Kabanata 29

1.1K 26 2
                                    


"Señorita, bumaba na raw po kayo sabi ni Señora. Nakahanda na po ang hapunan," dinig kong sabi ng kasambahay namin sa labas ng kwarto ko.

Hindi ako umimik at nanatiling nakapikit. Nang hindi niya ako narinig sumagot ay hindi na rin ito nangulit.

It's been a week. Isang linggo na ang nakalipas mula noong nakauwi kami ng Isabela. At sa mga araw na dumaan, wala akong ginawa kundi magmukmok at matulog sa kwarto. Dinadalhan ako rito ng pagkain na madalang ko ring galawin. I don't know. Tila nawalan na ako ng gana sa lahat. Palagi kong hawak ang cellphone ko at hinihintay ang tawag ni Ken. Palagi ko siyang iniisip. Palagi ko siyang hinahanap. At nalulungkot ako na magkalayo kami.

"Skylan, darling..." boses ni màmà sa labas.

Hindi pa rin ako nagmulat. Mas niyakap ko ang unan ko. Nang hindi ko siya pagbuksan ng pinto ay siya na mismo ang pumasok.

"Darling, dinner's ready, come on. Sumabay ka naman sa amin minsan," malumanay na sambit niya.

Lumubog ang kama sa likuran ko at maya maya'y naramdaman ko na ang kamay niya sa braso ko.

"Sky..." masuyong bulong niya.

"Hindi ako nagugutom, màmà." Palaging litanya ko.

Bumuntonghininga siya. "Your pàpà wants to talk to you. He's waiting for you at the table."

Hindi ako nagsalita. Three days ago, ginanap ang burial ni Morgan. Maraming nagluksa sa pagkawala niya pero hindi na kami dumalo. Galit na galit pa rin kasi si Pàpà sa pamilya Castillejos dahil sa nangyari. Pinagpipilitan ng pamilya nila na wala silang alam sa mga ginawa ni Morgan at ang pagiging miyembro nito ng isang Mafia group. Humingi ng tawad ang gobernador sa amin ngunit hindi tinanggap ni Pàpà. Nang dahil do'n nagkalamat na ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya na minsang naging malapit.

Pinabulaan din ni Pàpà sa media ang paratang sa kanya na maraming kaaway sa pulitika. Nalaman kasi namin na gawa-gawa lang pala ni Morgan 'yon upang hindi siya paghinalaan.

"Wala akong sasabihin sa kanya, màmà," sagot ko sa sinabi ni Màmà kanina.

"But he wants to talk to you. Baka siya may sasabihin. Halos isang linggo ka nang hindi lumalabas," may pag aalala sa boses niya.

Bumuntong hininga ako.

"Sige po susunod ako," sabi ko na lang para matapos na.

Hinalikan muna ako ni màmà sa pisngi bago lumabas. Nanatili akong nakahiga ng ilang minuto hanggang sa tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Agad akong napabalikwas ng bangon at mabilis na kinuha ang cellphone sa bedside table. Gumuho ang excitement ko nang makitang si Denisa lang pala ang nagtext. Kinukumusta ako.

Napabuntonghininga ako at tamad na ibinato ang cellphone sa kama. Dalawang araw na mula no'ng huli kaming mag usap ni Ken-Ken sa cellphone. At hanggang ngayon, hindi pa siya nagpaparamdam.

Nagdesisyon akong lumabas na at saluhan ang mga magulang ko sa hapunan.

"Mabuti naman at lumabas ka na. What's wrong, anak? Bakit ka nagkukulong?" Tumigil sa pag kain si pàpà upang matamang tignan ako.

Hindi ako sumagot agad at marahan lang na naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Gianina," untag niya.

Bumuntonghininga ako at tinignan ko silang dalawa ni màmà. Hinawakan ko ang kamay ni Pàpà at nakikiusap na tumingin sa kanya.

"Pàpà... p'wede ba akong bumalik kay Ken-Ken? Nalulungkot po kasi ako kapag hindi ko siya kasama," mahinang sabi ko.

Humigpit agad ang hawak niya sa kubyertos.

The Beast in the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon