Kabanata 28

662 27 8
                                    


Kabanata 28
Daciana



Tulala ako, tanaw ang kabuuan ng Davao dahil sa taas ng gusaling kinaroroonan. Hindi makausap. Hindi makakibo sa lahat ng tanong. Gano'n ako mula nung umalis kami ng Altaguirre. Naidlip saglit sa biyahe ngunit nagising din para umiyak ulit. Nakakapagod.

Si Arcus ang nagdala sa akin dito sa Davao at pansamantalang pinatuloy sa rest house nila. It is located in an elevated area alongside the road in between Maa and Calinan. Wala akong ideya kung paano ako nagawang dalhin nina Freesia rito gayong wala ako sa sarili sa buong oras na kinausap nila ako. Freesia planned this. She discussed it yesterday but I wasn't listening.

My mind was clouded with questions that are impossible to answer. It was frustrating. Lagi akong umiiyak at walang maintindihan kahit pa ilang beses kong binalikan ang lahat ng nangyari at narinig. Patuloy akong nasasaktan kahit pa malayo na ako sa kanila. Kinakabahan sa naging banta ni Senyor Moris.

Fidallegos might be after me for a revenge. I shivered at my thought. Nangilid ang mga luha habang sinusukat ko ang maaaring galit nila sa akin ngayon. Ako ang sinisisi ng lahat dahil sa pagkamatay ni Senyor Amivo. Ako ang sumalo sa kasalanan ni Don Amos...ang lolo ko?

I refuse to believe that! Hindi ako apo ni Don Amos! Hindi ako apo ng mamamatay tao! I am Ranilo Alazora's grandchild and not Don Amos'!

Bumuhos ang mga luha ko kasabay ng pagkirot ng ulo. Everything that happened flashed in my mind again. The pain struck me for a couple of times now. Hindi man lang nabawasan ni kaonti ang sakit na patuloy na pumapatay sa akin.

It's draining me. It was depressing to think all over again. Pero hindi ko mapigilan ang sarili dahil iyon nalang ang magagawa ko para pagtagpi tagpiin ang mga nangyari. Kasi sa totoo lang...wala na akong alam sa lahat. I don't know what to believe anymore.

Inisip ko na baka nagkakamali lang sila. Baka pinagkakaisahan lang nila ako. All of them are in grief with Senyor Amivo's death and maybe...they are looking for someone to blame. Someone that will accept their grudge for Don Amos. At tingin nila ako 'yon?

That's unfair! Bakit sa akin napunta ang sisi? Hindi ako ang pumatay kay Senyor! Wala akong kinalaman sa pagkamatay niya at gaya nila, nagluluksa rin ako! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang sinusundan ng galit nila. Kung bakit...bakit ako ang kailangan magdusa sa kasalanang hindi ko ginawa?

Pinunasan ko ang sariling luha. Alani blurted out things that seem so impossible. Apo ako ni Don Amos? How come? Iyan ang pinakamalaking katanungan sa akin ngayon. Paano?

"Nakausap ko si Freesia kanina. Ngayon ang libing ni Senyor Amivo," si Arcus nang magkasabay kami sa hapag.

Ilang araw na rin ba akong nawala sa Altaguirre? Dalawang linggo? Tatlo? Hindi ko alam. Hindi ko na binigyang pansin ang mga araw na nagdaan dahil wala na rin naman itong silbi. And if I have to remember something about my stay here, I could only remember my first time eating here in the dining. At ito ang unang beses na nagsabay kami ni Arcus.

Nilingon ko siya, pagod at matamlay. "Si Ryleigh? Si Terrell? Si...Rayo? Kumusta sila?"

Iyon ang laman ng isipan ko sa mga sumunod na araw. Napapagod ako kaiisip kung ayos lang ba sila o kung nasa parehong sakit pa rin sila dahil sa pagkawala ng abuelo. I have been there. I know how it feels losing someone you love. I know how much it hurts. Kaya gusto kong malaman kung kumusta sila.  Kung ano ang ginagawa nila. Kung hinahanap ba nila ako para...maghiganti.

My silence and frequent cries would bother Arcus. Tumatawag siya kay Freesia na natagalang sumunod sa amin. She acts as my eyes in Altaguirre. Lagi siyang may ina-update kay Arcus pero ayaw niyang malaman ko.

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon