Chapter 34

75 5 0
                                    

•WISH YOU WERE HERE•
.
Chapter 34
.
Plagiarism is a crime
.
#notocopy
.
.
.
.
.
Denver's POV
Nasa room lang kami ngayon habang hinihintay si prof at ang iba ko namang kaklase ay abala sa pakikipag kwentuhan. Siyempre di ako magpapahuli dahil meron akong kaibigan na kaya akong sabayan sa kadaldalan ko. Tawa lang kami ng tawa ngayon ni Irene dahil ang pinag uusapan namin ay si Wystan dahil sa nangyari kanina.

"Sira ulo ka ang lakas talaga ng trip mo. Bahala ka diyan kapag nagsimula na yan na gumanti sayo. Ayokong kalabanin si Wystan." Sambit ni Kirsten.
"Nararamdaman ko na talaga na magsisimula na naman kami pero sana huwag na siya gumanti." Sambit ko.
"Who knows? pero napansin ko na nagbago na si Wystan. Hindi na siya gaya ng dati na palaging mag isa at mainitin ang ulo kung minsan." Sambit niya tsaka siya napatingin sa gawi ni Wystan.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.
"Dahil nandyan ka. Simula nung naging magkaibigan kayo natuto na siyang makihalabilo sa iba gaya ngayon, tignan mo siya." Sambit niya kaya tinignan ko din si Wystan na ngayon ay kausap niya ang kanyang katabi habang may konting ngiti sa kanyang labi.
"Oo nagbago siya pero hindi dahil sakin." Sambit ko tsaka ako ngumiti ng konti.
"Irene maiba tayo ng usapan, may alam ka bang lugar kung saan tayo pupunta sa field trip?" Tanong ko sa kanya.
"Wala pero sana naman yung lugar na mapili ni prof ay yung pwede tayong mag relax at mag enjoy." Sambit ni Irene.
"Ako gusto ko sa beach o kaya sa isang resort para naman makapag swimming ako. Naiinitan na kasi ako." Sambit ko at bigla naman akong pinalo ni Irene sa braso.
"Ang tanong marunong ka bang lumangoy?" Tanong niya sakin kaya napatawa muna ako ng konti bago ako sumagot.
"Hehehe yun ang hindi ko alam pero nandyan ka naman para turuan ako diba." Sambit ko tsaka ako tumawa at siniko ko siya.
"Hahaha isa kang malaking tae! Paano naman kita tuturuang lumangoy eh kahit ako di ako marunong!" Sambit niya pagkatapos ay sabay kaming tumawa ng malakas.
"Hahahahaha!!!!" Tawa naming pareho pero napatigil kami ng biglang may nagsalita mula sa likuran namin.
"Ay put*ng *na mong kabayo ka!" Pagmumura ni Irene dahil nagulat siya.
"Tahimik." Sambit ni Wystan dahilan para magulat kaming pareho ni Irene.
"Ano ka ba! Nakakagulat ka naman." Sambit ko tsaka ko hinampas ng mahina yung braso ni Wystan. Nakatingin lang siya sakin habang may konting ngiti sa kanyang labi.
"Daig niyo pa alarm clock kung makatawa." Sambit niya.
"Tsk. Edi tumawa ka din." Sumbat ko.
"Dibale na lang kung ganyan kalakas yung tawa ko. Mas gusto ko na lang na manahimik." Sambit niya.
"Haystt ano bang problema mo? Bakit ka ba nandito at ano bang pake mo kung ganito kami tumawa?" At isa pa hindi ka naman namin inaano diyan. Mind your own business." Sambit ko.
"Tsk. Ang ingay mo lang kasi baka pwedeng hinaan mo lang yung tawa mo." Sambit niya.
"Bakit naabala ba kita?" Tanong ko.
"Tsk. Ayoko lang na tumatawa ka ng ganun kalakas because it makes my heart beats fast." Sambit niya tsaka niya inilapit ang kanyang mukha sakin.
"Pa check up muna baka may sira diyan sa utak mo." Sambit ko.
"Ang sabi ko heart hindi utak. Bobo." Mahina nitong sambit dahilan para mainis ako at napatayo ako.
"Hoy tinawag mo ba akong bobo?" Tanong ko pero tinalikuran niya ako at naglakad siya pabalik sa kanyang upuan.
"Hoy kinakausap pa kita." Sambit ko tsaka ko siya pinuntahan.
""Alam mo okay naman tayo nitong mga nakaraang araw diba? Bakit nagiging ganyan ka na sakin?" Tanong ko at nagulat na lang ako ng nagsigawan yung mga kaklase ko.
"Ayyyyiieeee lovebirds!!!" Sambit nila habang nagtitilian ang iba.
"Hoy tumahimik nga kayo." Pagsasaway ko sa kanila pero nahihiya na ako.
"Keep going guys." Sambit naman ni Wystan.
"Sira ka talaga. Urghhh kaasar ka talaga!" Sigaw ko tsaka ko siya tinalikuran at narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa ng bahagya habang patuloy parin yung iba sa pagtili.
Nakanguso na lang ako ng makaupo na ako.
"Ano kaya pa? Mukang magsisimula na naman ang gyera sa pagitan niyo." Sambit ni Irene.
"Bahala siya di ko na lang siya papansinin." Sambit ko naman.

Ilang saglit lang ay dumating na si prof at nakangiti siyang pumasok sa room.

"Sir ang ganda ng ngiti natin ngayon ah." Sambit ni Myron kay prof.
"Ahh wala naman masaya lang ako kasi matutuloy na ang ating field trip at sa beach tayo pupunta!!!" Masayang sambit ni prof at agad namang nagsigawan yung mga kaklase ko at isa na ako doon.
"At pagmamay-ari ng pamilya nila Wystan at Myron yung pupuntahan nating beach resort." Sambit ni prof.
"Woah... Hindi namin alam ni kuya yun prof." Sambit ni Myron.
"Nalaman kasi ng parents niyo na magkakaroon tayo ng field trip so sila na yung nag offer for free! Kaya wala kayong babayaran at ang kailangan lang natin gawin ay mag enjoy!" Sambit ni prof.
"Nakss!!! Ang cool ng parents niyo. Salamat sa family niyo Wystan at Myron." Sambit ng isa kong kaklase at nagsalita pa ang iba samin.
"Malawak yung beach resort na pupuntahan natin kaya magkakaroon tayo ng mga activities, ngayon pa lang maghanda na kayo dahil within three days pupunta na tayo sa beach." Sambit ni prof at parang mga bata naman yung mga kaklase ko na nae-excite na kahit ako ay excited narin akong pumunta.

Wish You Were Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon