The Invitation

1 0 0
                                    

Ilang taon na din simula nang iwananan kita para ipagpatuloy ang pag aaral ko sa ibang bansa.

Ngayon ay nakabalik na ako, mas maayos na ang buhay ko. Sigurado akong papayag na sila tita na ikasal ka sa akin.

Hindi muna kita chinat ng ilang araw para isurprise ka sa pagdating ko.

Nakasakay ako sa taxi papunta sa bahay niyo. Nang magring ang cellphone ko. Nagmamadali ko itong sinagot.

"Bro.... narinig mo na ba ang balita?" sabi sa kabilang linya.

Nagtaka naman ako kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Smile pa la.

"Anong meron bro? Btw, nandito na ako sa Pinas!" sabi ko sa kanya

"Bro..." huminga muna siya ng malalim bago mag salita ulit.

"Ikakasal na si Grace." mabilis na sabi niya.

Tila bumagal ang oras. Nagsalita ulit si Smile sa telepono pero wala akong naririnig. Hanggang sa tumigil na ang sasakyan.

"Sir, dito na po tayo." sabi ng driver.

"Mamaya na lang ulit tayo mag usap Smile." sabi ko at pinutol na ang tawag.

Agad agad akong nagbayad at lumabas sa taxi.

Ito na.

Nasa harapan na ako ng bahay nila. Kakatok na sana ako sa gate nang bigla itong bumukas.

Kitang kita ko agad si Grace na nakikipag kamayan sa isang lalaking naka business suit. Naka ngiti sila pareho.

Nagtama ang mata namin ni Grace,  lumaki ang mata niya at tila nagulat ngunit nawala agad ang emosyon dito.

Naglakad na sila papunta sa gate.

"Max, kaibigan ko nga pala, si Kent. Kent, fiancee ko si Max." pakilala sa amin ni Grace.

Inayos ko ang itsura ko at ngumiti. Kinamayan ko siya. Inabutan ako ni Grace ng invitation.

"Gusto mo bang pumasok muna?" tanong ni Max.

"Ah hindi na, baka maka abala pa ako. Iniintay pa ako sa bahay." sagot ko agad sa kanya.

"Ah okay. Take Care!" sabi ni Max

Ngumiti lang ako at kumaway.

So totoo pala, akala ko prank lang yung sinabi ni Smile. Tinignan ko ang invitation na hawak ko, 3 araw na lang pala.

Binuksan ko na ito at laking gulat ko sa nakalagay dito.

"Arrange Marriage. Save Me."

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon