Simula

3.4K 45 1
                                    

Tinitigan ko ang isang gold ring sa daliri ko. Mula noong gumaling ako ay naabutan kong nakasuot na ito sa akin at hindi ko alam kung bakit. Wala akong matandaan na bumili ako ng ganito o kung sino ang nagbigay nito. It was a bright gold ring na halatang mahal at sa ilalim nito nakaukit ang tatlong initials.

K.D.M

Hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin no'n. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit may ganitong singsing ako.

"Huy! Tara swimming! KJ ka na naman d'yan. 'Wag mo ngang buruhin ang sarili mo d'yan at enjoy-in mo naman 'tong birhday ko oh," sabi ng isa sa mga kaibigan kong si Denisa nang lumapit sa akin sa sun lounger.

Nasa isang beach resort kami para i-celebrate ang 23rd birthday niya.

Tinignan ko lang siya ng isang beses bago ko hinubad ang singsing sa daliri ko para tignan uli ang initials na naka-engrave doon.

"Curious ka na naman kung ano'ng ibig sabihin niyan 'no?" aniya habang nagpupunas ng tuwalya sa katawan.

"Hindi ko kasi maintindihan, Denisa. Bakit kaya ako may ganitong singsing? Hindi niyo ba talaga alam kung sino'ng nagbigay nito sa akin?" wika ko habang sinisipat nang mabuti ang singsing.

Makinang talaga siya at mukhang nagkakahalaga ng milyon. Wala naman akong sobrang mayamang kaibigan o naging manliligaw kaya wala akong ideya kung sino ang posibleng magbigay sa akin ng ganito kagandang singsing.

"Hindi nga. Noong binalik ka dito sa atin may ganyan ka na." Umupo siya sa katabi kong lounger at nagpatuloy sa pagpupunas."Hindi mo rin naman masabi kung sino nagbigay n'yan sa'yo kasi nga di ka pa magaling no'n. Wala ka ba talagang maalala?" Sinulyapan niya ako.

Marahan akong umiling habang nakatitig pa rin doon.

"Pero meron akong madalas mapanaginipan na isang lalaki. Palagi ko siyang kasama sa panaginip na 'yon. Hindi siya pamilyar sa akin pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala."

Binalingan niya agad ako at tumigil sa ginagawa.

"Sino naman kaya 'yon?"

"Hindi ko alam." Iling ko.

"Baka naman parte siya ng alaala mo sa nakaraan?"

"Siguro? Hindi ko alam, Den."

Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng braso pero agad ding tumigil at parang may natanto.

"Hindi kaya wedding ring 'yan at asawa mo 'yung lalaki sa panaginip mo?"

Sinulyapan ko siya.

"Ano? Imposible naman 'yan. Wala nga akong boyfriend asawa pa kaya?" Umismid ako.

"Hindi imposible 'yon, friend! Kasi kung titignan mo 'yan para talaga siyang wedding ring. Makapal at makinang!" pilit nya."Kasi sino naman ang magbibigay ng ganyan sa'yo e sabi mo nga hindi naman galing sa parents mo 'yan. At wala ka ring boyfriend o manliligaw."

Bumuntonghininga ako.

"Tingen nga!" Kinuha niya sa kamay ko ang singsing. "Oh kita mo oh! Sobrang ganda. Halatang milyones ang halaga nito."

Pinagmasdan ko siya.

"Sino kaya 'tong KDM? Initials kaya 'to nong nagbigay sa'yo neto?" tiningnan nya ako.

Ikinibit ko ang aking mga balikat.

"Kung asawa mo man 'to o boyfriend nakakapagtaka naman na hindi ka na niya binalikan? O baka naman nagbreak na kayo nong nakauwi ka rito?"

Natawa ako nang bahagya at tumingin sa dalampasigan.

"Imposible 'yang sinasabi mo dahil wala ako sa katinuan noon. Sino namang tanga ang papatol sa akin sa ganoong kondisyon?" Ngumuso ako.

The Beast in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon