Kabanata 25

1.3K 32 11
                                    


Nagising ako sa marahang pagsuklay sa buhok ko. Tibok ng puso ang una kong narinig kaya tinignan ko ang hinihigaan. Nakahiga ako sa dibdib ni Ken-Ken na may puting T-shirt nang pang itaas. Nalingunan ko ang braso ko na nakapulupot sa baywang niya. May suot na rin akong puting dress shirt na halatang malaki sa akin at may underwear na rin ako sa baba.

Napapikit akong muli nang maramdaman ang pagkirot ng katawan ko. Lalo na sa gitna. Naalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Isang beses lang 'yon pero pakiramdam ko lalagnatin ako.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin kay Ken-Ken. Mataman na siyang nakatitig sa akin at napahinto sa pagsuklay sa buhok ko gamit ang daliri.

"Good morning," mahinang bati niya.

"Morning," paos na bati ko.

"Are you okay?" marahan niyang tanong.

Umiling agad ako at ngumuso.

"Masakit."

Hinalikan niya ang noo ko ng dalawang beses."I'm sorry," bulong niya.

Hinaplos haplos niya ang buhok ko bilang pang alo.

"You need a hot bath. Let's go." Marahan niya akong pinaupo bago binuhat.

Pumunta kami sa banyo at nakita kong may nakahanda nang umuusok na bath tub doon at may mga rose petals pa. Umalingasaw sa paligid ang mabangong usok na nanggagaling do'n kaya na-relax ako ng kaunti.

Maingat niya akong ibinaba sa tubig.

"A-Ako na." Namumulang pigil ko nang akma niyang i-a-unbotton ang suot ko.

Nagkatinginan kami. Lalo akong namula nang makita ang titig niya sa akin. Alam kong nakita na niya lahat sa akin pero nahihiya pa rin ako.

Bumuntonghininga siya at umayos ng tayo. Nagkamot siya ng kilay bago tumalikod. Sinamantala ako ang pagkakataon upang tanggalin ang suot na damit. Nilagay ko 'yon sa gilid at saka bahagyang lumubog upang matakpan ang dibdib ko.

"Take your time. I'll wait outside," aniya at nagsimulang humakbang pero tinawag ko siya.

"Ken."

Huminto siya at lumingon sa akin.

Lumunok ako ng isang beses."Samahan mo ako please?" Ngumuso ako.

Tinignan niya ako ng may paninimbang, pilit pinoproseso ang sinabi ko.

Komportable at panatag kasi ako 'pag nariyan siya. Gusto ko palagi ko siyang kasama.

"Please?" nakikiusap na tinig ko.

Binasa niya ang labi niya at unti unting napabuga ng hangin. Walang salitang lumapit siya sa akin at nagtanggal ng damit. Tanging boxers lang ang iniwan niya sa kanya kaya napaiwas ako ng tingin nang makita ang namumukol na kalakhan niya.

Umapaw ang tubig sa bath tub nang lumusong na siya at prenteng umupo sa tapat ko, nakahilig at nakalagay ang mga siko sa magkabilang gilid. Malaki ang bath tub niya pero naramdaman ko pa rin ang mga binti niya sa mga binti ko dahil sa haba ng biyas niya.

"Feeling more comfortable now?" tanong niya.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. Medyo naibsan na ang hapdi sa gitna ko pero masakit pa rin ang katawan ko.

"Pero mas magiging komportable ako kung katabi kita." Lumabi ako.

Tinitigan niya ako nang mariin. Nagtagal 'yon ng ilang segundo bago siya unti unting lumapit. Umusod ako para mailagay ko siya sa pwesto ko kanina. Hindi naman siya umangal lalo na nang kumandong ako sa kanya at humilig sa kanyang matigas na dibdib. Hinaplos niya ang buhok ko pababa sa balikat at braso at hinalikan niya ang sentido ko. Ramdam kong bumigat ang paghinga niya at sigurado akong nagpipigil na naman siya ngayon. Napangiti ako at pumikit na lang.

The Beast in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon