Wala talagang signal! Sorry guys pero wala talaga kaming mahanap na makakatulong sa atin" sigaw ng president namin.
"HINDI NA TAYO MAKAKAUWI! KASALANAN MO ITO!" nagsisigawan na silang lahat maliban sa aming dalawa ni Mark na pinagmamasdan sila.
Nagsisisihan kung sino ang tunay na may sala. Pero hindi naman talaga namin inaasahan ang mga mangyayari.
Isang buwan na ang nakalipas simula ng mag bakasyon kami sa isang pribadong isla na pagmamay-ari ng kaklase namin. Huling gabi na namin dapat ngunit isang di inaasahang tsunami ang dumating.
Hindi mo naman sila masisi kung bakit nagagalit sila.
One night is all it takes to change everything. Ang masayang bakasyon ay nauwi sa trahedya.
Kasama ko ngayon ang boyfriend kong si Mark. Nasugatan kasi siya ng kahoy nang mangyari ang tsunami. Mabuti na lamang at mabagal ang pagkalat ng infection.
Salamat at marunong mag first aid si May, mula sa pagbabasa ng mga libro. Kung magtatagal pa kami sa isla na ito, kakalat sa buong katawan niya ang infection. At kakailanganing putulin ang binti niya.
Fast forward⏩
Isang buwan na muli ang nakalipas, natuto kaming mamuhay sa isla na ito. Swerteng sanay si Don mamuhay ng ganito kaya tinuruan niya kami. Spear fishing. At mga prutas mula sa gubat. Minsan naman mga natitirang canned goods ang naging pagkain namin sa araw araw.
Kinaumagahan, umalis si Don at ang bestfriend niya upang humanap ng gamot para sa sugat ni Mark. Inutusan kasi sila ni May.
Nandito kami ngayon sa isang kwartong nagsisilbing clinic. Kailangan na kasing palitan ang bandage ni Mark. Dito rin kami natutulog para lagi kaming nababantayan ni May sakaling may mangyari kay Mark.
Nakabalik na si Don, ngunit bitbit niya ang bestfriend niya na nahihirapang huminga. Agad kong binuhat si Mark upang makahiga ang kaibigan ni Don.
Binigay ni Don sa akin ang gamot na kailangan ni Mark at bumalik sa kaibigan niya.
Pinabayaan na namin sila dahil hindi naman kami makakatulong dun. Dinala ko si Mark sa kwarto namin at inihiga siya dun.
Tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin ni Mark pabalik.
"P-Perth..alam natin parehas n-na...hindi na ako matutulungan..." sambit niya.
Biglang nawalan ng kulay ang mukha ko ng marinig ko ang sinabi niya
"Mark, kaya mo pa namang lumaban di ba? Ipapakilala pa kita sa parents ko. Di ba?" tanong ko sa kanya.
"Perth...hindi ko na kaya...tulungan mo ko..mahal mo ko di ba.." pagmamakaawa niya sa akin.
Nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Bakit ngayon pa? Kung kailan nakahanap na sila ng bangka na masasakyan pauwi.
Bakit ngayon ka pa nawalan ng pag asa Mark?
"Hayaan mo na ako Perth. Masyado ng malala ang kalagayan ko. Palagi kong sinabi na okay lang, pero hindi okay Perth! Masakit na. Mamamatay din naman tayo sa isla na ito, bakit ko pa patatagalin?" sigaw niya sa akin.
Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Anong gusto mong gawin ko!? Hayaan kang mamatay? Maging daan kung paano ka mamamatay!? Yun ba ang gusto mo!?" sigaw ko din sa kanya.
Niyakap niya ako at bumulong.
Nagflashback sa akin lahat ng mga ala alang kasama ko siya. At dahil dun ay nabigyan ako ng ideya sa magiging desisyon ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mark at walang pasabing umalis. Nakapagdesisyon na ako. Tutulungan ko siya.
Pasimple akong pumasok sa clinic, hindi nila ako napansin dahil nagkakagulo pa sila sa kaibigan ni Don. Kinuha ko ang bote ng sleeping pills at nagmamadaling umalis.
Bumalik na ako sa kwarto namin at kumuha ng baso ng tubig. Binigay ko na kay Mark ang sleeping pills. Tinitigan niya muna ako bago niya ito tanggapin.
Kumuha siya ng 10 sleeping pills at inilagay ito sa bibig niya. Ininom niya na ang tubig na binigay ko.
"See y-you, b-baby" sambit niya bago tuluyang ipikit ang kanyang mata, sa huling pagkakataon.
Hinalikan ko muna ang noo niya bago lumabas. Tumakbo ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinulak ko lahat ng haharang sa daan ko.
Masyadong masakit, hindi ko kaya.
Nakarating ako sa pinaka mataas na parte ng isla. Makikita mo dito ang lahat.Nakita kong pumasok si May sa kwarto namin ni Mark. Napangiti ako. Malalaman na nila, kailangan ko ng mag paalam.
Pinanood ko ang mga kaklase at kaibigan ko na masayang naglalaro sa baba. Hinihiling ko na sana may dumating na tulong para inyo.
Naalala ko ang pinag usapan namin ni Mark bago siya mamatay.
"I love you, Perth. I always do and I always will." sabi niya out of nowhere.
"I love you too, Mark." sagot ko sa kanya.
"See you in our next life, okay?" paninigurado niya.
"See you mi love" bulong ko sa kanya
"Pinky Swear?" sagot niya at itinaas ang kanyang hinliliit sa harapan ko.
"Aish, Pinky Swear" sagot ko din sa kanya at pinag tiklop ang hinliliit namin.
Nabalik ako sa reyalidad nang makarinig ako ng sigaw.
"TULONG! HINDI NA HUMIHINGA SI MARK!" sigaw ni May.
Kaya mo ito Perth. Para kay Mark.
"I remember my promise, love." bulong ko sa hangin.
At tuluyan na ngang nahulog ang katawan ni Perth sa mabatong parte ng dagat.

BINABASA MO ANG
Lost (Tagalog Compilation)
De TodoA collection of all the flash fictions, stories, proses and poems that I created through out my life.