Kabanata 22

1.3K 32 3
                                    


Hindi ko alam kung ilang minuto akong mahigpit na yumakap sa kanya dahil sa sobrang pananabik. Tahimik lang din ang paligid no'ng mga oras na 'yon. Doon ko lang natanto na pwede pala 'yon? Yung manabik ka sa isang tao na akala mo nagustuhan mo lang sa panaginip. Oo. Talagang nagustuhan ko na siya kahit sa panaginip lang. Kahit na akala ko hindi siya totoo. Totoo nga ang sabi nila na...makalimot man ang isip, ang puso...hinding hindi.

Ngumiti ako kahit na bumubuhos ang luha ko. Mas lalo kong ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya at doon lamang niya ako niyakap pabalik. Hinaplos haplos niya ng marahan ang buhok ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng kasiyahan.

Unti-unti akong humiwalay sa kanya at tumingala. Seryoso ang mukha niyang nakadungaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng malamig at mariin niyang tingin ay hindi ako natatakot na titigan siya. In fact, mas nagugustuhan ko 'yon. Hindi ko alam kung anong nakikita niya sa akin pero may kakaiba sa nakakapasong mga titig niya. May kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Totoo ka nga." Inangat ko ang isang palad ko upang haplusin ang mukha niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoong nahahawakan ko na siya ngayon.

Tinignan niya ako nang walang kurapan. Na parang kapag kumurap siya, mawawala ako.

"Are you okay?" marahan at mahina niyang tanong sabay haplos sa buhok ko.

Napaawang ang mga labi ko sa paggasgas ng mababang boses niya sa lalamunan. Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na marinig ko ang boses niya pero pakiramdam ko, ngayon pa lang.

Tumango ako at ngumiti. Umangat nang kaunti ang sulok ng labi niya. Namangha na naman ako ro'n kaya napayakap uli ako sa kanya. Mas hinigpitan ko pa ngayon at kulang na lang pumasok ako sa loob ng polo niya.

"Alis na muna kami, boss. Tara tara," dinig kong sabi ni Pooh.

Boss?

Napakalas ako at tumingin sa mga tao sa sala. Gusto ko sanang tanungin kung sino sino sila pero hindi yata ito magandang pagkakataon. Gabing gabi na rin at kailagan nang magpahinga ng lahat.

Nagsitayuan na rin ang lahat at isa isang naglakad. Humikab at nag inat pa 'yung iba.

"Good night, Barbie." Nakangising tinapik ni Kitten ang balikat ko.

"Good night." Hinabol ko sila ng tingin.

"I have to go too, Mi lord," biglang sabi ng isang lalaki sa likod ni Ken-Ken.

Napasulyap ako sa kanya. Nakasuot rin ito ng itim na corporate attire at magkahawak ang mga kamay. Bahagya siyang nakangiti sa akin.

"Spyder, Mi lady." Nag bow siya at hiningi ang aking kamay.

Alanganin ko 'yong inilapat sa kamay niya at namangha ako nang halikan niya ang likod ng palad ko.

"I thought you're going to leave?" nakaismid na tanong ni Ken-Ken.

Natawa nang mahina ang lalaki at marahang binitawan ang kamay ko. Muli niyang pinaghawak ang mga kamay niya at ngumisi kay Ken-Ken.

"Nagpakilala lang ako, relax," natatawang saad nito. "I'll go ahead. Good night," nakangising paalam niya bago unti unting tumalikod at lumabas.

"Sino siya?" tanong ko kay Ken.

"My Consigliere." Sinulyapan niya ako.

"Consigliere?"

"My right hand."

Marahan akong napatango. Natahimik kami bigla at nagkatinginan. At habang tumatagal...dinadapuan ako ng hiya. Nakakatitig lang kasi siya sa akin at nakamasid sa bawat kilos ko kaya na-ko-conscious ako.

The Beast in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon