Simula

2.5K 69 35
                                    


Simula



Hindi ako umimik, binibigyan siya ng pagkakataon na isumbat sa akin ang lahat ng gusto niyang sabihin.

I sipped on my water as I fixed my eyes at Martin, my boyfriend.

"Akala ko ba walang lalaki? Bakit kasama niyo si Karlo?!" pang-ilang tanong niya na sa akin.

"Wala naman talaga, Martin. Humabol lang si Karlo dahil kasama namin ang girlfriend niya. Pinagseselosan mo 'yong taken!" I defended, not giving him a chance to taint my name with his baseless accusation.

"Now you're making excuses!"

"It is not an excuse!" sigaw ko. "Ano ba? Mag-aaway na naman ba tayo?"

He gave me a glare but I wasn't moved. Nakakahiya man na dito pa talaga kami sa isang public restaurant nagsisigawan ay hindi ko magawang pigilan ang inis.

I was busy for my school. Kailangan na naming tapusin ang school project. Patapos na rin ang klase kaya tambak ang school works. Most of it are group works kaya sunod sunod ang lakad ko para ro'n. Ewan ko ba kung bakit hindi maintindihan ni Martin na kailangan ko munang ipagpaliban ang dates namin para sa pag-aaral ko.

And it is not just he isn't able to understand my situation, he is also falsely accusing me of having another man!

"Now you're raising your voice at me?" sumbat niya. "Bakit? Nagyayabang ka na naman ba na isa kang Alazora?"

My eyes widened. Kahit kailan hindi ko ipinagyabang na isa akong Alazora! How dare him?

He shifted on his seat. Mayabang nitong ipinilig ang ulo na para bang may isusumbat siya ulit sa akin. Kinabahan ako. Sa ganitong pagkakataon, isa lang ang pwede niyang ipantapat sa akin.

"Look, Syda. Alazoras were known for power and influence. Pero noon 'yon. Magmayabang ka man na ikaw ang nag-iisang apo ni Ranilo Alazora, wala ka pa ring mapapala sa kayabangan mo kundi ang katatawanan! You are nothing without me. Ako na nga lang ang nakakatiis sa'yo, ginagago mo pa!"

Sumiklab ang galit na kanina ko pa pinipigilan. Nangilid ang mga luha ko pero ayokong makita ni Martin 'yon. Ayoko hindi dahil sa nahihiya ako kundi dahil sa kagustuhan kong panindigan ang tingin ng mga tao sa akin.

"Tinitiis mo 'ko?" I let out a sarcastic chuckle. "How about me? Tingin mo ba gustong gusto ko ang pagmamahal mo? Nakakasakal ka, Martin! Being with you takes away my honor as a woman!"

Bahagya akong napapitlag matapos makatanggap ng isang hampas sa mesa. Veins on his arms protruded as he tightened his grip on the edges of the table.

Ginapangan ako ng hiya nang maramdaman ang nagtatanong na titig ng mga tao malapit sa amin.

Now this is a scene!

"That's bullshit, Syda! Ginawa ko ang lahat para sa'yo!"

"Ginawa mo ang lahat para pagbawalan ako! You took my freedom, Martin! Ginawa mo akong pag-aari mo!"

"Because you are my fucking girlfriend! Anong gusto mo? Hayaan ka na sumama sa ibang lalaki?!"

"Oo, kung nanlalalaki ako! Kaso hindi, e. Ginagawa ko ang lahat para sa pag-aaral ko tapos ikaw, puro akusasyon ang binibigay mo sa'kin!" I fired at him, holding back the tears that didn't escape.

"Let's break!" it wasn't a question that needs my permission.

It was more of an announcement!

Kinuha ko ang bag at tumayo na. Hindi ko man sadyain pero sa postura at tindig ko ngayon, alam kong mukha akong nagyayabang.

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon