House Of Cards

2 0 0
                                    

🎶 Hey, its my birthday, I gotta go pick up the phone 🎶

Malakas na tunog ang sumira sa napakagandang tulog ko.

7:30 PM na pala, kalahating oras na lang ang natitira bago ako sunduin nila Gian.

Pinatay ko agad ang alarm clock ko. At nag stretching.

Inayos ko ang sarili ko. Nagsuklay, pabango, at naghanap ng damit na babagay sa okasyon ngayon.

Birthday ko kaya magbabar hopping kami kasama mga girlfriend namin.

Kanina pa ako hindi binabati ng girlfriend kong si Ayana, kahit text wala.

Inisip ko na lang na baka may surprise siya sa akin ngayon.

Mabilis na lumipas ang oras ng hindi namamalayan.

Agad akong lumabas nang may narinig akong maingay sa labas ng bahay ko, sigurado akong sila na ito.

Nagsapatos na ako, at kinuha ang susi ng bahay. Nilock ko ito at sinalubong sila.

Bumusina naman ang mga ito bilang pagbati.

Binuksan ko ang shotgun seat ng kotse ngunit nakaupo na roon ang girlfriend ni David.

No choice, sa likod ako umupo.

Nakita ko naman si Shiela na, girlfriend ni Gian. Nakatitig siya sa cellphone niya at parang iiyak na siya.

"Shi, nasaan boyfriend mong si Gian? Akala ko ba siya susundo sa akin?" tanong ko sa kanya.

Mukha namang nahimasmasan siya nang marinig niya ang boses ko kaya agad niya inayos ang sarili niya.

Lumingon naman siya sa akin at pilit na ngumiti.

"Happy Birthday sa ating dalawa bro!" sambit niya.

Oo nga pala, sabay kami ng birthday.

"Anyway, makikita mo may surprise yata siya sa akin. Ikaw, alam mo ba kung nasaan ang pinakamamahal mong girlfriend?" tanong niya pabalik sa akin matapos niyang sumagot.

Agad naman akong napangiti dahil sa pagkamention ng girlfriend kong si Ayana.

"Hindi ko alam, hinihintay ko nga kung anong surprise niya ih. Hindi niya pa ako binabati ngayon." sagot ko sa kanya.

Natraffic pa kami sa NLEX dahil andaming pauwi ng Maynila.

Nakarating na kami sa lostland, naiwan si David sa kotse dahil maghahanap pa siya kung saan pwede mag park.

Pagkabukas ng pintuan ay agad kaming napahinto ng sabay sabay.

Hindi dahil sa dami ng tao, at halo halong amoy ng sigarilyo, pawis, at inumin.

Kung hindi dahil sa dalawang taong sumasayaw sa ibabaw ng lamesa.

Si Ayana at Gian. Naghahalikan habang sumasayaw sa gitna ng bar at chinecheer pa sila ng mga tao.

Ito na ba yung surprise gift mo sa akin? Sobrang nakakasurprise nga.

Nagtama ang mata namin ni Ayana at bigla siyang napahinto.

Dumating naman na si David, at napahinto siya.

"Umalis na tayo." sabi ni Shiela.

Pinipigilan niyang umiyak. Napansin na din kami ni Gian dahil tumigil na sila sa paghahalikan samantalang kami naman ay naestatwa pa din sa entrance ng bar.

Bumaba agad si Gian sa lamesa at akmang pupuntahan kami pero hinatak ko na si Shiela paalis ng bar.

Sumunod sa amin sila David.

Pinaandar niya na ang sasakyan. Naging tahimik ang daan namin pauwi.

Nangyari na ang kinatatakutan ko.

I already know that this will happen. I did everything to stop the cards from falling apart. But here we are, with a stack of cards full blown, scattered in the ground.

Our relationship like this house of cards, is finally over.

Happy Birthday to me. To us.

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon