•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 35
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
°2 DAYS LATER°
Denver's POV
Ngayon ang araw ng aming field trip. Nasasabik na akong makaalis dito sa syudad dahil gusto ko ng makapag relax. Matagal ng hinahanap ng aking katawan ang dagat kaya ganun na lang ako kasabik. Sa nakalipas na dalawang araw ay wala namang masyadong naganap, ganun parin at walang nangyayari. Noong isang araw pa ako nakapag impake kaya ang gagawin ko na lang ngayon ay maghanda papunta sa field trip bale tatlong araw din kaming mags-stay doon kaya dinala ko talaga yung maleta ko siyempre kailangan natin ng maraming damit dahil sandamakmak ang mga activities na ipapagawa sa amin.Agad na akong bumaba at nadatnan ko naman sila mama na kumakain na ng almusal at tinignan naman nila ako.
"Wow naman talagang nag beach attire." Sambit ni kuya Dj pero di ko siya pinansin bagkus ay sinuot ko ang salamin ko. Ang sakit na kasi ng mata ko kakasuot ng mga contact lense para di lumabo ang paningin ko.
"Halika na dito Denver baka mahuli ka ng bus na sasakyan niyo." Sambit ni mama kaya agad akong nagtungo sa tabi ni Darlene at kumain ng almusal.
"Denver anak may ibibilin sana ako sayo." Sambit ni papa kaya agad naman akong nagsalita.
"Sige po pa, ano po yun?" Tanong ko tsaka ako sumubo.
"Huwag kang masyadong dumikit sa mga lalaki dun ah. Hanggat maaari umiwas ka lalo na kapag di mo kilala yung mga taong lumalapit sayo at tignan mo yung mga iniinom mo baka may nilalagay sila na pwedeng pangpatulog." Mahabang bilin sakin ni papa at narinig ko namang napatawa ng konti si kuya.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan wala namang nakakatawa huh?" Tanong ko kay kuya at sumagot naman siya ng pabiro.
"Umiwas ka baka kasi mabuntis ka ng mga lalaki dun." Sambit ni kuya dahilan para mainis ako.
"Papa si kuya oh! Palagi na lang niya akong inaasar!" Pagsusumbong ko.
"Huwag mo siya pansinin anak talagang ganyan yan pero tandaan mo ang bilin ng papa mo." Sambit ni mama habang tinitimplahan niya ako ng gatas.
"Salamat po ma. Huwag po kayo mag alala mag iingat po ako dun." Sambit ko tsaka ako uminom ng konting gatas na tinimpla ni mama.
"Dapat kuya Denden si kuya Wystan ang palagi mong kasama para di ka lapitan ng mga strangers." Sambit ni Darlene.
"At bakit naman kay mokong pa ako didikit?" Tanong ko na may halong konting pagtawa.
"Kasi feeling ko tuwing kasama mo si kuya Wystan ligtas ka." Sambit ni Darlene kaya napangiti na lang ako.
"Tama ang kapatid mo Denden mas mabuti pa kung si Wystan o kaya si Myron ang palagi mong kasama para ligtas ka." Sambit naman ni mama.
"Hay naku! Mama, papa, huwag po kayo mag alala sakin dahil mag iingat po ako at wala namang masamang mangyayari. Field trip lang po yun at wala kaming ibang gagawin." Sambit ko.
"Mas mabuti na anak yung nakakasiguro tayo na maayos ang lahat." Sambit ni mama.
"Okay po promise, magiging maayos po ang lahat." Sambit ko.
"O siya, kumain ka na at ako na ang maghahatid sayo." Sambit ni papa.
"Sige po bibilisan ko pong kumain, nasasabik na po talaga ako." Sambit ko habang nakangiti.
"Sayang di ako pwedeng sumama." Sambit ni Darlene.
"Huwag ka mag alala dahil sa susunod tayo naman nila mama, papa at kuya ang pupunta sa isang resort at mage-enjoy tayong lahat." Sambit ko at ngumiti naman si Darlene.
"Promise mo yan?" Tanong niya at ngumiti muna ako bago ako sumagot.
"Oo bunso promise ko yan." Sambit ko tsaka ko ginulo ang kanyang buhok.Pagkatapos ng usapan namin ay nagpatuloy kaming kumain. Wala na talagang tatalo sa aking pamilya! Ang swerte ko dahil sila ang pamilya ko. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang aking pamilya kahit sa ano mang bagay dahil sila ang pinaka magandang regalo sa aking buhay.
Hinatid na ako ni papa dito sa school at pagkababa ko sa sasakyan ay nakita ko na agad ang mga kaklase ko na isa-isang sumasakay sa bus. Ang iba naman ay nasa labas parin habang nag uusap-usap. Hinanap ko agad si Irene at ilang saglit lang ay nakita ko na siya habang may bitbit siyang maleta. Agad ko siyang pinuntahan at kinausap ko ito.
"Hoy saan tayo sasakay?" Tanong ko.
"Luh parang tanga! Alam mo naman na nag-iisa yang bus diba?" Sambit niya tsaka niya inayos ang kanyang buhok.
"I mean saan banda tayo uupo." Sambit ko at agad naman siyang sumagot.
"Ewan ko, kung saan may bakante dun tayo uupo." Sagot niya pagkatapos ay may inaayos siya sa kanyang maleta.
"Hindi pa ba tayo papasok?" Tanong ko at tinignan naman niya ako.
"Wow ah! Talagang excited ka na. Mamaya muna tayo sasakay, mainit pa kasi sa loob." Sambit niya.
"Sige basta sabay tayo ah at dapat katabi kita.'" sambit ko at tumango naman siya.
"Sila Wystan at Myron di pala sila sasabay satin sa bus." Sambit niya kaya nagtaka naman ako.
"Huh bakit daw?" Tanong ko.
"Ewan ko pero may sarili silang sasakyan papunta sa resort." Sambit niya.
"E nasaan ngayon yung dalawa? Tanong ko at tinuro naman ni Irene kung nasaan yung sasakyan nung dalawa.
Nang makita ko yung itim na kotse ay sakto naman ang pagbukas ng isang pintuan nito at agad kong nakita si Wystan na lumabas.
BINABASA MO ANG
Wish You Were Here
RomanceSi Denver Margallo ay isang masiyahin at palaban. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya gaya ng mga ibang lalaki dahil nagkakagusto siya sa kanyang kapwa lalaki. Meron siyang kaibigan at hindi lang kaibigan ang turing niya kay Myron Villafuerte...