•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 25
.
Plagiarism is a crime
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Pagkatapos kong mag Cr ay binalikan ko si Wystan kung saan ko siya iniwan at agad ko naman siyang nakita.
Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya ngayon. I mean gwapo naman talaga siya pero iba talaga ngayon ang awrahan niya.
Nang makalapit na ako sa kanya ay kinalabit ko ito dahilan para mapalingon siya sakin."Hmm. Nandiyan ka na pala. Ano susunod nating pupuntahan?" Tanong niya sakin.
"Ewan ko. Maglibot muna tayo dito sa loob total andito narin tayo." Sambit ko.
"Ikaw bahala basta magsabi ka lang kapag may gusto kang gawin." Sambit niya at tumango naman ako.
Nagsimula na kaming maglakad at habang nililibot ko ang aking paningin sa loob ay napunta ang tingin ko sa kanang kamay ni Wystan. Napansin ko kasing may suot itong bracelet at parang may similarities yung binigay niya sakin na bracelet bago ako umalis kaya tinignan ko yung suot kong porselas at nag tugma naman.
"Hmm? Parehas tayo ng bracelet?" Tanong ko tsaka ko hinawakan yung kamay ni Wystan at tinignan yung suot niyang porselas.
"Aii magka-iba lang tayo ng pendant ng bracelet." Sambit ko tsaka ako napatingin sa pendant ng suot niyang porselas. Isa itong susi at napatingin naman ako sa pendant ng porselas ko na isang puso.
"Wystan tignan mo oh, may similarities yung porselas nating dalawa maliban sa pendant." Sambit ko.
"Yan na yung binigay ko sayo bago ka umalis?" Tanong niya at habang nag-uusap kami ay patuloy parin kami sa pag lakad.
"Oum.. magkasama ba itong mga porselas natin bago mo binili?" Tanong ko at agad naman siyang sumagot.
"Oo ayaw kasing ibenta sakin kapag isang bracelet lang yung bibilhin ko kaya binili ko na silang dalawa." Sagot niya.
"So parang couple bracelet itong binili mo?" Tanong ko.
"Tsk. Oo pang couple talaga yan pero huwag ka mag assume ah. Binigay ko yan sayo bilang isang gift dahil nagkakamabutihan na tayong dalawa." Sagot niya.
"As if naman na nag-assume ako at isa pa talagang nagiging mabait na ako sayo kasi maayos na pakikitungo mo sakin pero oras na pinikon mo ako ay ibang usapan na yun kasi magsisimula na naman ang pagiging isa kong dragon sayo!" Sambit ko pero napangisi lang siya hanggang sa may narinig akong sinabi niya pero di ko yun masyadong naintindihan.
"Mas okay kung dragon ka na lang dahil ang cute mo." Sambit niya pero di ko yun masyadong naintindihan dahil maraming tao sa dinadaanan namin.
"Ano yun? May sinasabi ka?" Tanong ko.
"Hay wala yun, huwag mo ng isipin." Sambit niya kaya Di ko na siya kinulit.
.
Habang naglalakad kami ay bigla akong napatingin sa arcade kaya agad ko siyang niyaya.
.
"Hoy Wystan tara punta tayo dun, gusto kong maglaro!" Sambit ko tsaka ko siya hinila papunta sa arcade pero nagpumiglas siya.
"Ayoko nga! Pang bata lang yan eh!" Sambit niya at halatang naiirita.
"Bakit may pang matanda rin naman ah!" Sumbat ko.
"Ah basta ayokong pumasok diyan. Mga pang batang laro lang ang mga yan." Sambit niya kaya ginamit ko ang aking charming para mapapayag siya.
"Alam mo ba overload na yung stress na nararamdaman ko dahil sa pag-aaral. Gusto ko lang naman magsaya kahit saglit lang." Sambit ko tsaka ako yumuko ng konti.
"Haystt!!! Huwag ka ngang umakto ng ganyan para kang special child." Sambit niya.
"O sige hindi na kita pipilitin. Punta na lang tayo sa ibang lugar." Sambit ko tsaka ako naglakad palayo at nakayuko parin ako hanggang sa bigla niyang sinambit ang aking pangalan.
"Denver!" Pagtawag niya sakin kaya napahinto naman ako at nilingon siya.
"Halika na nga!" Sambit niya.
"Huwag na, napipilitan ka lang ata." Sambit ko at napapikit naman siya hanggang sa naglakad siya papalapit sakin tsaka niya hinawakan ang aking kamay at sabay kaming pumasok sa loob dahilan para mapangiti ako.
"Sige papanoorin na lang kita maglaro." Sambit niya.
"Ehh? Samahan mo akong maglaro o baka ayaw mo kasi Di mo ako matatalo." Sambit ko at napatingin naman siya ng masama sakin.
"Hinahamon mo ba ako?" Tanong niya kaya naisipan ko namang inisin siya.
"Hindi naman sa ganun pero sige manood ka na lang at panoorin mo akong manalo." Sambit ko tsaka ako ngumiti ng bahagya.
"Sige. Hinahamon kita." Sambit niya.
"Ikaw bahala.. galingan mo huh!" Sambit ko tsaka ko tinapik ang kanyang balikat.Well nagsimula na kaming maglaro at ng makapili na kami ng aming mga hero ay nagsimula na ang labanin namin.
ROUND 1: TALO
ROUND 2: TALO
ROUND 3: TALO
Umabot kami sa ikapitong round pero hindi parin siya nananalo sakin dahilan para mapatawa ako pero siya ay tutok na tutok sa computer at makikita mo talaga na ang seryoso niya.
ROUND 7: TALO
.
"Uhmm isang round pa." Sambit niya habang nakatingin sa computer.
"Huh p-pero sawa na ako. Ilang beses na kasi akong panalo." Sambit ko at tumingin naman siya ng masama sakin.
"Isang round pa nga!" Madiin nitong sambit.
"U-uhmm ubos na y-yung token natin." Nauutal kong sambit at kumuha naman agad siya ng pera sa kanyang wallet.
"Bumili ka ng maraming token. Hintayin kita dito." Sambit niya tsaka niya pinindot yung mga controller at naiinis talaga siya.
.
Pagkatapos kong bumili ng mga token ay agad din yung naubos dahil sa kakalaro namin ni Wystan pero kahit isang beses ay hindi siya nanalo sakin.
.
"Badtrip." Mahina nitong sambit niya.
"Wala ka na bang token diyan?" Tanong niya.
"Wala na eh naubos na." Mahina kong sambit.
"Tsk. Halika na nga.. umalis na lang tayo dito." Sambit niya tsaka siya tumayo at sumunod naman ako.
Nang makatayo na ako ay biglang may nahulog pang isang token at napagulong ito kay Wystan.
"Hmm?" Sambit ni Wystan tsaka niya pinulot yung token.
"Akala ko wala ka ng token?" Tanong niya.
"Akala ko din wala na." Tanging sagot at hindi naman siya nagsalita bagkus ay nilibot niya ang kanyang tingin sa paligid hanggang pumunta siya sa Crane/Claw.
Lumapit din ako sa kanya at tinignan ko yung laman ng crane at nagulat ako na puro cellphone ang nasa loob.
"Anong gusto mong kunin ko diyan?" Tanong ni Wystan.
"Hahaha as if naman kaya mong makakuha diyan eh hindi ka nga manalo sakin kanina tapos---" Di ko na natuloy ang aking sasabihin ng marinig ko ang malakas na YOU WIN! Hindi ko man lang namalayan na naglalaro na pala siya.
Kinuha na niya ang nakuha niyang premyo mula loob ng crane.
"Wow! Astig naman." Sambit ko ng hindi makapaniwala.
"Para sayo to." Sambit niya na lalo kong kinagulat.
"H-huh? E ikaw nakakuha yan at isa pa phone yan eh." Sambit ko pero di siya sumagot bagkus ay hinawakan niya ang kanan kong kamay tsaka niya yun binigay sakin at bumulong ito.
"Kinuha ko yan para sayo. You must accept it." Bulong niya sakin tsaka niya ako kinindatan. Muli siyang naglakad muli palabas ng arcade at ako naman ay hindi makapaniwala dahil binigay niya sakin yung phone na napanalunan niya.
BINABASA MO ANG
Wish You Were Here
RomanceSi Denver Margallo ay isang masiyahin at palaban. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya gaya ng mga ibang lalaki dahil nagkakagusto siya sa kanyang kapwa lalaki. Meron siyang kaibigan at hindi lang kaibigan ang turing niya kay Myron Villafuerte...