Blue Rose

3 0 0
                                    

Dahil malapit na din ang Prom namin. Gusto kong yayain si Eunice as partner ko.

Out of nowhere naisipan kong mag search ng paano mag confess kay crush without saying anything.

[How many roses to say I love you?"

Loading....

[ Three roses: The traditional three-month anniversary gift also simply means "I love you." ]

YES! Alam ko na ang gagawin ko.

Kinaumagahan ay ganadong ganado akong gumising. Naligo agad ako, nagbihis, at kumain.

Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa flower shop malapit sa school.

Bumili ako ng tatlong pulang rosas. Ako pa namili nun.

Patalon talon akong naglalakbay papuntang school. Ngiting ngiti pa ako.

Dumaan na ang 1st, 2nd, 3rd Subject. Nang tumunog ang bell na nagsisilbing palatandaan na break time na ay agad akong nag ayos at nagpunta sa room ni Eunice.

Nakita ko siya doon, nag iisa sa sulok at nakatanaw sa bintana. Kinalabit ko siya at binigay ang rosas.

"Aabangan ko ang sagot mo, mamaya! See you, as soon as I can" nagmamadaling sabi ko sa kanya at agad na umalis.

Lumipas ang 3 Subject at tapos na ang klase. May 15 minutes pa kami para tanungin ang mga napili naming date sa prom.

Agad agad akong nagpunta sa hallway ng room ni Eunice. Hinanap ko siya sa loob pero wala siya.

Tinanong ko ang mga kaklase niya kung nasaan siya. Ang sabi nila nasa  Section Diamond daw kaya pumunta naman ako dun.

Ano bang ginagawa niya dun sa Room 1?

Pagpasok ko pa lamang sa room na yun ay nakita ko agad si Eunice na kausap si Jared habang hawak ang mga rosas na ibinigay ko sa kanya.

Nang biglang iniabot niya ang rosas kay Jared.

Kinuha naman ito ni Jared. Biglang nagtama ang mga mata namin at tile nagulat siya. Agad agad niyang binalik ang rosas kay Eunice. At may kinuha sa bag niya.

Aalis na sana ako ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"Sandali lang Pam!" sigaw niya kaya napahinto ako at lumingon sa kanya.

Tumakbo siya papunta sa akin at inabot ang asul na rosas.

"I'm Sorry." sabi niya at umalis na.

Mabilis lahat ng pangyayari na hindi ko na naitanong kung para saan ito.

Sobrang awkward ng pangyayari, pinagtitinginan at pinag uusapan ako ng mga tao sa loob ng room. Habang si Eunice naman ay nakatingin ng masama sa akin.

Nakauwi na ako sa bahay at mabilis na sinearch ang kahulugan ng asul na rosas

[What does it mean when someone gives you a blue rose?]

Mabilis na lumabas ang mga meaning nito.

[ The blue rose signifies True love, associated with the unattainable. A blue rose can mean unreachable, unattainable or unrequited love. ... Love at for sight is sometimes given to the blue rose as its meaning. ]

Kung unrequited love ang ibig sabihin ng blue rose, bakit naman ako binigyan ni Jared nito?

Lalo na't alam niyang hindi lalaki ang gusto ko?

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon