Kabanata 26
ExperienceNaging maayos ang lahat simula nung nagkaayos kami ni Rayo. Ginawa ko ang lahat para iwasang makagawa ng bagay na maaaring ikagalit niya at siya naman ay dumidistansya sa mga babaeng umaamin sa kanya...at kahit pa umiyak ay hindi na niya yayakapin.
It is going smooth so the past few weeks went easy. At kahit may kaonting stress sa school, nakakaya ko namang i-handle ng mabuti. Rayo would offer me a help when it comes to my assignments or even projects. Bihira nalang kaming lumabas para sa dates namin dahil pareho kaming naging abala sa eskwela at minsan ay sa mansyon nalang nagpapalipas ng oras kasama ang isa't isa.
Natapos na ang pangalawang markahang pagsusulit kaya medjo lumuwag na ang schedule ko at naging malaya sa school projects. At ibig sabihin din no'n...semestral break na!
"Should I pack your things?" si Rayo sa kabilang linya.
Nasa eskwelahan pa ako para sa huling araw ng klase bago magsimula ang isang linggong bakasyon namin. Last period na, pero dahil walang teacher na pumasok, nasa labas ako ng classroom ni Freesia para ayain siya sa outing namin.
"No need. Naihanda ko na ang bag ko. Nasa tabi ng kama, kulay black..."
"Found it. Is this all you need?"
"Yup! Pero iche-check ko pa rin mamaya. Baka may nakalimutan ako," I sweetly said.
"Tawagan mo 'ko pag may naalala kang nakalimutan mo. Ako na ang maghahanda," aniya bago ibinaba ang tawag.
Ibinalik ko na sa bag ang cellphone ko at tinanaw si Freesia sa kanyang classroom. Naglelecture pa ang teacher nila. Sandali lang naman iyon. Umayos na ako ng tayo pagkatapos lagpasan ng teacher nila. Her classmates were busy fixing their things, getting ready to head home. Samantalang ang mga kaklase ko ay nasa kanya kanyang gala na dahil nga maaga ang naging dismissal namin.
"Freesia!" I called for her attention.
Tumabi ako, takot na masagi ng mga kaklase niyang nag-uunahan na sa paglabas. She was the last one to go out. Ngumiti siya sa akin saka bahagyang inayos ang nakalugay niyang buhok.
"Ang niyo, ah? Hulaan ko, hindi na naman pumasok si Sir?"
I laughed a little and nodded. Sabay na kaming naglakad palabas ng gate.
"Gano'n nga. Pero okay lang, at least wala siyang iniwang project! Alam mo naman 'yon, nag-iiwan ng project o sandamakmak na assignment lalo na kapag bakasyon!"
Naalala ko tuloy na gumawa ako ng dalawang konseptong papel dahil lang tatlong araw kaming walang pasok! Mahina pa naman ako sa subject niya at hirap din sa paggawa ng concept paper kaya kinulang ang tatlong araw para magawa ko 'yon.
Tumawa si Freesia na para bang nakakarelate siya sa hinaing ko. Well, we have the same teacher for that subject.
"Nga pala, may gagawin ka ba ngayong linggo?" tanong ko.
"Wala naman, bakit?"
"Hindi ka ba maglalagi sa flower shop?" paninigurado ko.
Baka nakalimutan niya ang trabaho sa tindahan. At kung wala nga, nakakapagtaka naman. She always spends her free time helping her Lolo at the shop. Kaya kung wala siyang lakad sa buong linggo at wala rin siya sa tindahan...saan siya kung gano'n?
She smirked. "Sabi ni Lolo huwag na muna akong tumulong sa tindahan tutal ay may nakuha na siyang kapalit ko. Kilala mo sino?"
My brows twitched as I noticed the playfulness in her voice.
"Sino?"
Ngumuso siya at 'di kalauna'y natawa sa paraang hindi makapaniwala sa sasabihin sa akin.
BINABASA MO ANG
Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)
Romance(COMPLETED) The impulsive Sydelle Alona Alazora is the only heiress of both Saavedra and Alazora clan. She is supposed to be a respected, honored, and influential one in the town of Altaguirre. Pero bakit parang iba ang nangyayari? Imbes na gustuhin...