Kabanata 8

967 40 9
                                    


Kabanata 8
Sabay




Panay irap ako habang pinagmamasdan ang mga kaklaseng nagtatawanan at nagtitsismisan sa kani kanilang mga silya. Unang araw pa lang ng pasukan pero mag-isa at tahimik na ako. Unlike them, I am here in my seat, alone and jealous of them.

Hindi naman bago, alam ko. Pero dati kasi ay may nagtatangka pang kumausap sa akin at sinasaway lang ng mga kilala na ako.

Madalas ang mga transferee na walang alam tungkol sa isyu ng pamilya namin dito sa Altaguirre. They tried to strike a conversation but people from this place would likely discourage them to do it.

But now, no one dared to come near me. Halos magtulakan pa kung sino ang uupo sa tabi ko. Kung hindi lang in-assign ng teacher ay baka wala akong katabi ngayon.

"I am Sydelle Alone Alazora---" pagpapakilala ko kanina sa harap ng klase na kaagad pinutol ng isang kaklase.

"Kilala ka na namin! Iyong apo ng mandaraya, 'di ba?"

Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi nung babaeng mataas ang hairline. Umirap ako, hindi nakikipagbiruan sa kanya.

"Class, please give respect to Ms. Alazora. She's your classmate," awat ni Ma'am.

Lumapit siya sa akin. She was about to hold me but I dodged her hand. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko at hindi kaagad naka-imik. Nilingon niya ang mga kaklase ko na ngayon lang natahimik.

"Whatever..." naibulong ko sa sobrang inis saka bumalik na sa silya ko.

Nagpatuloy ang pagpapakilala dahil unang araw ng klase. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napairap habang nakikinig sa mga pangalan ng mga kaklase. I was annoyed by how they laughed at me when in fact, it was me who supposed to laugh at their names!

Ang kapal nilang pagtawanan ako e sila nga itong ang papangit ng mga pangalan!

"Yes, Miss Alazora?" baling ni Ma'am matapos akong nagtaas ng kamay.

"Can I take the seat at the back? Iyong isa na malapit sa bintana."

"Sorry but that seat is already taken. Dito ka nalang sa unahan, sa tabi pa rin ng bintana para okay pa rin sa'yo."

It is not okay with me! Gusto kong magreklamo at magrason pero hindi ko na nagawa pa dahil sa lalaking umupo sa silyang gusto ko.

My eyes widened when I saw Solovino gently taking off his bag. Bahagya pa niyang hinahabol ang hininga na para bang galing siya sa pagtakbo.

He's already late!

Wala akong nagawa kundi ang umupo nalang sa silyang malapit sa pinto. Tabi pa rin naman ng bintana kaya hindi na masyadong nakakairita.

Ginawa kong libangan ang pagmamasid sa mga estudyanteng nagdaraan sa pathway habang nagtuturo sa harap ang teacher. Glad that she isn't the one that I hate. Kaya lang ay ayoko pa ring makinig dahil nagdaramdam pa rin ang puso ko sa pag-agaw ni Solovino sa upuan ko.

The class goes on. Gaya ng ginawa namin sa first period ay nagpakilala kami at in-assign sa aming mga silya. Each subject teacher has their own seat plan, rason kung bakit hindi maka-alma ang mga na-a-assign sa tabi ko.

Come on, it is not that I want to sit next to them. Kung ayaw nilang katabi ako, mas lalong ayaw ko! What would be my benefit from being their seatmate? Maliban sa pagiging sentro ng tsismisan ay wala na!

"Syda..."

Napa-angat ako ng tingin. Kaagad na sumalubong sa akin ang mukha ni Solovino na mukhang nagdadalawang isip pang kausapin ako.

Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon