Chapter 24

83 3 0
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 24
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Nakahiga lang ngayon si Wystan sa sofa habang ako naman ay pinapanood lang siya. Ayos lang kaya siya sa hinihigaan niya ngayon? Baka kasi hindi siya sanay, I mean rich kid yan kaya sa kama parati nakahiga yan. Ilang saglit lang ay naisipan kong gisingin siya saglit para maka usap pero nahirapan akong gisingin siya kaya tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi para magising ito.

"Wystan... Wystan gising..." Sambit ko habang tinatapik ko ang kanyang pisngi at narinig ko naman ang pag ungol niya ng mahina.
"Hmm? Bakit?" Tanong niya tsaka niya dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata.
"Uhm... Ayos ka lang ba diyan sa hinihigaan mo?" Tanong ko.
"Oum.. ayos lang pero di lang sanay kasi sa kama talaga ako natutulog." Sambit niya kaya inalok ko na siya para matulog sa aking kama.
"Gusto mo bang doon ka na lang sa kama ko matulog?" Tanong ko.
"Kung okay lang sayo payag ako pero ayos naman ako dito." Sambit niya.
"Hindi na... Bumangon ka na lang diyan at doon ka na sa kama ko matulog tapos diyan na lang ako matutulog." Sambit ko at bigla naman siyang napaupo.
"Hindi na! Dito na lang ako. Mas gusto ko pang dito na lang ako matulog kaysa ikaw. Ayaw ko naman na mahirapan ka pa." Sambit niya at napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba. Ayos lang ako. Ikaw lang talaga ang iniintindi ko kaya doon ka na lang sa kama at ako diyan sa sofa." Sambit ko pero nag matigas parin ito.
"Huwag na Denden. Di mo'ko mapipilit, kung gusto mo tabi na lang tayo sa kama." Sambit niya na nag patayo ng aking mga balahibo.
"Luh! Ayoko nga! Baka ano pa gawin mo sakin." Sambit ko at napangisi naman siya sa aking sinabi.
"So iniisip mo talaga yung bagay na yan? Huwag ka mag alala di ako ganun. Bakit gusto mo bang mangyari yang iniisip mo?" Sambit nito habang nakatingin ito sakin na parang ewan habang may ngiti sa kanyang labi. Agad kong kinuha yung maliit na unan para itapon yun sa kanya.
"Kadiri ka!" Sigaw ko tsaka ako naglakad papunta sa aking kwarto at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.

Muli ko siyang nilingon bago ako pumasok sa aking kwarto at nakita kong inaayos niya kanyang hinihigaan kaya muli ko siyang tinawag.

"Wystan!" Pagtawag ko sa kanya.
"Bakit?" Tanong naman niya.
"Dito ka na matulog sa kwarto, tabi na lang tayo." Sambit ko.
"Hindi na, alam kong Di ka komportable kung katabi mo ako sa iisang kama kaya dito na lang ako." Sambit niya habang nakangiti ito pero pinilit ko parin na doon siya matulog sa tabi ko.
"Ayos lang nga! Ikaw narin nagsabi na wala kang gagawin na hindi maganda diba?" Tanong ko tsaka ko siya binigyan ng isang ngiti.
"Seryoso ka ba talaga? Ayos lang ba talaga sayo?" Mga tanong niya.
"Oo nga ang kulit! Sunod ka na lang." Sambit ko tsaka ko siya tinalikuran.
Agad akong nagtungo sa kama at kumuha ako agad ng isang unan para ilagay sa pagitan namin ni Wystan.
"Ang ganda naman ng kwarto mo." Sambit ni Wystan na hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya.
"Oh bakit ano yan?" Tanong niya tsaka niya tinuro yung unan na nasa gitna ng kama.
"Unan, gusto ko lang makasigurado." Sambit ko tsaka ako naupo sa kama at kinumutan ang aking paa.
Tinignan ko siya at nakatayo lang ito habang pinagmamasdan ako.
"A-ano pang ginagawa mo? Halika na matulog na tayo." Sambit ko pero tinalikuran niya ako.
"Sa labas na lang ako matutulog." Sambit niya tsaka niya sinarado ng padabog yung pintuan na aking kinagulat.
"Luh! Ano probelama nun?" Tanong ko tsaka ako muling tumayo para puntahan siya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakahiga ulit sa sofa.
"Hoy ano probelama mo?" Tanong ko pero di siya nagsalita kaya lumapit ako sa kanya.
"Wystan bakit may nagawa ba akong mali." Tanong ko at tumingin naman siya sakin habang nananatili parin siyang nakahiga.
"Wala ka ba talagang tiwala sakin?" Tanong niya.
"H-huh? Uhm.. k-kung tungkol ito sa unan doon sa kama pwede ko naman yun alisin. Sorry kung na offend ka sa ginawa ko." Sambit ko.
"Wala kang maling nagawa. Di kita masisisi kung wala kang tiwala sakin." Sambit niya.
"H-hindi naman sa ganun. Di lang ako sanay pero may tiwala naman ako sayo." Sambit ko at agad naman siyang nagsalita.
"Patunayan mo." Tanging sambit niya.
"Huh? Ano yun?" Tanong ko.
"Sabi mo may tiwala ka sakin pwes patunayan mo, tumabi ka sakin matulog ngayon." Sambit niya na ikinalaki ng aking mata.
"Pwede naman sa kama Wystan. Mas maluwang doon, kung diyan tayo matutulog na dalawa sa sofa hindi tayo kasya at baka mahulog pa ako." Sambit ko.
"Dito ka sa kabilang side para di ka mahulog." Sagot niya.
Haystt... Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya ngayon pero naisip kong sundin ko na lang yung gusto niya dahil wala lang yun kumpara sa mga efforts niya para puntahan ako dito sa US.
Humiga na ako sa sofa ngayon at agad naman siyang tumabi sakin. Patagilid kaming nakahiga sa sofa at nasa side siya kung saan pwede siyang mahulog kaya ako na mismo ang nag alok na kumapit siya sakin para di siya mahulog.

Wish You Were Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon