Kabanata 36
BrotherPinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Rayo, kinakabisa ang bawat detalye para kahit paano ay matandaan ko ang pagbabago sa kanya.
Alas tres pa lang ng madaling araw pero handa na ako at nakabihis na. I am about to leave for Altaguirre since the car is ready. Sumaglit lang ako rito sa kama para titigan siya ng mga ilang minuto.
He looked so tired about what we did. Ako rin naman. Marahan ang paghinga niya at tingin ko'y nasa malalim na tulog. Hinaplos ko ang pisngi niya sa pag-aakalang hindi siya magigising kaya napatuwid ako nang yumakap sa tiyan ko ang kanyang braso. Sinubukan niyang dumilat pero natatalo siya ng antok.
"Bakit gising ka na?" tanong niya sa mahinang boses.
Hinigpitan niya ang yakap sa akin. I caressed his arm on my tummy and ran my fingers through his disheveled hair.
Sa ginagawa ko ay para akong umuurong sa lakad ko. Mas gusto ko nalang atang humiga ulit at tumabi sa kanya hanggang sa mag-umaga. Ngunit bago ko pa man bawiin ang desisyon ko, inunahan ko na ang naiisip.
"Matulog ka na ulit," mahinahon kong sinabi, inignora ang tanong niya.
He gave me a weak smile. Hinintay ko siyang makatulog ulit bago tumayo at kinuha ang bag na nasa tabi lang ng kama. Sinigurado kong nakahanda na ang kanyang damit para pagkagising niya ay hindi na niya kailangang mag-alala para sa susuotin.
I left a note on the table. Binilin ko na i-lock ang unit ko kapag aalis na siya. Maliban do'n ay wala na akong ibang sinabi para punan ang kuryusidad niya kung sakali.
Umalis ako na dala ang saya sa puso. Paulit ulit na nanunuya sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari kagabi kaya kahit inaantok man sa pagdadrive, hindi ako makatulog sa dami ng iniisip.
Inaamin ko na kataksilan 'yon ng sarili. Isa sa maraming bagay na hindi nagkasundo ang utak at puso ko at isa rin sa maraming beses na nanalo ang puso.
I lied when I said it was just a plain sex to me. Kasi kung iyon ang iniisip niya, iba ang iniisip ko. It was making love. I made love with the man I love. Tanga kung iisipin pero hindi ko maipagkakaila sa sarili ko ang nararamdaman.
Noon pa man, sa muling pagkikita namin, may pangamba agad ako. Sumagi na sa isip ko na baka bumalik ang pagmamahal na akala ko'y nakalimutan ko na.
But how does love come back when it didn't even left?
How can I forget it when love is just in my heart, hiding behind my anger?
At sa mga araw na lagi kong hinihila ang pangalan ni Gwen sa usapan namin, nagseselos ako. Naiinggit ako kasi nung nawala ako, nasa tabi niya pa rin si Gwen at malayang nakakalapit sa kanya.
Gwen was there to fulfill his needs. She was there to make him complete. To mend his broken heart. To heal his soul.
Habang ako, nasa dilim at nangangapa para umusad. Mag-isang nilalabanan ang trauma para makakita ng liwanag at pag-asa sa buhay. I was busy fixing myself alone. I had my friends but I was detached from myself... from my own feelings...from my own soul.
Siguro...kaya masaya ako ngayon dahil sa nangyari, dahil 'yon sa nag-uumapaw na saya sa dibdib ko. Just like what I always thought, we made love. Bahala na sa kanya kung plain sex lang 'yon but I am satisfied. I was sated.
"Damn! I am not on pills! I'm not even on depo!" naipreno ko ang sasakyan dahil sa bulong ng isip ko.
Right! I don't take shots for my modeling career! And he didn't use condom! All love makings we have done were unprotected.
BINABASA MO ANG
Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)
Romance(COMPLETED) The impulsive Sydelle Alona Alazora is the only heiress of both Saavedra and Alazora clan. She is supposed to be a respected, honored, and influential one in the town of Altaguirre. Pero bakit parang iba ang nangyayari? Imbes na gustuhin...