kapalit

2 0 0
                                        

Nagsimulang kumulimlim ang paligid.
Pumapatak na ang ulan.
Tulad ng mga ala-alang kay lungkot,
na nagkonekta sa ating dalawa.

Kaguluhan.
Diyan tayo nagsimula.
Pareho ng problema,
pareho ring naresolba.

Huli na ba ako?
Makinang na ang iyong mga mata,
habang kausap siya.
Akala ko, ang kinang na iyon ay para sa akin lang.

Ngunit nang dumating siya,
ay sa kanya lahat napunta.
Panahon na, ang paglaya ng dalawang puso ay magsisimula na.

Magsisimula na, ang paglaya ng pusong sugatan, upang hilumin ang sugat ng nakaraan at magsimula muli.

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon