Persona

2 0 0
                                    

Masayang nag iingay ang section, 10 - Faith dahil wala pa ang adviser nila. May kumakain galing canteen, naglalaro ng ml, may nagseselfie, daldalan dito, daldalan doon.

Hanggang sa...

"Parating na si Ma'am!" sigaw ng looker namin. Nagsibalikan lahat sa kanya kanyang pwesto.

Malapit na ako sa upuan ko nang biglang pumasok si Ma'am Asuncion. Tinuro niya ako, "You, where are you going?" tanong niya sa akin.

"Uh, to my seat?" kibit balikat kong sagot sa kanya. Tumawa ang buong klase, kahit wala namang nakakatawa. Weird.

Pinabayaan niya lang ako at pumunta sa table niya.

"Attention everyone!" sigaw niya sa amin.

Natahimik naman ang buong klase. Kinakabahan ang lahat. Kilala si Mrs. Asuncion sa pagiging strikto sa oras. Ngayon lamang siya nalate kaya paniguradong may announcement.

"It's 6:25 in the morning, how can you all be so loud? Your voices can be heard even in the farthest building." panimula niya.

Nakayuko kaming lahat sa hiya. "And wait, there's more. I heard some of you sneaked out last week. And some went to the canteen without permission." saad niya.

"Do you know what other teachers said about your section?" tanong niya.

Nanatili kaming tahimik, kahit ang president hindi nagsasalita.

"Naturingang section one may nag cucutting, lumalabas ng walang paalam, mga walang respeto." saad niya muli.

"And not only your section is getting gossiped about. Even me, your adviser. They are saying I can't handle this section, why am I even the adviser here?" nag crack na ang boses ni Ma'am.

Crickets, heavy breathing, sniffing, and even bees buzzing. You can hear it all.

Umalis siya sa table at binuksan ang pinto, "Sorry you have to hear and see that commotion. You should have told me you're already here." biglang saad ni Ma'am.

Napataas naman ang ulo namin at nilingon ang taong nasa pinto.

Hindi siya makita mula sa point of view ko dahil nahaharangan siya ni Ma'am Asuncion. Ngunit mahahalata mong lalaki ito dahil sa kanyang tindig at height.

Mula sa lugar ko, isang matangkad na anino lamang ang makikita mo.

Sinarado muli ang pinto, bumalik si Ma'am sa kanyang table, "Attention everyone." saad niya sa seryosong tono na nagpataas ng balahibo ko sa batok.

"Since all of you should know, we will have a transferee. Please welcome and meet your new classmate."

Nagbulung bulungan ang buong klase, paano ba naman kasi matatapos na ang 3rd Quarter tiyaka niya naisipang mag transfer.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ulit..

Matangkad, magandang postura, ayos katulad ni Levi Ackerman.

Bakit ba hindi ko agad naisip yun.. He is..

"What the hell is this fucker doing here?" malakas na sigaw ko, napatayo pa ako sa pagkakaupo.

"Manners, Ms. Peña. This is your first warning," saad ni Ma'am Asuncion.

"Yes, ma'am." nahihiyang sagot ko, at naupo muli.

"So, how did you two know each other?" tanong niya sa akin.

"Nevermind. Please introduce yourself, formally." sabi ni Ma'am habang may puntong binabanggit ang salitang formally at nakatingin sa akin.

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon