Chapter 22

82 4 1
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 22
.
Plagiarism is a crime.
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Wystan's POV
Nagising ako dahil sa may narinig akong tunog ng phone. Iminulat ko ang aking mga mata at napansin kong may tumatawag sa aking phone kaya agad ko itong sinagot kahit hindi ko alam kung sino ate. Nakapikit parin ako nung sinagot ko yung tawag at napamulat na lang ako ng marinig ko ang isang mahinang pagtawa.

Napangiti na lang ako bigla ng makita ko si Denver at siya pala yung tumatawag sakin.

"Parang bagong gising ka lang ngayon ah. Pagabi palang diyan sa Pinas pero parang kakagising mo lang." Sambit niya at umayos naman ako baka mahalata niya kasi ako at mabuking ako na nandito na ako sa US.
"Uhm.. ano kasi... Uhmm umidlip lang ako saglit." Pagsisinungaling ko.
"Bakit ano ginawa mo ngayon at parang pagod ka?" Tanong niya kaya nag isip naman agad ako ng isasagot.
"W-wala naman.. Basta nakaramdam lang ako ng antok kanina." Sambit ko.
"Ganun ba sige matulog ka na ulit, sorry naistorbo kita." Sambit niya.
"Hindi naman sa ganun pero napatawag ka ata?" Tanong ko.
"Hehehe gusto lang kitang kausapin." Sambit niya habang napapatawa siya kaya bahagya naman akong napangiti.
"Bakit namimiss mo na ba ako?" Tanong ko pero ginawa ko yung tanong na yun ng pabiro.
"Huh? Never! Eh madalas nga kitang nakakausap kaya di kita namimiss." Sambit niya.
"Ouch naman." Sambit ko at pareho kaming napatawa.
"Nag breakfast ka na ba?" Tanong ko.
"Kakain pa lang." Sambit niya tsaka siya muling nagsalita.
"Ikaw nag dinner ka na ba?" Tanong niya.
"H-huh? Magdi-dinner pa lang." Sagot ko.
"O sige mamaya na lang." Sambit niya at tumango naman ako tsaka siya ng nag wave sakin bago niya binaba yung phone.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung matapos na kaming mag usap. Grabe kinakabahan talaga ako.
Ilang saglit lang ang lumipas ay naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at pagtingin ko ay si Lola lang pala.

"O kamusta naman ang tulog ng aking apo?" Tanong sakin ni Lola tsaka siya tumabi sakin tsaka niya inayos ang magulo kong buhok.
"Ayos naman po mommyla. Sorry po kung nakatulog ako kagabi." Sambit ko tsaka ako yumuko ng konti.
"Di na tayo nakapag celebrate pero ayos lang apo alam ko naman pagod ka sa byahe." Sambit ni Lola.
"Mommyla nagluto po ba kayo kagabi?" Tanong ko.
"Oo apo nagluto ako ng mga paborito mong pagkain kagabi pero nakatulog ka kagabi kaya di na lang kita ginising." Sambit ni Lola.
"Pero pinainit ko na yung mga pagkain ngayon para sa almusal mo." Pagpapatuloy ni Lola.
"Talaga po? Sige po tara na mommyla, gusto kong kasabay kitang kumain." Sambit ko habang pinipilit kong hilain si Lola at natatawa naman siya dahil sa inakto ko.
"Hay naku, ikaw talagang bata ka! Hahaha." Pagtatawa ni Lola.
Pagkalabas namin ng kwarto ay agad kaming nagtungo sa hapag kainan para makakain na kami at nakita ko naman si mom habang may tinitimpla siya.
"Gising ka na pala, heto Wystan nagtimpla ako ng hot choco para sayo." Sambit ni mom habang nakangiti.
"Salamat mom." Sambit ko at umupo na kaming tatlo at nagsimula na kaming kumain.
"Wystan dahan-dahan lang Di ka mauubusan!" Pag aawat sakin ni Lola dahil subo ako ng subo na halos mabilaukan na ako.
"Mommyla na miss ko kasi yung mga luto mo." Sambit ko tsaka ako nagpatuloy sa pagkain.
"Alam mo mama ngayon ko lang siyang nakitang ganyan kasigla habang kumakain." Sambit ni mom at binagalan ko yung pagsubo ko ng pagkain.
"Ganun ba? Baka naman kasi napapabayaan niyo ang apo ko doon." Sambit ni Lola at wala naman akong narinig na sinabi ni mom.
"Ikaw Wystan malayo parin ba ang loob mo sa mga magulang mo?" Tanong sakin ni Lola.
"Mas gusto ko lang po talaga ang mag isa parati pero ayos naman po kami." Sagot ko at napangiti naman si Lola.
"Sige kumain ka lang diyan." Sambit ni Lola tsaka niya pa nilagyan ng pagkain yung plato ko.

Habang kumakain kaming tatlo ay may biglang tinanong si Lola.

"Kamusta naman ang lovelife ng apo ko?" Tanong ni Lola at napaubo naman ako ng konti.
"Mommyla naman." Sambit ko habang nauubo ng konti.
"Alam mo ma, parang nakatagpo na siya ng katapat niya." Sambit ni mom nagtaka ako kung bakit niya yun sinasabi.
"At sino naman ang maswerteng nakapukaw ng damdamin ng aking apo?" Tanong ni Lola tsaka niya ako tinignan ng mapanukso.
"Mom what are you talking about? And mommyla please stop looking at me like that." Sambit ko pero ngumiti lang si Lola at ganun parin ang tingin niya sakin napapikit na lang ako dahil hindi ko alam kong ano yung sinasabi ni mom hanggang sa kinuha niya ang kanyang phone at may pinakita siya kay Lola.
"Siya ba?" Tanong ni Lola at kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat.
"Hey mom ano yan?" Tanong ko pero ngumiti lang silang pareho sakin.
"Okay naman ang napili niya basta kung saan ka masaya susuportahan kita apo ko." Sambit ni Lola at natuwa naman ako sa sinabi niya pero hindi ko alam kung ano kasi yung pinakita ni mom kaya tinanong ko ulit si mom.
"Mom ano ba yung pinakita mo kay Lola?" Tanong ko at agad namang inabot sakin ni mom yung phone niya tsaka siya napatanong.
"Di ba kaibigan yan ng kapatid mo? Di ka man lang nagsasabi samin na nililigawan mo na siya." Sambit ni mom habang tinitignan ko yung litrato naming dalawa ni Denver habang inaabutan ko siya ng bulaklak. Natawa na lang ako bigla dahil naalala ko yung mga ginawa ko sa kanyang nung araw na yun. Puro sulat ang mukha niya habang inaabutan ko siya ng flower.
.
FLASHBACK
.
Nasa labas na kami ngayon at pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong namin. Tinignan ko ulit si Denver at ayon, confident siya habang naglalakad. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang pusang may bigote at balbas ngayon. Tiyak na babawi ito sakin kapag nakita niya to.

Wish You Were Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon