"Ken-Ken!" umiiyak na palahaw ko at mabilis na kumawala kay Morgan.Sinubukan ko siyang lapitan pero agad nakuha ni Morgan ang pulso ko. Humagulgol ako nang makitang nakahandusay na siya sa sahig at 'di na gumagalaw. Parang binibiyak ang puso ko sa nakikita. Tigmak na ang mga luha ko na ayaw paawat sa pagbuhos. Ang sakit. Sobrang sakit.
"Ken-Ken!" patuloy na humagulgol ako at tila unti-unting nawawalan ng lakas.
"Serves him right," seryosong bulong ni Morgan bago ako hinila paalis.
"Ken-Ken!" Sinubukan kong kumawala pero sadyang malakas siya at ako naman...nanghihina na.
Sobra-sobra ang paninikip ng dibdib ko at pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Patuloy ako sa paghagulgol habang kinaladkad ni Morgan palayo. Minsan ko pa siyang nilingon pero hindi na talaga siya gumalaw.
"Ang sama mo!" galit at umiiyak na sigaw ko kay Morgan.
"You can get over him in time, Gianina. I'm the right man for you. Not him."
"Hinding-hindi kita mamahalin!" punong-puno ng pandidiring saad ko habang sinubukang bawiin ang kamay.
Ngumisi lang siya habang nakatingin sa harap.
"Kahit patayin mo pa siya hinding-hindi mo ako makukuha!" malakas sa sigaw ko, pagod na pagod na sa kakaintindi sa kanya.
I've always been taught to see the goodness in all people, but this one...wala na. Wala nang pag-asa si Morgan. Tuluyan na siyang kinain ng dilim!
Napanis ang ngisi niya at huminto upang sampalin ako. Napadaing ako sa lakas ng pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Humikbi ako at humagulgol na naman.
"Shut up!" sigaw niya.
Lumuluha ko siyang binalingan.
"Bakit mo ba ginagawa 'to?" mahina at garalgal na tanong ko."Hindi ka naman ganyan dati Morgan. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa 'yo."
Tumalas ang titig niya sa akin.
"Kung gano'n, mali ang pagkakakilala mo sa akin."
"Morgan..."
Hinawakan niya nang mariin ang magkabilang braso ko.
"Simple lang naman ang gusto ko e. Ang mapasaakin ka, Gianina! Pero ano'ng ginawa mo? Sumama ka pa sa lalaking 'yon!"
Patuloy na umagos ang mga luha ko habang pinapakinggan siya.
"Kaya hindi ako ang pumatay sa kanya. Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanya, Gianina!" asik niya.
"Napakababaw ng rason mo," mahinang sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Pumatay ka ng tao para sa sarili mong interes? Nakakaawa ka. Ipinipilit mo ang sarili mong magustuhan ng isang babaeng hindi ka gusto. Ngayon mo sabihin sa akin, magusgustuhan ba kita sa ginawa mo?"
Kumuyom ang panga niya at humigpit ang hawak niya sa akin.
"Walang magbabago, Morgan." Umiling ako. "Kahit pa ikasal tayo at magkaanak, hinding-hindi kita mamahalin," mariing sambit ko.
"Tumahimik ka," mariing banta niya.
"Hinding-hindi tayo magiging masaya. Hinding-hindi ka magiging masaya-"
"Tumahimik ka sabi-"
"Dahil kahit kailan hindi kita magagawang mahalin!" sigaw ko.
Lalong kumuyom ang panga niya at nanlilisik na ang kanyang mga mata.
"Si Ken-Ken ang mahal ko! At siya lang ang mamahalin ko-"
Sinampal niya uli ako nang malakas kaya napaupo ako sa sahig. Nang tingalain ko siya ay lalong nag apoy ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Beast in the City
عاطفيةKendrick Devin Montenegro emerged as the most powerful gang lord in the city. He's a dangerous man with a business to run. He knows who will follow him until the end, and he knows who to cut loose when they no longer serve a purpose for him. He is g...