Chapter 24

111 4 0
                                    


NAGING magaan ang pagtulog ko buong gabi pagkatapos ng madamdamin naming pag-uusap ng papa ko, ngayon ko lang din naranasan ang gumising na nakangiti at magaan ang loob. Naramdaman ko na may mabigat na nakapatong sa tiyan ko at nang tingnan ko iyon, napangiti ako. Nakayakap sa 'kin si Denmha habang mahimbing ang tulog nito at nakaharap sa 'kin. Sobrang laki ng naitulong sa 'kin ni Denmha hindi lang dahil sa siya ang nagdala sa 'kin sa papa ko, kun'di pinaparamdam niya sa 'kin na hindi ako nag-iisa, na handa niya akong samahan sa kahit anong oras at kahit saan. Pinagmasdan ko ang malinis na mukha ni Denmha, ang makapal nitong kilay at mahahabang pilik mata, maging ang matangos nitong ilong at hulmadong labi.

"I'm waiting..." Nakapikit na sambit ni Denmha at kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi nito. Hinatak ako ni Denmha palapit lalo sa kanya at ngumuso ang labi nito. "I know you want to kiss me, just do it Aki, hindi ako magrereklamo." Nakamulat na sambit nito. Sinalubong ko ang mga titig ni Denmha hanggang sa bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi. "Too slow, tsk." Nagulat ako nang bumangon si Denmha at bahagyang umibabaw sa 'kin. "I'll teach you how to make a move," aniya at napalunok naman ako habang hinihintay ang pagdampi ng labi ni Denmha sa labi ko.

Bukod sa nararamdaman ko ang mainit na katawan ni Denmha na nakalapat nang bahagya sa dibdib at tiyan ko, may nararamdaman pa akong isang bagay sa parteng ibaba ni Denmha na tila nagigising at alam kong alam din iyon ni Denmha dahil sa ngumisi ito at unti-unting inilalapit ang kanyang labi sa labi ko.

"Aray!" Naitulak ko si Denmha na bumagsak sa ibaba ng kama dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto. Mabilis din akong napabangon dahil sa pagpasok ng aking ama.

"O jamadeshita?" Tanong ng aking ama, kung naistorbo niya raw ba kami at mabilis naman akong umiling. "Chōshoku ga dekimashita, tabemashou." Handa na raw ang agahan at inaaya niya kami ni Denmha na kumain at bago lumabas ng kwarto ang Papa ko, tinapik nito ang balikat ni Denmha na hawak-hawak ang kanyang likod dahil siguro sa medyo malakas ang pagkakabagsak nito sa sahig. Doon ko lang din napansin na boxer at sando lang ang suot ni Denmha kaya binato ko ito ng unan. Ang tanda ko rin na sa kabilang kwarto ito pumasok kagabi dahil sa hindi muna kami pinabalik ng papa ko sa hotel.

"Denmha!" Mariing sambit ko dahil sa mabilis nitong paghalik sa pisngi ko bago lumabas ng kwarto. Marami ang nakahaing pagkain sa mesa at halos lahat ay Japanese food, umupo na rin ako sa sahig katabi ni Denmha at hinayaan ko na lagyan ng papa ko ang maliit na bowl ng kanin, inabutan niya rin ako ng mainit na sabaw at imbis na chopstick, tinidor at kutsara ang ibinigay sa 'kin ng ama ko.

"Takusan taberu," nakangiting sambit ng papa ko na kumain daw ako ng marami at sigurado rin ako na marami ang makakain ko dahil ito ang unang pagkakataon na matitikman ko ang luto niya.

"This is how you use this Aki," turan ni Denmha habang pinapakita sa 'kin kung paano niya gamitin ang chopstick. Ginaya ko rin ang ginagawa ni Denmha na paggalaw sa daliri habang nakasipit ang chopstick pero hirap talaga akong makakuha ng gulay gamit ito kaya napanguso ako lalo na nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Denmha.

"Matututo rin ako," giit ko.

"At hangga't hindi ka pa marunong, ako muna," nilingon ko si Denmha na may sipit na cabbage ang kanyang chopstick at pinapanganga ako, binuksan ko ang bibig ko at tinanggap ang isinusubo sa 'kin ni Denmha. Tumikhim ang papa ko kaya napalingon kami rito ni Denmha.

"Adachi ga koishiku natta," naalala raw ng papa ko si Adachi at bagaman nakangiti ito hindi naman niya maitago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sana hindi kayo matulad sa 'min ni Adachi," turan ng papa ko sa amin ni Denmha.

"Always celebrate your diversity, it's a gift. Never be tired to each other, you have my support and love. I never get a support from my father when I choose Adachi, chichi no yō ni naritakunai." Ayaw raw ng papa ko na maging katulad s'ya ng kanyang ama at naiintindihan ko na ngayon.

Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]Where stories live. Discover now