Kabanata 27

1.2K 24 7
                                    

Nagising ako kinabukasan na mag isa na lang sa kama. Mataas na ang araw na nasilip ko sa munting siwang ng kurtina sa bintana kaya nagkusot ako ng mga mata.

Tumihaya ako at tinignan ang orasan sa bedside table. Alas onse na ng tanghali. Napapikit ako nang maalala kung anong oras na kami natulog kagabi. Madaling araw na yata. Sa pagkakatanda ko mag a-alas tres na nang matapos ang pangatlo namin!

Namula ako at agad  bumangon. Napasulyap ako sa suot na T-shirt ni Ken-Ken at sa pinto. Nasapo ko ang noo at nagdesisyong mag hot shower na.

Bumaba na ako matapos ang ilang minutong pag aayos sa sarili. Nasa hagdan na ako nang mamataan ko si Ken-Ken na kausap si Spyder. Nasa malapit sila sa pinto nakatayo at seryosong nag uusap.

Napatingin si Spyder sa akin kaya lumingon din si Ken-Ken. Lumabi naman ako at nagpatuloy sa pagbaba hanggang sa makaupo sa sala.

"Gising ka na. Sandali, dalhan kita ng tsaa." Si Nay Emilia na napadaan.

Tumango lang ako at nagpasalamat bago ibinalik ang tingin sa dalawa. Nag uusap pa rin sila pero nasa akin ang mga titig ni Ken-Ken. Tinitigan ko rin siya pabalik ngunit unti unti akong pinamulahan ng pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. Wala sa sariling nagsara ang mga binti ko at nag iwas ng tingin.

"Heto inumin mo."

Napabaling ako kay Nay Emilia nang marahan niyang ilapag ang tsaa sa lamesita.

"S-Salamat po." Kinuha ko 'yon at ininuman agad kaya kanda paso ang dila ko.

"Susmaryosep! Dahan dahan lang hija. Mainit 'yan." Sinubukan niya akong hawakan.

Alanganin ang naging pagtawa ko dahil sa tensyon. Hindi ko alam kung bakit naging tensyunado ako bigla dahil sa nakakapasong titig ni Ken-Ken sa akin. Ngayon lang nag sink in lahat ng hiya sa akin at mabilis na kumalat ito sa buong katawan ko!

Unti unting lumapit ang dalawa sa sala. Umalis na rin si Nay Emilia dala ang tray. Naupo si Spyder sa pang isahang upuan at si Ken-Ken naman sa tabi ko.

"You okay?" Dumantay ang isang palad niya sa hita ko.

Tumango lang ako nang 'di tumitingin bago sumimsim ulit. Parang nag init na naman ako bigla sa kamay niya sa hita ko. Mula kasi no'ng may nangyayari na sa amin, tumitindi na ang epekto niya sa akin. Kahit sa simpleng hawak lang, para na akong sinisilaban.

Lalo akong namula at napainom nang deretso dahil do'n.

"You hungry? Magpapahanda ako." Si Ken-Ken nang mapansin ang tila pagkauhaw ko.

Umiling agad ako sa kalagitnaan ng pagsasalita niya.

"O-Okay lang ako. Hindi naman ako... nagugutom." Hindi ako makatingin sa kanya.

Nakita kong napaayos ng upo si Spyder at natutuwang ngumisi. Ibinaba ko ang tasa at sinubukang magtanong tungkol sa mga magulang ko.

"May balita na po ba, Sir?" tanong ko kay Spyder.

Natawa siya nang mahina. "Just call me Spyder, Mi lady."

Napakurap kurap ako.

"O-Oh... okay. May balita na ba sa parents ko Spyder?"

Bumuntonghininga siya at tumingin kay Ken-Ken. Sumulyap din ako rito upang humingi ng sagot.

"Ken...hindi ba talaga ako p'wedeng tumulong? Hindi ba ako naman ang kailangan nila? B-Baka may paraan pa?" nagsusumamong tanong ko.

Tumalas ang titig niya sa akin.

"I told you we're done talking about that. I won't risk your life, Gianina."

The Beast in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon