11 paintings, and you're 12🎨

2 0 0
                                    

"Nasaan ako?" tanong ng isang batang lalaki.

Siya ay si Mateo. Labing-apat na taong gulang. Mag aaral mula sa Orrick High. Isang kilalang matalinong mag aaral ngunit masama ang ugali.

Inaaway niya lahat ng taong gustong kalabanin siya sa pagiging Top 1 sa klase at buong grade nila.

Plastic din siya tuwing may kaharap na mas matandang mga mag aaral at guro.

Nung isang buwan lamang ay inaway ng grupong ginawa niya ang isang tahimik na babae sa kabilang section.

Ang grupo nila ay binubuo ng mga taong nasa top at mga magagaling makipag away.

Ngunit hindi nila alam na gumaganti pala ang babae, gamit ang kakaibang pamamaraan.

Isa isang namatay ang mga kasama ni Mateo sa grupo. Hindi malaman ng doctor kung paano namatay ang mga ito dahil namatay sila sa gitna ng pagtulog.

Naglakad lakad si Mateo sa lugar kahit pa sobrang dilim at mahamog, tanging ilaw lamang na nanggagaling sa buwan ang nagsisilbing liwanag niya.

Natagpuan niya ang isang malaking museum. Pumasok siya dito sa pag aakalang may mahahanap siyang tulong.

Pagkabukas niya pa lamang sa pinto ng museum ay agad itong sumara. Bumungad sa kanya ang naglalakihang painting.

Tinignan niya ang lahat ng ito, lahat ng taong nakapinta dito ay ang mga kasama niya grupong namatay.

Napunta siya sa gitna at nakita ang pinakamalaking painting. Nakita niya ang sarili dito, hinawakan niya ito at bagong pintura pa lamang ito.

Nakakalat pa ang pintura at brush na ginamit dito. Napahinto siya sa pag aayos nito nang makita niya ang nakasulat sa baba.

Mateo Olivar
January X, XXXX - December XX, XXXX

Napaluhod siya sa kanyang nabasa, napahugulgol na lamang siya. Naramdaman niyang may presensiya sa loob ng museum kaya

Bago pa man niya maabot ang kutsilyo ay may humampas na sa ulo niya, hinarap niya ito at nakita niya ang babae sa kabilang section.

Nagdilim ang paligid, tila hindi siya makahinga.

"Mateo.... Mateo...HOY MATEO GUMISING KA NA!" sigaw ng isang tinig.

Agad na nagising si Mateo. Nakita niyang kaunti na lamang sila sa room nila. Wala na ang ibang kaklase nila.

"Kanina ka pa namin ginigising, akala ko ba pupuntahan pa natin yung babae sa kabilang section na nakatapon ng spaghetti sayo?" mahabang saad ni Marc

"Ito na, ito na! Gising na nga di ba!?" sabi ko dito.

"Sige mag ayos ka na, hintayin ka namin sa room niya para hindi makatakas." sabi nito at umalis.

Nagtataka pa din si Mateo kung sino ang babaeng nasa panaginip niya, hanggang sa maalala niya kung sino ito.

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon