Supportive Best friend

41 1 1
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 16
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Kirsten's POV
Hindi ko akalain na aamin ngayon si Myron. Yeah I like him so I said yes nung tinanong niya ako kung pwede niya ba akong ligawan pero bago yun naalala ko yung sinabi sakin ni Denver nung nag usap kami. Na kwento rin sakin ni Myron na matagal ng alam ni Denver na may gusto sakin si Myron na ikinagulat ko.
All this time alam na niya pala na ako yung gusto ni Myron pero bakit di niya sinabi agad sakin?
Buong buhay ni Denver kay Myron lang umiikot ang mundo niya. Sa mga nakalipas na panahon masasabi ko talagang gusto niya si Myron.
Nagi-guilty ako sapagkat ang taong gusto niya ay napunta sakin.
.
But....I admire him. Mas pinili niya yung kasiyahan ng kanyang kaibigan kaysa sa kanya. Mas ginusto niyang magpaubaya para sa ikakasaya ng lahat. Napaka tapang niya. Kaya niyang isakripisyo ang kanyang kasiyahan para sa kanyang kaibigan. I really really admire him.
.
Habang nakikinig kami sa tinuturo ng aming prof ay bigla na lang bumukas ang pintuan at nasilayan ko naman ang malungkot na mukha ni Denver.
.
"Nakapag usap na ba kayo ni Ms. Principal?" Tanong ng aming prof kay Denver at tumingin naman si denver kay prof tsaka siya ngumiti ng konti.
"Opo ma'am." Tanging sambit ni Denver.
"Anong sabi ni Ms. Principal?" Tanong ni prof.
"Pagkatapos po ng festival aalis na raw po ako ng kina umagahan nun tsaka po handa na po lahat para sa pag alis ko po." Sagot ni Denver.
"Pano ba yan? Mawawalan kami ng pagkokopyahan at pagtatanungan kung ano yung mga sagot sa test." Sambit ng isa kong kaklase.
"Hysstt.. kayo talaga! Isang buwan lang mawawala si Denver." Sambit pa ng isa kong kaklase.
"Basta pasalubong namin ah.. maraming chocolate." Pagbibiro ng isa ko pang kaklase.
"Luh! Di pa nakaalis si Denver pasalubong na agad sinasabi niyo at isa pa hindi naman magtatrabaho dun si Denver kundi mag aaral siya doon." Sambit ni ma'am.
"Basta Denver Goodluck ah! Galingan mo dun." Sambit ng isa kong kaklase at kita ko naman na napangiti si Denver.
"Gagalingan ko huwag kayo mag alala." Sambit ni Denver tsaka siya pumunta sa kanyang pwesto.
"Mamimiss ka namin." Sambit ng ilan samin at tumango naman si Denver na may kasamang ngiti sa kanyang labi.
.
Nagsimula na ulit ang pagtuturo ng aming prof at napatingin naman ako ng bahagya kay Denver na parang lutang. Napaka lungkot ng kanyang mukha dahil kaya yun sa nangyari kanina?

Nang recess na namin ay agad kong pinuntahan si Denver para makausap siya ngunit nagsilapitan naman ang iba naming kaklase sa kanya pero nagpatuloy parin ako.

"Denver aalis ka pa ng school bakit di mo sinabi samin agad?" Tanong nila.
"Kaya nga. Uy Denver ingat ka doon ah at alam mo ang swerte mo kasi makakapunta ka na sa US." Sambit pa ng isa at hindi naman makapagsalita si Denver at puro ngiti lang ang kanyang ginagawa kaya nakisingit na lang ako.
"Uhmm... Excuse me.. excuse me. Makikiraan lang." Sambit ko at ng makalapit na ako kay Denver ay agad ko siyang hinila.
"Excuse me guys gusto ko lang makausap si Denver in private." Sambit ko at kita ko naman ang pagtataka nila.

Agad ko siyang hinila palabas ng room para makausap.
Gusto ko siyang kausapin about kay Myron. May gusto lang akong linawin.

"Pasensya ka na kung hinila kita ah gusto lang kasi kitang kausapin." Sambit ko.
"Ayos lang ano ka ba. Ano naman ang gusto mong sabihin sakin?" Tanong niya sakin kaya naglakad lakad muna kami bago ko siya sagutin.
"Denver sorry." Sambit ko at napatingin naman siya sakin. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka kaya muli akong nagsalita.
"S-sorry kasi Uhmm.. about kay Myron!" Sambit ko at kita ko naman na Napa ngiti siya kaya ako naman tuloy ang nagtaka.
Kahit nakangiti siya ang lungkot tignan ang kanyang mga mata.
"Di mo kailangang humingi ng tawad Kirsten. Gaya ng sabi ko sayo na hindi ko hawak ang kanyang puso di ko makokontrol ang nararamdaman. At gusto ko ring mag thank you sayo dahil binigyan mo siya ng pagkakataon para ligawan ka niya. Alam mo kung ako sayo di ko na papatagalin pa. Alam ko naman kung gaano mo siya ka gusto at alam kung ikaw lang ang babae sa paningin niya. Kaya push mo na yan!" Sambit niya habang nakangiti sakin sabay akbay.
"Alam mo Denver kahit ngumiti ka pa diyan nang ngumiti alam ko diyan sa loob mo na nasasaktan ka." Sambit ko pero ngumiti na lang siya.
"Ayos lang ako." Tanging sambit niya. Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumawag samin.
"Nandiyan lang pala kayo. Ano pinag uusapan niyo parang ang seryoso niyo tignan ah." Sambit ni Myron tsaka siya lumapit samin.
"W-wala may sinabi lang saglit sakin si Kirsten." Sambit ni Denver.
"Ganun ba? Sige punta na tayo sa cafeteria para makakain na tayo. Gutom na kasi ako." Sambit ni Myron tsaka niya hinawakan ang kanyang tiyan. Ilang saglit lang ang nakalipas ay bigla siyang lumapit sakin tsaka niya ako inakbayan.
"Uhm. Ano gusto mong pagkain. Libre ko basta magsabi ka lang." Pag aalok niya sakin at ngumiti naman ako.
"Denver sabay ka narin samin." Pag aalok ni Myron kay Denver at tumango naman si Denver tsaka siya sumunod samin.

Wish You Were Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon