Kabanata 30

1.3K 33 7
                                    

A/N: This is the final chapter before the epilogue. Thank you so much for reading! Please bear with me until the end. ت


    ⋆✦⋆ 


Isang linggo na ang nakalipas matapos dumalaw ni Ken-Ken sa mansyon. Hindi na uli 'yon nasundan dahil sabi niya meron daw siyang inaasikaso at nangako naman na babalik kapag natapos na. Kaya naman habang hinihintay ko siya, nagdesisyon akong bumalik na sa pag aaral.

Kumuha na lang ako ng special exams para sa lumipas na midterms. Iyon ang pinagkaabalahan ko sa mga sumunod pang linggo at laking tuwa ng mga magulang ko dahil kahit papaano nakakabalik na ako sa dati kong buhay. Masaya rin naman ako. Lalo na dahil nangako naman si Ken-Ken na magkikita kami ulit. Pinanghawakan ko ang pangako niyang 'yon kaya hindi na ako singlungkot no'ng una kaming magkalayo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagrereview ng lessons ko nang katukin ako ni màmà at sinabing dumalaw raw si Ken-Ken. Ngumiti agad ako at sabik na bumaba. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo upang salubungin ang mahigpit na yakap ko.

"Buti napadalaw ka. Sobrang miss kita, Ken-Ken!" nakapikit at masayang sambit ko.

Hinaplos naman niya ang ulo ko gaya ng dati.

"I miss you everyday."

Ngumiti ako at kumalas.

"Please, sabihin mong magtatagal ka," umaasang sabi ko.

Tinitigan niya ako nang matagal bago maliit na ngumiti at hinaplos ang buhok ko.

"I only came to give you this." Ipinakita niya ang isang brown envelope na hindi ko napansing hawak niya kanina.

Sinulyapan ko 'yon ng isang beses bago muling nag angat ng tingin sa kanya.

"Ano 'yan?" bahagyang nakangiti na tanong ko.

"Open it." Inilahad niya 'yon.

Ngumiti naman ako. Mukhang nahihiligan na ni Ken-Ken ang surprises ah.

Kumalas ako sa mula sa pagkakayapos sa baywang niya at kinuha ang envelope. Sabay kaming umupo nang magkatapat bago ko marahang binuksan 'yon. Mga papel ang laman. Kinuha ko ang mga 'yon at pinasadahan ng basa. Napawi ang ngiti ko nang mabasa ang mga nakasaad dito.

"A-Annulment?" Gulat ko siyang sinulyapan.

Kalmado naman siyang nakatingin sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa mga papel at ibinaba pa ang envelope upang isa-isang mabasa ang iba pa. Annulment papers nga ito! Annulment ng kasal namin!

Dumaan agad ang sakit sa puso ko nang sulyapan ko siya.

"Ken-Ken.. a-ano 'to? B-Bakit mo ako binibigyan nito?"

Seryoso na siyang tumingin sa akin.

"For you to sign it."

Nanlaki ang mga mata ko.

"S-Sign it? B-Bakit?" Nangilid agad ang mga luha ko.

Minsan ko na nga lang siya makita tapos ito pa ang isasalubong niya sa akin? Talagang nasurpresa niya ako!

"We need to right the wrong, Gianina. We need to get annulled."

The Beast in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon