Chapter 30

77 4 0
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 30
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Papasok na ako ngayon sa gate ng aming school ng may biglang umakbay sakin na ikinagulat ko. Akala ko si Wystan o Irene ang umakbay sakin pero mali ako, si Myron pala yun. Nakangiti lang ito sakin habang naglalakad kami papasok. Napansin ko rin na hindi siya nakasuot ng uniform at naka jersey lang siya. Siguro may practice ngayon. Tinignan ko siya pero habang naglalakad kami ay naramdaman kong parang may nakamasid samin kaya napatingin ako sa gawing iyon. Nakita ko si Wystan at agad namang nagtama ang aming mga mata. Nanlilisik at matatalim na tingin ang napansin ko sa kanyang tingin samin. Nakasuot siya ng pulang jersey habang may hawak itong isang bottle na tubig. Napansin ko rin na umiba ang ayos ng kanyang buhok ngayon na lalong nagpa gwapo sa kanya. Umiinom na siya ngayon pero nakatingin parin siya samin kaya umiwas na ako ng tingin sa kanya dahil natatakot ako.

"Denver may gusto sana akong sabihin sayo." Sambit ni Myron habang naka akbay parin siya sakin.
"Hmm? Sige, ano yun?" Tanong ko.
"Si mommy at daddy kasi gusto ka nilang imbitahan mamaya para sa dinner. Matagal narin kasi simula nung pumunta ka sa bahay. Nung junior high pa lang ata tayo nung huli kang pumunta dun." Sambit niya pero nag alangan muna akong sumagot. Di naman ako pwedeng tumanggi dahil parents na nila yung nag invite sakin kaya no choice ako.
"S-sige magpapaalam muna ako kila mama." Sambit ko tsaka ako ngumiti ng pilit.
"Sige sasabihan ko mamaya kay mom para alam nila." Sambit niya tsaka siya ngumiti ng pabalik sakin.
"Myron!!! Bro! Diretso na lang kayo sa hall sabi ni coach at isabay mo si Wystan." Sambit ng isa nilang ka teammate.
"Si kuya?" Tanong ni Myron.
"Oo nasa likuran niyo siya." Sambit niya at pareho naman kaming napatingin sa aming likuran ni Myron.
"O-oh? Kuya kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Myron kay Wystan tsaka kami humarap sa kanya ngunit naka akbay parin sakin si Myron pagkatapos ay sumagot naman siya ng tango ngunit nakatingin siya sakin.
"Sinundan mo ba kami ni Denver?" Tanong ulit ni Myron.
"Isn't obvious? Nasa likuran niyo na nga ako kanina diba?" Pabalik na tanong ni Wystan tsaka niya tinignan saglit si Myron at ibinaling niya muli ang tingin sakin.
"Ganun ba? So sabay na tayo kuya na pumunta sa hall." Pagyaya ni Myron kay Wystan pero bago siya sumagot ay inalis ni Wystan ang pagkaka-akbay sakin ni Myron.
"You go first, may sasabihin lang ako kay Denver saglit." Sambit niya at tinignan naman ako ni Myron.
"S-sige na, mauna ka na." Sambit ko kay Myron.
"S-sige see you later." Nauutal na sambit ni Myron tsaka siya naglakad palayo.
Nakatingin lang si Wystan kay Myron habang naglalakad palayo yung kapatid niya.
"Uhm... Ano yung sasabihin mo? Pakibilisan na lang baka mahuli pa ako sa klase." Sambit ko ngunit di siya nagsalita bagkus ay inakbayan niya ako tsaka kami naglakad.
"H-hoy diba may sasabihin ka sakin? Ano ba yun?" Pangungulit ko sa kanya.
"Wala akong sasabihin. Gusto lang kitang ihatid sa room." Sambit niya habang patuloy parin kami sa paglalakad.
"Sira ka talaga! Kaya ko naman pumunta sa room ng mag isa." Sambit ko.
"Bakit ba? Gusto lang naman kitang ihatid eh." Sumbat niya tsaka nagsalubong ang kanyang kilay at napanguso ito ng konti.
"Sabi ng ka teammate mo dumeretso na raw kayo sa hall." Sambit ko at dito na niya ako tinignan.
"Makakapag hintay sila kaya hayaan mo na akong ihatid ka. Please." Sambit niya tsaka siya ngumiti at dito na naman ako nakaramdam ng biglang pagtibok ng mabilis ng aking puso.
"So you agree?" Tanong niya.
"H-uh? Agree saan?" Tanong ko dahil di ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy.
"Na... Sa bahay ka magdi-dinner." sambit niya.
"Ahhhh... Oo pumayag ako siyempre parents niyo na yung nagyaya sakin diba? Nakakahiya naman kung tatanggi ako." Sagot ko tsaka ko siya tinignan pero nakatingin lang siya ng diretso sa aming dinadaanan.
"So kanino mo gustong sumabay mamaya papunta sa bahay?" Tanong niya at napaisip muna ako pero makalipas ang ilang segundo ay sinagot ko parin ang kanyang tanong.
"S-siguro kay Myron na lang ako sasabay tutal siya ang nagsabi sakin. A-ayos lang ba sayo yun?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Hmm.. were here." Sambit niya at hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng aming room.
"Ah? Oh? S-sige salamat sa paghatid." Sambit ko at inalis naman niya ang pagkaka akbay niya sakin.
"Sige mauna na ako. Study well." Sambit niya at napangiti naman ako.
Naglalakad na siya palayo ngayon ng bigla ko siyang tinawag at lumingon naman siya.
"G-good luck!" Nauutal kong sigaw habang nagwa-wave sa kanya. Isang mapaglarong ngiti ang aking nakita mula sa kanyang labi bago niya ako talikuran at habang naglalakad siya ay kumakaway ito sakin habang nakatalikod parin siya.
"What a playful smile." Bulong ko sa aking sarili bago ako pumasok sa loob ng room.

Wish You Were Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon