Recorder

2 0 0
                                    

Hawak hawak ko ngayon ang recorder na iniwan sa akin ni Ella.

Bago siya umalis kanina papuntang airport. Uuwi na siya sa kanila, sa New Zealand.

Pinakinggan ko ang laman ng recorder.

"Everbody is asking what is our relationship. I say, close friends po."

"Sa kaibigan naman niya na din nanggaling sis! Ikaw wallpaper, tapos ikaw din Avatar sa ML!
sabi nila sa akin. I say, change topic please."

"Araw araw mo kachat, nagsesend ng VM, nangangamusta, pinakilala ka pa sa kapatid at pinsan. I say, eh sa hindi naman nanliligaw."

"Fine! Gusto ko din siya. Oo matagal na. Pero wala nga kaming label. Hindi siya nanliligaw. Walang label. Puro actions lang, I need words. I need confirmation."

"Ayoko ng gano'n. Walang label. Toxic. Mahirap. Hindi ko kaya. Ako din masasaktan sa huli."

"Hello Ethan, kung naririnig mo ito siguradong papunta na ako sa New Zealand. I just wanna say that I like you since we chatted the 1st time." sabi niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"I don't have the courage to tell it you personally so please just listen to this song." narinig kong may pinindot siya sa background.

Nagsimulang tumugtog ang kantang Oceans by Seafret.

"It feels like there's oceans, between you and me. Once again." sabay niya sa lyrics.

Natapos ang kanta na tahimik lang ako.

"I hope you're happy now, Ethan! Congratulations, tatay ka na. Goodluck sa inyo. Bye!" sabi niya at pinatay ang recorder.

Tinawagan ko agad si Ella, naka ilang ring muna ang tawag bago siya sumagot.

"Hello, Ella speaking." sabi niya

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko agad sa kanya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" tila naguguluhang tanong niya.

"Kailangan mo pala ng confirmation, bakit hindi mo sinabi sa akin? Bibigyan naman kita. Kaya kong iwanan si Margarette para sayo." sabi ko sa kanya.

"Yun na nga Ethan. Alam kong kaya mong gawin yan para sa akin. Pero, ayaw ko. Ayaw kong sumira ng pamilya." tumigil muna siya.

Parang pinipigilan niyang umiyak.

"May anak ka na Ethan. Wag mong hayaang lumaking walang tatay yang anak mo. Maging responsable ka naman kahit ngayon lang." sabi niya sa akin.

Tuluyan na ding kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sorry..." yun lang ang nasabi ko.

"Okay lang. Sige na bye na, mamaya na lang. Tinatawag na ang flight ko. Bye Ethan." sabi niya sa akin.

"I love you E-..." namatay ang tawag bago ko pa man masabi ang sasabihin ko.

Isang gabi lang ang kinailangan para mawala ang taong pinakamamahal ko.

Ella.

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon