MAINGAY ang buong lugar at ang bawat sulok ng bahay ay niyayanig ng malakas na tugtog mula sa sound system ng DJ na nasa loob ng bahay nina Keisha. Masakit din sa mata ang ilaw na iba't-ibang kulay at patay sindi, marami ring nagkalat na lobo sa paligid.
"Seryoso ba siya sa suot niya?"
"Who is he?"
"Hindi ko rin kilala 'e, pero baka kakilala ni Keisha?"
"Siya 'yong loner sa section nina Keisha. Ang baduy niya talaga manamit." Narinig ko pa ang tawanan mula sa grupo ng mga magkakaibigan nang dumaan ako rito. Napansin ko na halos lahat ay nakasuot ng bikini at swim wear maliban sa 'kin.
"Dude, look. Night swimming ba ang pinuntahan niya o JS prom?" Ang malakas na tawanan naman mula sa grupo ng mga lalaki na may hawak na mga baso ang nagpayuko sa 'kin. Ako lang ang bukod tanging nakasuot ng formal attire.
"You came! Guys, look. Nandito na ang entertainer natin! Woah!" Wala na akong nagawa nang hatakin ako ni Keisha na nakabikini patungo sa may pool area. "Show us what you got! Sing for us, Hiro!" Gulat kong nilingon si Keisha na tinutulak ako papunta sa unahan at pansin ko ang pangbubuyo ng mga bisita niya na ang iba ay naliligo sa swimming pool, nagtatawanan ang mga ito. Sabi ni Keisha ay pormal attire daw ang susuotin para sa school year end party niya kaya nakapormal ako ngayon.
"Pasayahin mo naman kami Hiro! We're waiting. Let me hear your voice!" Hindi ko maintindihan kung bakit ganito sa 'kin si Keisha, lalo na ngayon sa party niya. "Ano pang tinitingin mo?!" Ramdam ko ang inis sa boses ni Keisha na may hawak na baso at parang may tama na ng alak.
"Uuwi na ako," paalam ko at humakbang ako pero agad na humarang si Keisha.
"No way! Hindi ka uuwi hangga't hindi ka kumakanta!"
"Keisha, ayoko masira ang party mo-"
"You already ruined my party!" Galit na singhal ni Keisha kaya ang mga bisita niya ay mas lalong naki-usyuso. "Ano bang special sa 'yo at nagustuhan ka niya?!"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Keisha. Uuwi na ako."
"No! Gusto kong malaman kung ano bang nakita niya sa 'yo na wala sa 'kin!" Pinasadahan ako ng tingin ni Keisha mula ulo hanggang paa. "A nerd boy with a thick eyeglasses na laging mag-isa, an outcast loner and no fashion sense lang pala ang magugustuhan niya!" Napayuko ako sa mga sinabi ni Keisha.
"K-keisha..." Wala akong nagawa nang dahan-dahang ibuhos ni Keisha sa ulo ko ang laman ng hawak niyang baso. Narinig ko ang tawanan sa paligid kaya agad na nangilid ang mga luha ko.
"Know your place li'l nerdy boy." Nakangising sambit ni Keisha habang binubuhos sa ulo ko ang laman ng hawak nitong baso.
"Keisha!" Mariing sambit ng lalaking kararating lang na agad akong nilapitan.
"So you're here, hindi naman kita ininvite!"
YOU ARE READING
Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]
Teen FictionNaranasan mo na bang magsulat ng love letter para sa crush mo? Paano kung nabasa niya pala 'yong letter mo nang hindi mo alam? As a diffident guy, Hiro- who does not like the idea of being noticed by other students during his junior high, never tho...