a weird encounter

2 0 0
                                    

mau·so·le·um
/ˌmôsəˈlēəm,ˌmôzəˈlēəm/

noun
a building, especially a large and stately one, housing a tomb or tombs.

"Bakit ba kasi walang matinong cr dito?" nagmamaktol na sabi ng isang babae.

Hanggang sa may makita siyang malaking mausoleum. Nakakapagtaka na sa gitna ng kagubatan ay may ganitong building dito.

Dahil na din sa kuryosidad niya ay pumasok na siya sa mausoleum. At nag ikot ikot.

May narinig siya taong nag uusap kaya hinanap niya kung saan nanggaling ang tunog.

Napunta siya sa pinaka dulong parte ng mausoleum. May tatlong tao na nag uusap. Lahat sila ay naka formal attire.

At mayroong dalawang malaking kahon na nakalapag sa sahig.

Sandali... Hindi yun kahon kung hindi kabaong!

Anong ginagawa nila?

Tinawag ng lalaki ang dalawang babae sa pangalan na Emerald at Sapphire.

Si Sapphire ang babaeng nakasuot ng gintong bestida. Samantalang pula namam ang kay Emerald.

"Panahon na para mamili ako ng taong makakasama ko sa kabilang buhay...." saad ng lalaki.

Nababaliw na ba siya? Ililibing niya ng buhay ang isa sa kanila.

"Alam niyo na ang gagawin niyo." saad ng lalaki. Hinalikan niya muna sa noo ang dalawang babae at umalis.

Nag usap muna sila Sapphire at Emerald. Nakita ng babae na ngumiti si Emerald.

Nasilawan ng araw si Emerald dahil sa butas ng kisame at tila may kumikislap na bagay sa laylayan ng damit niya.

Nakita niyang may tinatagong patalim si Emerald.

Nagyakap na sina Emerald at Sapphire. Bubunutin na sana ni Emerald ang patalim niya nang bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig.

Nauna siyang nasaksak ni Sapphire.

Sa sobrang gulat ng babaeng kanina pa nagtatago ay napasigaw siya.

Kaagad siyang pinuntahan ni Sapphire at sinaksak bago pa ito makatakas.

Nagdilim ang paligid ng babae.

"JANE! BANGON NA! LATE KA NA SA CAMPING NIYO!" sigaw ng nanay ni Jane.

Agad na nagising si Jane.

Panaginip. Panaginip lang pala ngunit parang totoo ang lahat.

Lost (Tagalog Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon