THE FINAL CHAPTER

158 9 1
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
♥FINAL CHAPTER ♥
.
Plagiarism is a crime
.
#notocopy

.
.
.
.
.
Denver's POV
Sa simula pa lang pagpapanggap na ang aking ginawa na wala na akong nararamdaman kay Myron pero ang totoo hindi yun nagbago dahil mahal ko parin yung nag iisang taong minahal ko ng sobra. Walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya kahit nasasaktan na ako. Paulit-ulit yung sakit kasi Mahal ko siya. Kahit nawala ako ng isang buwan, nandun parin yung nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko mawawala na yun kapag umalis ako pero akala lang pala ang lahat. Hindi ito madali para sa akin na araw-araw ko siyang nakikitang masaya sa piling ni Kirsten. Tanggap ko naman na wala akong pag-asa sa kanya pero hindi ko makontrol ang aking puso. Siya parin talaga hanggang ngayon, wala akong magawa dahil siya lang talaga ang laman ng aking puso.

Nang matapos akong mag kwento tungkol sa aking buhay ng high school ay nakatingin lang sila sakin na para bang naghihintay sila ng katuloy pero ngumiti na lang ako ng mapait hanggang sa naramdaman ko na malapit ng tumulo ang aking luha kaya yumuko na lang ako.

"Hindi namin alam na ganyan pala ang story ng high school life mo Denver. Nakakalungkot but we know someday makakatagpo ka ng taong para sayo talaga." Sambit ni prof at pinunasan ko ang luhang namumuo sa aking mata at hinarap silang lahat.
"Thank you po sir." Paos kong sambit tsaka ako ngumiti ng bahagya.
"Well next naman na magkukwento ang aking pasaway na estudyante, Wystan." Sambit ni prof kaya napatingin ako sa kanya na nakatitig lang din sakin.
"What's your high school life?" Tanong ni prof at nakita kong ngumiti ng konti si Wystan bago siya umiwas ng tingin sakin.
"I have a similar story like Denver." Panimula niya tsaka siya tumingin ulit sakin.
"Meron akong nagugustuhan pero gaya sa sitwasyon ni Denver ay may gusto din na iba yung taong gusto ko. Yun lang yung story ko." Sambit niya at mas lalo pang naging tahimik ang lahat.

Pagkatapos magsalita ni Wystan ay naging tahimik na ang paligid. Tanging pag hampas lang ng dagat ang aming naririnig hanggang sa naisipan kong tumayo tsaka ako nagpaalam kay prof na matutulog na ako.

Pagkaalis ko sa cottage ay naisipan ko munang maglakad-lakad sa tabing dagat. Ilang saglit lang ay napansin kong may sumusunod sa akin kaya napalingon ako kung sino ito.

Pagkalingon ko sa taong ito ay isang malungkot na mukha ang aking nakita. Mukha iyon ng taong Mahal ko. It was Myron.

Naglakad siya papunta sakin at wala naman akong ibang ginawa kundi pag masdan lang siya.
.
(Listen the song "PAUBAYA" before reading this scene)
.
"I'm sorry D-denver." Nauutal niyang sambit tsaka siya yumuko ng konti. Hindi ko alam pero napaluha na lang ako bigla.
"I-i-i know that I'm the person that you like." Sambit niya kaya napakagat labi na lang ako habang may luha sa aking mga mata.
"And you're here to say sorry because you can't love me back." Sambit ko habang patuloy parin ang pagluha ng aking mga mata.
"Sorry talaga Denver, sorry kung ako yung dahilan kung bakit nasasaktan ka." Sambit niya tsaka siya napa tingin sakin.
"Hindi mo kailangang mag sorry. IT WAS MY CHOICE, MAS PINILI KONG MAHALIN KA KAHIT ALAM KONG MASASAKTAN AKO SA HULI. SINUBUKAN KONG PIGILAN MYRON PERO T*NGINA MAHAL TALAGA KITA. ANG TANGA KO SA PART NA YUN!!!" Sigaw ko habang umiiyak ako pero siya pinagmamasdan niya lang ako.
"Alam mo bang umasa ako na magugustuhan mo din pero tumigil akong umasa nung dumating na si Kirsten sa buhay mo. Myron hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang masaya habang kasama mo siya? MYRON HINDI BA PWEDENG AKO NA LANG KAHIT MINSAN LANG?" Tanong ko habang umiiyak pero hindi siya nakapag salita kaya ngumiti na lang ako habang may konting ngiti sa aking labi.
"Myron ayos lang naman sakin eh kahit hindi mo ako Mahal p-pero alam mo ba kung ano ang mas masakit dun? WALA AKONG KARAPATAN NA MAGSELOS KASI WALANG TAYO PERO MAY KARAPATAN AKONG MASAKTAN DAHIL GUSTO KITA!" Sambit ko habang patuloy parin ako sa pagluha. Muntik na akong mapa upo sa buhangin dahil sa nanghihina na ako sa kakaiyak ngunit bigla na lang ako niyakap ni Myron.
"I'm really sorry Denver, from the start napansin ko na may nararamdaman ka na sakin pero wala akong nagawa para mawala yun. Ayoko namang layuan ka dahil importante ka sakin Denver. Kaibigan Kita eh." Sambit niya kaya lalo pa akong napaluha.
"Myron may gusto akong itanong sayo." Sambit ko habang unti-unti kong pinapatahan ang aking sarili at nakayakap parin siya sakin.
"Myron, mali ba ako kasi nakilala kita, mali ba ako kasi na-inlove ako sayo, mali ba ako kasi minahal kita o MAS MALI KA DAHIL PINABAYAAN MO AKONG MAWALA SAYO KAHIT ALAM MONG MAHAL KITA?" Tanong ko at nagsalita naman agad siya.
"I'm sorry." Bulong niya sakin.
"Myron tama na, ayoko na, pagod na ako." Sambit ko tsaka ako kumalas sa pagkakayakap niya.
"Myron pwede bang ako muna?" Tanong ko habang patuloy parin ako sa pag iyak.
"A-ano bang gusto mo?" Nauutal niyang sambit.
"Hindi ko alam." Mahina kong sambit habang nakatingin sa kanya.
"Pero Myron ayoko ng masaktan! Paulit-ulit na lang kasi. Alam mo bang pagod na pagod na ito?" Tanong ko sabay turo sa parte ng puso.
"Hindi ko alam kung paano mawawala yung sakit pero hanggat nandyan ka walang magbabago sa nararamdaman ko k-kaya...." Sambit ko tsaka ako tumigil sa pagsasalita at tinignan ko siya ng may luha sa aking mga mata.
"Nakikiusap ako na layuan mo na ako. Itrato mo ako na hindi mo ako kilala. ALAM KONG MASAYA KA NA, HUWAG MO NA AKO ALALAHANIN AKO NG BAHALA SA SARILI KO." Sambit ko tsaka ko pinunasan ang aking pisngi na basang-basa dahil sa aking pag iyak.
"Myron, MAHAL PA KITA PERO PINAPAUBAYA NA KITA SA KANYA. Maging masaya ka dahil may isang taong nagmamahal sayo at ako isipin mo na lang na naging parte ako sa buhay mo." Sambit ko at dito na ako huminto sa pag iyak.
"Nakikita ko sa iyong mga mata kung bakit pinili mo siya, ayokong masira ang kasiyahan mo kaya nagpapaubaya na ako ngayon. May huli lang akong ibibilin sayo mangako ka na gagawin mo Myron." Sambit ko tsaka ako lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Huwag mo siyang papaluhain at alagaan mo siya. Hindi ko na ipipilit ang aking sarili dahil PAGOD NA AKO. Siguro hanggang dito na lang talaga tayo Myron. Salamat sa lahat" Sambit ko tsaka ko siya tinalikuran.

Wish You Were Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon