Kabanata 13

753 27 12
                                    


Kabanata 13
Model




"Ma'am, ayos ka lang?"

I want to cry. Mabilis akong dinaluhan ni Kuya Tim, ang taga pangalagang sinasabi ni Don Amos, para tulungan akong makabangon mula sa malakas na pagbagsak ko sa lupa. Agad na naramdaman ang paghapdi ng gasgas sa aking siko. I bit my lower lip to at least help me endure the sting.

Bigla ko atang pinagsisihan ang ginawa kong pagsang-ayon sa plano ng Don na turuan akong mangabayo. Gusto ko pa nga sanang sisihin si Martin dahil kung hindi niya ako ginawang girlfriend noon, hindi ako madidistract.

Sana ay marunong na ako ngayon kung pinagtuonan ko ng pansin ang mas mahalagang bagay!

I wish I could go back to my equestrian days when I was years younger!

"Ayos lang po," tugon ko kahit pa mukhang hindi naman niya ito paniniwalaan.

I mean, who would believe in my words right now? Kung halos ipikit ko na ang mga mata sa bawat paghapdi ng mga gasgas at kulang nalang ay magsugat ang labi kakakagat ko!

"Pasensya na kung hindi kita masasamahan. Mahigpit kasing ipinagbawal ni Don Amos na huwag akong sasakay kapag ikaw ang nagmamanipula ng kabayo. Hindi rin kasi ako sanay na may tinuturuan nang nasa tabi lang, nanunuod..."

Ngumiti ako, pilit na nilalabanan ang sakit na nararamdaman sa katawan.

"Don Amos might be worried about you...hindi ko alam kung paano magpaamo ng kabayo. Baka sa isang maling galaw ko lang ay magwala ito at tumilapon pa tayo."

Pinigilan ko ang naka-ambang pag-ismid dahil sa sinabi. That's a lie! Alam kong hindi si Don Amos ang may gusto no'n! Nag-aalala pa nga siya sa kung ano ang pwedeng mangyari sa akin kung hahayaan akong mag-isa sa likod ng kabayo, e!

Blame it to the Fidallegos! Sinabi ko lang kagabi kay Rayo ang tungkol dito ay kaagad nitong kinausap si Ryleigh! At dinamay pa si Terrell na mukhang wala namang pakealam sa 'kin.

Kaninang umaga lang, bago ako umalis ng mansyon, ay nadatnan ko sila sa tanggapan. Seryoso ang mga mukha na animo'y napakaseryoso ng pinag-uusapan.

Hindi dapat ako makikinig kung hindi lang narinig ang pangalan. Nagtago ako sa likod ng malaking kurtina para malayang makinig sa kanila.

"I'm worried about Syda," si Ryleigh habang diretso ang tingin sa kanyang cellphone.

"We all know Tim. Palakaibigan pero kung may pagkakataon ay nambabastos," si Terrell at sumimsim sa kanyang kape.

My brows shut at his viewpoint towards Tim. Gusto kong pabulaanan, agad din namang nawala ang ideya sa isip nang maalalang hindi ko pa siya nakakausap. I don't know him. Mahirap sumang-ayon o sumalungat sa opinyon ni Terrell.

"Tawagan mo si Don Amos. Pakiusapan mo na kung pwede ay hayaan lang si Syda na mag-isang nakasakay sa kabayo," Rayo suggested, with concern written all over his face.

"That's risky, Rayo. She doesn't know how to ride a horse. Hindi nga siya mababastos pero pwede siyang masipa ng kabayo, o baka nga tumilapon pa!" Terrell pointed out the possibility.

Rayo pursed his lips, looking for words to utter.

"Madaling matuto si Syda. Bibigyan lang ng instructions, susundin na niya 'yon at matututo," giit pa ni Rayo.

"Kahit na. Madali ka rin namang natuto noon, ah? Pero nahulog ka pa rin kahit na may nakagabay sa'yo sa likod mo."

"Natural lang 'yon dahil nagsasanay tayo no'n, Terrell. Normal lang na mahulog lalo na kung baguhan. And I am not saying that she'll perfect and master it all in one day. Syda will have progress in this."

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon