Kabanata 16

1.2K 25 2
                                    


GIANINA SKYLAN DELA PIEDRA

"Ken-Ken!"

"Ken-Ken!"

"Ken-Ken!"

Umiiyak at humahangos ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit kahit anong bilis ang gawin ko, hindi ko siya maabutan. Mabagal lang ang paglalakad niya pero parang hindi ko siya mahabol. Parang napakalayo na niya at hindi ako makaalis sa kinatatayuan. Hindi makausad.

"Ken-Ken!" patuloy kong sigaw.

Naghahalo na ang pawis at luha sa mukha ko at pagod na pagod na rin ako pero hindi niya ako nililingon. Tila nabingi na siya habang kalmadong nakapamulsang naglalakad palayo.

"Ken-Ken!"

Bumagal na ang pagtakbo ko dahil sa pagod. Nanghina na ang mga tuhod ko kaya natisod na ako at sumalampak sa lupa.

"Ken-Ken!" malakas at gumagaralgal na pagtawag ko ngunit hindi siya natinag sa paglayo.

Naninikip ng sobra ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang lumayo. Bumuhos ang mga luha ko at sinubukang tumayo ngunit dahil sa panghihina ay napaupo ulit ako.

"Ken-Ken!"

Sinubukan ko siyang abutin ngunit tuluyan na siyang naglaho sa liwanag.

"Ken-Ken!" Napabangon ako sa kama, taas baba ang paghinga.

Napalunok ako at hinabol ang hininga. Naikuyom ko ang mga kamay sa kama.

Ang lalaking 'yon. Napanaginipan ko naman siya.

Iginala ko ang mga mata sa madilim na kwarto. Tinignan ko ang orasan at nakitang ala una pa lang ng madaling araw. Naihilamos ko ang aking mga palad sa mukha kaya nakapa ko ang mga basang pisngi. Kinapa ko ng mabuti at natantong basa nga 'yon dahil sa luha. Totoong lumuha ako at totoong kumirot ang puso ko.

Ano bang ibig sabihin ng panaginip kong 'yon? At sino nga ba talaga sa buhay ko ang lalaking tinatawag kong Ken-Ken? Bakit ko siya hinahabol?

Nanuyo ang lalamunan ko kaya marahan akong umalis sa kama at bumaba upang uminom ng tubig.

Iniisip ko kung sino ang lalaking 'yon sa panaginip ko habang nagsasalin ako ng tubig sa baso.

Parte nga ba siya ng nakaraan ko? Sino ba talaga siya?

Uminom ako ng tubig at napaisip na naman.

Kung parte siya ng nakaraan ko, bakit... hindi niya ako hinahanap? Bakit hindi siya nagpapakita o nagpapakilala sa akin?

Wala sa sariling kinapa ko ang singsing sa daliri ko at pinagmamasdan 'yon ng matagal.

K.D.M. Ken-Ken. Posible nga kayang siya ito? Si K.D.M si Ken-Ken?

Bumuntonghininga ako.

Hindi ako agad nakatulog nang gabing 'yon. Paulit ulit akong nag isip hanggang sa makatulugan ko na ito.

"Skylan, hija." Kumatok si Mamà sa labas ng silid ko.

Bumuntonghininga ako matapos magsuklay. Marahan akong tumayo mula sa dresser at kinuha ang bag ko. Lumabas ako ng silid at nakangiting mukha ni Mamà ang sumalubong sa akin.

"Morgan is waiting for you outside," nangingiting sabi niya na may halong kilig.

Napababa ako ng tingin at bahagyang nadismaya. Pagkatapos ng pag anunsyo nila ng balak na pagpapakasal sa amin kagabi, hindi na naging maayos ang pakiramdam ko. Gustuhin ko mang umalma pero nakakahiya dahil nasa harap kami ng hapag at nakakabastos kung makikisabat ako. Masyado akong nagulat sa biglang pagdesisyon nila ng ganoon. Alam ko namang matagal nang magkaibigan ang pamilya ko at pamilya ni Morgan pero hindi ko inaasahang ganito kabilis ang mga pangyayari.

The Beast in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon