"1!2!3! Smile!" sabi ni White.
Ngumiti naman ako ng sobrang lapad. Ilang shots pa ang kinuha niya bago matapos.
Siya si White, part time photographer at kabilang sa grupo ng film department. Boyfriend ko.
But lately nawawalan na siya ng time sa akin. Kaya ito kami ngayon, nasa beach dahil ghinost niya ako sa date namin.
"Tingin nga! Baka pangit ako diyan ah!" inagaw ko sa kanya ang camera niya.
Tinignan ko ang mga picture ko, kung normal na tao lang ang titingin sasabihin nilang ayos lang, maganda.
Pero alam ko, may mali. Wala na yung kakaibang feeling.
Sabi nila kapag ang kukuha daw ng litrato ay taong may gusto sayo o mahal ka, mas maganda ang kalalabasan ng picture.
Wala na. Wala na yung feelings sa picture. Isa na lamang itong simpleng picture.
Hindi ko sinasadyang makita ang picture ng isang couple? Hindi ako sigurado pero mukha silang masaya sa isa't isa.
Habang click ako ng click sa camera mas napapansin kong laging nakatutok ang camera dun sa lalaking kasama ng babae.
Napagtanto ko na hindi yung babae ang gusto ni White. Kung hindi yung lalaki!
Paano ko nalaman? Kasi puno ng picture niya yung camera ni White.
Bakla ba siya? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Matatanggap ko naman ih.Binalik ko na sa dati yung camera at isinauli sa kanya. Humarap ako at tinitigan siya. Tinignan niya ako at ngumiti.
"Alam ko na." sabi ko.
Nawala agad ang saya sa mukha niya at napalitan ng naguguluhan.
"Anong alam mo na? Hindi kita maintindihan." sagot niya.
"Pinapalaya na kita. Hindi na kita pipilitin. Masyado na kitang nasaktan." sabi ko ulit at nginitian siya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinagtiklop.
"Go get your man, sis! Support kita! Ako na bahala. Alam kong mahal ka din niya." sabi ko sa kanya at tumawa pa.
"S-Salamat... Love. Pero bakit mo ginagawa ito?" tanong niya.
"Basta, makikita mo. Ako ng bahala sa lahat." sagot ko at kinindatan siya. Iniwan ko na siya sa beach ng mag isang tulala.
Ilang araw lang ang nakalipas ay nakita ko na silang mag kasama nung lalaki. Earth pala pangalan.
Ako? Nandito ako ngayon kasama ang girlfriend ko. Nakipag break na siya kay Earth kasi sinabi kong aamin na si White.
"Babe, kanina mo pa tinititigan sila White. Nagsisisi ka bang pinakawalan mo siya? Ayaw mo na ba sa akin?" pagdradrama nito.
"Hindi naman babe, may iniisip lang ako." sabi ko sa kanya.
Agad naman niya akong niyakap.
"Ano ba yang iniisip mo?" sabi niya."Kung paano ko sasabihin ko kay White na ikaw ang girlfriend ko." bulong ko kay Film na ikinatawa niya.
Oh ano? Hindi lang si White ang may sikreto noh!

BINABASA MO ANG
Lost (Tagalog Compilation)
RandomA collection of all the flash fictions, stories, proses and poems that I created through out my life.