter 20

77 5 0
                                    


"I STILL can't believe that the person I admire the most since then is standing in front of me right now," pinasadahan ako ng tingin ni Denmha at nakangiti itong nagpahid ng luha. "I didn't recognize you Hiro, ang tanga ko." Natatawang sambit ni Denmha sa dulo na umiiling pa.

"Kukunin ko ang mga gamit ko." Tumalikod ako at nilapitan ang mga gamit ko para iligpit ito.

"But I want you to live here with me." Naramdaman ko ang paglapit ni Denmha. "I know that you like me too," natigilan ako sa pag-aayos ng mga damit ko na basta-basta ko na lang pinapasok sa malaking itim na bag. "I can feel it Hiro, I knew it. Ramdam ko. Mali ba ako?"

"Bigyan mo 'ko ng oras Denmha, hindi ko pa alam ngayon ang sagot sa tanong mo." Giit ko.

"You knew the answer Hiro, just admit it." Napahangos ako nang malalim.

"But I don't know if I really like you o kung nadadala lang ba ako ng emosyon ko. I don't want you to get hurt Denmha, naguguluhan ako." Nang harapin ko si Denmha bagsak ang mga balikat nito at lumamlam ang mga mata.

"Hindi mo kailangan na maguluhan Aki, alam ko na alam mo ang sagot sa tanong ko. I just want to hear it from you." Inabot ni Denmha ang kamay ko. "Sinabi na sa 'kin ni Traise ang lahat, kaya alam ko na bago mo pa man malaman na ako ang nagsulat ng sulat, may nararamdaman ka na sa 'kin at gano'n din ako sa 'yo."

"Anong ibig mong sabihin?" Napatitig ako sa mga mata ni Denmha.

"Yong mga araw na hindi kita pinapansin at iniiwasan, hirap na hirap ako, I tried to stop myself from liking you by ignoring you but I couldn't, selos na selos ako kay Traise, gusto kitang ipagdamot, pero ano bang karapatan ko? But I'm very lucky now at ang saya ko dahil ang taong hinahangaan ko pala noon at ang taong gusto ko ngayon ay iisa lang." Ramdam ko ang tuwa ni Denmha na nakangiti habang hawak ang kamay ko.

"But I'm not the same as before, Denmha. Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan mo sa 'kin noon, at maging ngayon."

"There's no reason para hindi kita magustuhan Aki, and I like you now more than before. Huwag kang matakot, I won't hurt you, I promise. Kung alam mo lang kung gaano ko pinangarap na dumating ang araw na 'to. Ang gusto ko lang noon ay makalapit sa 'yo, matitigan ang mga mata mo, magkaroon ng pagkakataon na maka-usap, but now, I want to take care of you, to serve you, to share a roof with you, to love you every day." Nanubig ang mga mata ko sa punong-punong sinseridad ni Denmha sa bawat salitang binitawan niya.

"I love you, Aki. Mahal kita, Hiro, simula pa noon at mas mahal kita ngayon at patuloy kitang mamahalin." Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili na nakayakap kay Denmha nang mahigpit.

"H-hindi ko alam kung anong nagawa ko para mahalin mo k-ko Denmha..." Umiiyak kong sambit dala nang emosyon ng saya.

"Hindi mo rin alam Aki how you change my life that day..." Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na labi ni Denmha sa aking noo, tinangala ko ito hanggang sa maramdaman ko na lang ang labi nito sa labi ko. Damang-dama ko ang bawat pagtatagpo ng aming mga labi ni Denmha, ibang-iba ang halik niya, maingat at napaka-espesyal. Nang maghiwalay ang mga labi namin ni Denmha s'ya naman ngayon ang lumuluhang nakangiti. Kinuha ni Denmha ang kamay ko at inilapat niya iyon sa kanyang dibdib.

"Hindi ko makalma," nakangiting sambit ni Denmha na tinutukoy ang dibdib niyang sobrang bilis sa pagkabog na para ko na ring naririnig habang nakalapat ang kamay ko sa dibdib nito. Lahat ng takot at pag-aalala sa 'kin ay unti-unting naglaho habang naririnig ko ang pagkabog ng puso ni Denmha, ramdam ko rin ang puso ko na ngayon ay sinasabayan na ang mabilis na pagkabog ng puso ni Denmha na tila nag-uusap ang mga ito at sabik sa isat-isa.

Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]Where stories live. Discover now