•WISH YOU WERE HERE•
.
CHAPTER 3
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Pagkarating ko dito sa bahay ay agad akong binunganga ni mama. Grabe talaga siya sakin pero sa totoo lang naawa ako sa sarili ko ngayon dahil mukha akong basang sisiw. Wala na talagang ibang ginawa sakin si Wystan kundi puro kamalasan pero nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil binalik niya sakin tong bracelet ko."Oh bakit ganyan itsura mo? Para la talagang nabagyo sa itsura mo!" Bungad ni mama sakin pero nanatili akong tahimik habang nakabusangot.
"Hoy asawa ko! Napano anak natin?" Tanong ni mama kay papa.
"Hindi ko alam sa kanya, naabutan ko na lang siyang ganyan ang itsura niya." Sagot naman ni papa sa tanong ni mama.
"O siya, siya, siya, magshower ka na dun Denden tsaka tayo kakain." Sambit ni mama sakin at paakyat na sana ako sa taas pero bigla ko na lang nakasalubong si kuya Dj.
"O? Napano ka? Para kang narape sa ulan." Natatawang sambit ni kuya sakin.
"Mama! Papa! Si kuya oh nang aasar!!" Sigaw ko.
"Hoy! Tumigil na kayong dalawa diyan kung ayaw niyong ibuhos ko sa inyo tong mainit na tubig!" Sigaw naman ni mama kaya napatahimik kaming pareho ni kuya pero inaasar parin niya ako."Arghh!!! Bakit ba kasi Den lagi ka na lang minamalas?!" Sigaw ko sa aking kwarto.
"Humanda ka talaga sakin bukas Wystan!" Sambit ko tsaka ako pumunta sa banyo para mag shower."Den saan mo nilagay yung uniform mo?" Tanong sakin ni mama habang nasa hapag kainan kami.
"Nilagay ko na po sa likod. Ako na po maglalaba mamaya." Sagot ko.
"Huwag na! Ako na ang maglalaba at gawin mo na lang yung mga assignments mo." Sambit ni mama sakin.
"Naks! Ang sweet talaga ng mama ko." Paglalambing ko.
"Che! Tumigil ka at kumain ka na lang... Siya nga pala, Dj ikaw ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin ngayon." Sambit ni mama dahilan para matawa ako pero di ko yun pinahalata.
"Luh?! Si mama talaga! Ako na naman? Si Denden na lang!" Pagrereklamo ni kuya.
"Luh?! Bakit mo pinapasa sakin eh ikaw ang inuutusan diba?" Sumbat ko.
"Eh wala ka ngang ginawa kanina bago tayo pumasok sa eskwelahan." Sumbat nito.
"Ikaw ang inutusan kaya gawin mo mag isa!" Sumbat ko ulit.
"Di ba kayo titigil sa pagtatalo? Sige dalawa kayong maghuhugas ng plato ngayon!" Biglang sabat ni papa kaya napatahimik kaming lahat.
"Ikaw Darlene huwag kang tutulad sa kanila ah.. maging masipag ka." Pagpapaalala ni papa sa bunso namin at nagkatinginan naman kami ni kuya Dj.
Sinipa ko ang paa ni kuya sa ilalim ng mesa dahilan para mapasigaw siya.
"Aray ko!!" Biglang sigaw ni kuya.
"Bakit ano yun?" Tanong ni papa.
"W-wala po Pa! May kumagat lang po sa paa ko na lamok." Sambit ni kuya habang nakatingin siya sakin ng sobrang talim.Natapos kaming kumain na puro pagtatalo hanggang sa iniwan ako ni kuya mag isa dito sa lababo kaharap ang mga hugasin.
Si kuya talaga ang tamad.
Wala akong nagawa kundi maghugas na lang...
Pagkatapos kong maghugas ay dumeretso ako agad sa aking kwarto sabay open ng aking mini laptop.
Nag Facebook ako at nakita ko agad ang message sakin ng aking crush."Good evening Denver?"
"Kumain ka na ba?"
"Okay lang ba sayo kung tatawag ako mamaya sayo, video call sana?"
"Gusto ko lang ng kausap."Yan ang mga message niya sakin kaya nagpagulong-gulong ako dito sa aking kama hanggang sa malaglag ako kasabay ng biglang pagtawag ni Myron. Agad akong tumayo tsaka ko sinagot ang tawag ni Myron.
"Hello Denver! Ano kumain ka na ba?" Tanong niya at napatango na lang ako.
"Matutulog ka na ba?" Tanong niya.
"Huh? H-hindi pa b-bakit?" Nauutal kong tanong.
"Wala lang gusto ko lang ng kausap ngayon." Sambit niya.
"Okay lang naman. Bakit may sasabihin ka ba?" Tanong ko at ramdam ko ang pagbuo ng mga pawis sa aking noo, leeg pati kilikili.
"Gusto lang kitang kausapin bakit bawal ba?" Tanong niya habang nakangiti..
Goshh natutunaw ako sa ngiti niya.
"W-wala naman akong sinabi eh." Sambit ko.
"Hehehe... Denver may itatanong sana ako." Pagsisimula niya kaya nakaramdam ako ng konting kaba.
"Ano yun?" Tanong ko naman.
"Matagal na tayong magkaibigan but.... Uhm... I know this is a little bit awkward but if you don't mind, pwede mo bang sabihin sakin yung mga name na naging crush mo." Mahaba niyang sambit pero di ako makapagsalita.
"Uhmm.. it's okay naman sakin kung magsabi ka ng name ng lalaki sakin kasi alam ko naman na hindi ka straight." Sambit niya pero nararamdaman kong may gusto pa siyang idugtong sa sasabihin.
"Have you ever tried or feel this kind of feelings na parang may natitipuhan ka na?" Tanong niya sakin na nagapabilis ng tibok ng aking puso. Bakit niya ba tinatanong sakin yung mga ganung bagay?
"Uhmm? Bakit mo natanong? Bakit may nagugustuhan ka na ba?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Woah! Denver naman! Don't change the subject! Ikaw tong tinatanong ko eh!" Sambit niya. Haysst akala ko makakalusot ako.
"So bakit mo nga tinatanong yang mga ganyang bagay sakin?" Tanong ko at nakita ko naman siyang napakamot sa kanyang batok.
"I-im just curious sa mga taong naging crush o nagustuhan mo." Sambit nito at nagulat talaga ako sa sinabi niya.
Nahahalata na niya bang may gusto ako sa kanya?
"Uhmm! A-actually uhmmm... Oo may naging crush na akong mga celebrity especially mga Hollywood actors.. hahaha pero kung iniisip mo na may naging crush na ako o whatever diyan na kaklase natin, wala I-i swear!' pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay may gusto talaga ako sa kanya.
"Hehehe. Pasensya ka na kung natanong ko sayo to?" Nahihiya nitong sambit..
"Nahh okay lang yun." Tanging sambit ko.
"Denver ayos lang ba sayo kung may gagawin akong surpresa para sayo bukas?" Tanong niya pero di ako makaimik agad. Pinilit kong magsalita ng normal pero di ko nagawa.
"A-anong s-surpresa?" Utal kong tanong.
"Bakit ko naman sasabihin sayo eh surprise nga diba?" Natatawa nitong sumbat sakin.
"A-ano ba kasi yun?" Tanong ko ulit.
"Basta... Sige babye na.. goodnight and sweet dreams!" Huli nitong sambit at nakita kong napanguso siya bago niya pinatay yung call.
Ano yun? Kiss ba yun? Nahh baka namalik mata lang ako." Sambit ko habang nanlalaki ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Wish You Were Here
RomanceSi Denver Margallo ay isang masiyahin at palaban. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya gaya ng mga ibang lalaki dahil nagkakagusto siya sa kanyang kapwa lalaki. Meron siyang kaibigan at hindi lang kaibigan ang turing niya kay Myron Villafuerte...