Library

1 0 0
                                    

"Nasaan na ba kasi yung libro na yun jusko pahirap ka!" bulong ko habang hinahalungkat lahat ng libro dito sa library.

Tagal tagal ko na dito sa library na hindi ko namalayang 5:45 na.

Umikot ako sa kabilang shelf at naghanap ulit nang mahagip ng mata ko ang Mythology Book na kanina ko pa hinahanap.

Kukunin ko na sana ito nang may naunang kamay na nakakuha dito.

Tinignan ko agad ang lalaki at magrereklamo na sa kanya pero agad itong tumakbo.

What the heck? Anong problema nun?

Sa sobrang frustrate ko ay halos tapon ko salamin ko.

Wala na! Sayang effort kong maghanap. Buong araw na akong nandito mahanap lang yun.

Yung effort ko, "POOF!" Nawala na parang bula.

Hindi ko na alam kung  paano makakasagot sa special assignment ko. Ah basta bahala na si batman!

Nagmadali na akong ayusin ang gamit ko dahil magcloclose na ang library.

Patay na nga yung mga ilaw sa dulo ih.

Bago pa ako mag imagine ng kung ano ano ay tumakbo na ako sa desk ng librarian.

"Ma'am nakita niyo po ba yung lalaking nag check out ng Mythology Book?" tanong ko sa kanya habang pumipirma ng log out.

"Sinong lalaki? Wala ng nagpunta maliban sayo kanina pang 5:00. Yung Mythology Book hindi pa sinasauli nung humiram." sagot niya at inayos ang gamit niya.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

"Sige po, uuwi na po ako. Thank You po ulit!" sabi ko sa kanya at dali daling lumabas ng school.

Kung walang tao maliban sa akin, eh sino yung lalaking yun?

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon