•WISH YOU WERE HERE•
.
CHAPTER 8
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Myron's POV
Napansin kong nagkakamabutihan na sina Denver at Wystan kaya agad kong sinabayan papunta sa labas ng school si Denver para maka usap siya.Gusto ko narin na sabihin sa kanya na dumating na si Kirsten at mag aaral na siya dito bukas. Gusto kong ipaalam sa kanya yung naging usapan namin na tutulungan niya ako na manliligaw kay Kirsten ng palihim hanggang sa ako na ang aamin sa kay Kirsten.
Nang palabas na siya sa gate ay agad akong tumakbo para kausapin siya.
"Hoy!!!" Malakas kong sigaw sa kanya sabay akbay sa kanya dahilan para magulat siya.
"Ano kaba! Bakit ba nanggugulat ka na lang ng bigla?" Tanong nito sabay hawak sa kanyang dibdib.
"Bakit may nanggugulat bang tao na dahan-dahan?" Natatawa kong sambit.
"Ewan ko sayo! O bakit ka sumunod sakin may sasabihin ka ba?" Tanong niya kaya dito na ako nakaramdam ng konting hiya habang napapakamot ako sa aking batok.
"Ano kasi eh.... Darating na bukas dito si Kirsten gusto ko lang ipa-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumabat.
"Oo alam ko na yun! Huwag ka mag alala tutulungan kita." Sambit niya habang nakangiti kaya napangiti rin ako.
"Salamat ah.. The best ka talaga Denver." Sambit ko at ngiti naman ang kanyang naging sagot at hindi na siya nagsalita.Gusto kong iopen sa kanya yung napapansin kong nagiging close na sila ni Wystan.
"Uhmm.. Denver." Pagtawag ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Ano yun?" Mahina nitong tanong.
"Uhm... Napansin ko kasing parang nagiging close na kayo ng kuya ko, magkaibigan na ba kayo?" Tanong ko at napatawa naman siya.
"Huh? Si Wystan magiging kaibigan ko? No way!" Sumbat niya sakin.
"Pero bakit parang close niyo sa isa't isa tapos pinahiraman ka pa niya ng damit niya." Sambit ko at dito na siya nagsimulang mag isip ng kanyang isasagot.
"Uhm.. Ano ba? Uhm... Ganito kasi yun.. inutusan niya ako na bumili ng pagkain niya at minamadali niya ako kaya kung naalala mo na kinuha ko yung pagkain na binili mo para sakin kanina, ibibigay ko sana yun sa kanya pero sa sobrang pagmamadali ko hindi ko napansin yung basang daanan dahilan para madulas ako at nandoon na siya that time." Pagpapaliwanag niya kaya napaisip ako kung bakit kailangang sundin ni Denver yung utos ng kuya ko.
"Bakit mo ginawa yun? Kaya mo ba sinusunod yung mga utos ni Wystan dahil pinagbabantaan ka niya?" Tanong ko at napansin kong dito na hindi mapakali si Denver.
"Huh?! A-ano kasi... Uhmm... Personal Assistant niya ako... Oo Tama P.A niya ako!" Sagot nito na ikinagulat ko.
"Huh? Ikaw personal assistant niya? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" Mga tanong ko sa kanya.
"Ahh ehh... Ka-kasisimula ko lang kasi ngayong araw." Sagot niya.
"Bakit kailangan mong maging P.A niya?" Tanong ko ulit.
"Haysst! Myron di ka na natatapos na magtanong sakin." Natatawa nitong sambit.
"S-sorry! Curious lang kasi ako." Sambit ko.
"Sus! Wala yun.. P.A lang talaga ako ni Wystan. Promise." Sambit niya kaya di na ako muling nagtanong.
"Sige na Myron uuwi na ako." Pagpapaalam nito pero pinigilan ko muna siya saglit.
"Teka lang! Sabay ka na lang sakin para di ka na mapagod maglakad niyan." Pag aalok ko pero agad naman siyang tumanggi.
"Luh! Huwag na! May dadaanan pa kasi ako." Sambit niya.
"Edi daanan muna natin yung pupuntahan mo tsaka kita ihahatid sa inyo." Sambit ko.
"Ano ka ba Myron. Huwag na... Ayaw kitang maabala. Sa susunod na lang Myron.. Sige umuwi ka narin." Sambit niya pero hindi ako tumigil.
"Tsk. Kaibigan mo pa ba ako? Pansin ko parang iniiwasan mo na ako eh." Malungkot kong sambit.
"Huh! Kaibigan naman kita at di kita iniiwasan promise." Sambit niya at magsasalita pa sana ako ng biglang may bumusina sa harapan namin ng sobrang lakas.
Napatingin kami pareho sa motor na huminto sa tapat namin at hindi na ako nagtaka kung sino yun dahil si kuya lang naman ang may motor na kulay red-black dito sa school."Hoy! Sakay na." Sambit niya at napatingin naman ako kay Denver.
"Huh? A-ako ba?" Tanong ni Denver sabay turo sa kanyang sarili.
"Sino ba sa tingin mo?" Tanong ni Wystan.
"San mo ako dadalhin?" Tanong ni Denver pero iba ang sinagot ni Wystan.
"Y.O.U.R. S.E.C.R.E.T." Sambit ni Wystan.
"Your secret?" Tanong ko naman at napatingin ako kay Denver.
"Anong ibig sabihin nun Denver?" Tanong ko pero di niya ako sinagot agad kasi sumakay na siya sa likod ni Wystan.
"Wala yun Myron! Huwag mong intindihin yun... Kita na lang tayo bukas..." Sambit ni Denver at magsasalita na sana ako ng bigla na lang pinaharorot ni Wystan yung motor kaya di na ako nakapag salita.
BINABASA MO ANG
Wish You Were Here
RomanceSi Denver Margallo ay isang masiyahin at palaban. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya gaya ng mga ibang lalaki dahil nagkakagusto siya sa kanyang kapwa lalaki. Meron siyang kaibigan at hindi lang kaibigan ang turing niya kay Myron Villafuerte...