Ang lihim na pagtingin ni Myron

72 0 1
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
CHAPTER 4
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Naglakad ako papunta ngayon sa school dahil wala ako sa mood buong gabi. Nakaka aasar talaga yung mokong na yun! Iwanan ba naman niya ako sa may basang kalsada kagabi! Nagmukha tuloy akong basang sisiw! Ngayon humanda siya sakin!

Magkasalubong ang aking kilay habang naglalakad ako papunta sa gate ng school ngunit di pa ako nakakapunta doon ay may bigla akong nabunggo na grupo ng mga lalaki.

"Bulag ka ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw sakin nung nabunggo ko.
Dahil wala ako sa tamang mood ngayon ay sinumbatan ko siya.
"Edi sorry po!" Sigaw ko.
"Ang bastos nito ah kala mo kung sino." Sambit ng isa pang lalaki.
"Pre lambutin ata... Tara gawin nating almusal." Nakangising sambit ng isa pang lalaki.
"Pwede na yan pre kahit hindi masyadong maputi." Sambit pa ng isa habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Ano pang hinihintay niyo? Tirahin na natin!" Sabi nung nabunggo ko pero agad ko silang pinigilan.
"Hep! Hep! Hep! Alam niyo kung wala kayong magawa sa buhay niyo magpakamatay na lang kayo! Mga sira ulo!" Sigaw ko sabay tulak sa leader nila kaya napaatras ang mga sira ulo.
Hahahaha..
"Ang tapang mong bakla ah!" Sambit sakin ng isang lalaki at hahablutin na niya sana ang aking bag pero kumaripas ako ng takbo.
"Naku po! Huhuhu! Ayokong ma guidance!" Sambit ko habang tumatakbo.

Hindi muna ako pumasok sa school at nag iba ako ng direksyon dahil kapag pumasok ako sa school ay hahabulin kami ng gwardiya at dadalhin kami sa guidance office.

Tumakbo ako ng tumakbo pero di parin nila ako nilulubayan.

"Huhuhu! Pagod na ako." Sambit ko habang tumatakbo.
"Bilisan niyo para maparusahan na natin yang Baklang yan!" Sigaw ng isang lalaki na lalong nagpakaba sakin.

Wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo ng tumakbo hanggang sa napunta ako sa isang maliit na warehouse.
Abandonado na ang lugar.. maraming mga kahon at iba pa pero kung papansinin mo ay maayos ang loob.

Nagtago ako sa mga may kahon at doon ko siniksik yung katawan ko para di nila ako makita.

"Nasaan na yun?" Sambit ng isang lalaki habang hinihingal.
"Hu! Natakasan ata tayo." Sambit naman ng isa.
"Imposible! Dito ko siya nakitang pumunta at wala na siyang pwedeng daanan dito." Sambit ulit nung lalaki.
"Hanapin niyo!" Sigaw ng lalaki pero bigla na lang lumiwanag ang loob.

Maraming mga kahon pero nakaayos ito at malinis din ang loob.

"Anong ginagawa niyo dito sa teretoryo ko?" Matalim at mababang boses ang aking narinig mula sa isang pamilyar na boses at pagtingin ko ay si Wystan ang taong ito.

May hawak siyang baseball bat habang nasa kanyang balikat.
Shocks! Napaka bad boy niyang tignan.

"Pre umalis na tayo dito... Si Wystan Villafuerte yang kaharap natin." Sambit ng lalaki.
"Mabuti pa nga!" Sambit naman ng isang lalaki kaya kumaripas sila ng takbo.
"Woah! Ligtas na ako." Sambit ko tsaka ako tumayo sa kinakatayuan ko.
Napatingin naman sakin si Wystan gamit ang kanyang poker face.
"At ikaw anong ginagawa mo dito." Blanko nitong sambit sakin kaya agad akong sumagot.
"Hello? Malamang nagtago! Nakita mo naman na may humahabol sakin diba?" Sambit ko tsaka ako lumapit sa kanya pero tumitingin parin ako sa labas Baka kasi bumalik yung mga yun.
"At talagang dito pa sa teretoryo ko?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya.
"Aba! Malay ko bang dito ka lumulungga!" Sambit ko.
"But in fairness maayos dito ah.. bakit ka nandito anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pero pinagtulakan niya lang ako palabas.
"Umalis ka na dito." Sambit niya sakin tsaka niya ako nilabas sa lungga niya.
"Grabe ka naman wala ka man lang maayos na welcome para sakin?" Sambit ko.
"Umalis ka na nga lang." Sambit niya na ikinainis ko.
"Hoy para sabihin ko sayo hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo sakin kagabi." Sambit ko sabay palo sa dibdib niya.
"It was an accident! Hindi ko naman yun ginusto." Sambit naman niya.
"Hoy! Kung di mo yun ginusto bakit mo ako iniwan ah?" Sumbat ko.
"Nagmamadali akong umuwi!" Sigaw naman niya.
"Hindi ako bingi! Huwag mo ako sigawan!" Sigaw ko.
"Pwes hindi rin ako bingi! Huwag mo ako sigawan!" Sigaw niya rin sakin.
"Bwesit ka talaga! Wala ka man lang puso at bituka!" Sigaw ko.
"Ang ingay mo nakakairita ka!" Sambit niya tsaka niya ako pinagsarahan ng pinto.
"Urgh!!! Sana anayin yang lungga mo!" Sigaw ko tsaka ko pinagsisipa ang pinto.
"Bwesit." Tanging sambit ko tsaka ako naglakad palayo..

Wish You Were Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon