HINIHINGAL ako habang nakasalampak sa kalsada at umaatras dahil sa handa nang manunggab ang asong humabol sa akin nang dumaan kami sa shortcut papasok ng West International School. Napahiwalay ako kina Luke at Raizen na nauna pang tumakbo sa 'kin nang habulin kami ng aso. Hindi rin matigil sa pagdugo ang tuhod ko dahil sa nagasgasan ito. Sabi ni Luke kanina ay mas mapapabilis kami sa pagpapasok ng school kung dadaan kami sa alam niyang shortcut pero ngayon gusto ko s'yang sapakin dahil sa nangyari lalo na ngayon na palapit nang palapit sa 'kin ang asong kalye at sigurado akong lalapain ako nito.
Tanging bag lang dala ko na hindi ko pa makuha-kuha sa likod ko dahil isang maling galaw ko lang ay susunggab agad ang aso. Sinubukan kong tumayo pero muli akong napaatras dahil sa pagkahol ng aso kaya nakaramdam na ako ng takot. Hanggang sa may bumagsak na bato sa tapat ko at umatras naman ang aso.
"Huwag kang gumalaw," nasa harapan ko ang nakatalikod na isa ring estudyante ng West International School dahil nakasuot din ito ng uniform na kagaya ng suot ko, maliban sa ID lace nito na kulay green na ang tanda ko ay para sa mga grade 8 students. May hawak itong sanga ng kahoy na ginamit nito panaboy sa aso na kumaripas ng takbo palayo. Napatingala ako rito nang humarap ito sa 'kin, may suot itong salamin sa mata at bagsak ang buhok.
"Ayos ka lang?" Tanong nito sa 'kin na tiningnan ang dumudugo kong tuhod at hipan ito. "Sa susunod 'wag ka nang dadan dito," inalalayan ako nitong tumayo at kahit ramdam ko na nahihiya ito pero hinayaan lang ako nito na akbayan ko siya dahil hindi rin ako makalakad ng ayos. I'm taller than him but he's brave and strong than me. I smiled. This was the first time that someone saved and protect me. Nakaakbay lang ako rito hanggang sa makarating kami ng school clinic. Nanatili ito sa loob ng clinic at hinihintay na malinis ng school nurse ang gasgas ko sa tuhod, minsan itong titingin sa 'kin at ngingitian ko naman pero yuyuko lang ito. He's shy...and cute.
"Aray," mahinang daing ko dahil sa alcohol na nilagay ng school nurse.
"Galing ka rin dito kahapon, ginawa mo na yatang bahay ang clinic," reklamo ng school nurse dahil na rin siguro sa naka-ilang beses na akong pumunta rito sa loob ng isang linggo. Napaaway ako sa mga grade 12 student kahapon dahil sa online games at kahit sa labas ng school nangyari ang laro, dito naman nila ako sa loob ng school hinamon ng away. Napansin ko na wala na sa loob ng clinic ang tumulong sa 'kin kanina kaya nang matapos linisin ang gasgas ko sa tuhod ng school nurse, nagmamadali akong lumabas para hanapin ito dahil gusto kong magpasalamat dito pero hindi ko na ito makita sa hallway.
"Tapos na ang klase-aray!" Napahawak sa ulo si Luke matapos ko itong batukan.
"G*go ka, gusto mo pa yatang ipalapa ako sa aso." Giit ko rito.
"Hey, be easy on him." Sulpot ni Raizen na inakbayan si Luke at hinimas ang ulo nito.
"Isa ka pa, mas pipiliin mo pa yata si Luke na tulungan kaysa sa 'kin." Nakaiwas si Raizen sa tangka kong pagbatok sa ulo nito na tinawanan lang ako.
"Panalo naman tayo," inilabas ni Luke ang pera mula sa kanyang bulsa at ibinigay sa 'kin ang parte ko na napanalunan namin sa pustahan ng online games kaninang umaga.
"Denmha, may nagpapabigay sa 'yo." Iniabot sa 'kin ng kaklase ko ang isang paper bag at sinundan ko ang tinitingnan nito sa labas ng aming room. Kumaway sa 'kin ang babaeng nasa labas ng room na may kasamang dalawang babae na naghagikhikan nang tumingin ako sa kanila.
"Gagi, kay Keisha galing? Iba talaga ang isang Denmha Triavez!" Pumalakpak pa si Luke. Ibinigay ko kay Raizen ang paper bag at umupo ako.
"Marami ang nagkakagusto kay Keisha, 'pag 'yon niligawan mo sure win ka na agad," habol na bulong ni Luke na umupo na rin sa likod ko dahil sa pumasok na ang subject teacher namin.
YOU ARE READING
Dear Hiro | BoysLove [COMPLETED]
Подростковая литератураNaranasan mo na bang magsulat ng love letter para sa crush mo? Paano kung nabasa niya pala 'yong letter mo nang hindi mo alam? As a diffident guy, Hiro- who does not like the idea of being noticed by other students during his junior high, never tho...