Kabanata 40
Rayo Damien Fidallego"Mukhang mataray."
"Pero maganda. Ewan ko lang kung matagalan 'yon ni Ryleigh."
"Mukhang susunod naman 'yon. Ryleigh is strict and he knows how to tame girls like her. Kaya niyang paamuin 'yan. Alam mo na..."
Nag-angat ako ng tingin kay Aki. Hindi ko nagustuhan ang tonong ginamit. Hindi ko nga lang pinahalata at nagpatuloy sa pagkaskas ng gitara.
"What you think, Rayo?" baling ni Chiko sa'kin. "She's living with the Fidallegos now. That girl seems complicated."
"Si Ryleigh naman ang pinagbilinan. Hindi ako. Ayos lang din kung nandyan siya. May makulit na sa mansyon," tugon ko at iniwas ang tingin sa kanila.
"Huwag kang pepetiks petiks, Rayo. Nahuli naming palihim na nanunuod sa'yo kanina. Namula nung nakita kami at tumakbo!" si Aki, natatawa na.
I know. I saw her, too. She wasn't totally hiding earlier. Nakita ko na siya bago pa nakapagtago dahil nilingon ko. Sinadya kong huwag ipahalata, sinusubukan ko kung uulit pa ba.
I smiled when I remember how she blushed when she saw me staring at her. Tingin ko'y tama naman ang mga kaibigan. One glance at her and you'll know she's mean. Or she has the attitude... and that she's a lonely soul.
Ryleigh told me about what happened. Syda loses her grandfather, the only family member she has. At bago pa man mangyari 'yon, alam ko na rin ang pangit na pakikitungo ng mga taga nayon sa pamilya nila. Noon, hindi ko masyadong pinagtuonan ng pansin ang lahat ng sinasabi ni Lolo sa amin tungkol sa mga Alazora. Ngayon, may pagsisisi ako dahil do'n.
She's not easy to deal with. And I think I understand her for that. Losing the only family you have is a tough journey. And with the hate of people, it makes her impossible to move forward.
Pinag-aralan ko ang trato ni Ryleigh sa kanya. Mahinahon kapag kinakausap, laging tinatanong kung ayos lang ba, at kailangan pinapaliwanagan ng mabuti. Alright, Ryleigh's babying her. Perhaps because he is in charged of her.
She has been through a lot of damage so I thought I should be gentle with her. I have to be kind. I have to be careful and mindful of my actions. Okay. But my words seem to disagree.
"I hate you! I hate you as much as I hate those people who made me hate myself!" sigaw niya, umiiyak at galit na galit.
Napatulala ako sa kanya na tumatakbo na palayo sa akin. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya at hihingi ng tawad o hayaan siyang magalit sa akin at saka ko nalang kakausapin kapag kumalma na siya.
I didn't know she's hateful of things... of life... of people. Madali siyang magalit. At kapag galit na, padalos dalos sa desisyon.
Buong araw ko atang pinag-isipan kung paano siya kakausapin para makahingi ng tawad. Kaya lang, hindi siya halos lumalabas ng kwarto. At kapag lumalabas naman, dumidistansya.
It seems like she's only comfortable with Ryleigh.
"Mukhang mahirap pakisamahan si Syda. She's always distant and she only obeys Ryleigh," at mukhang pansin rin 'yon ni Terrell.
Tinanaw ko si Syda na kinakausap ang itim na pusa. She's all smiling while petting the cat. Ang among tingnan pero pag sa akin, parang tigre. I made myself believe that she really hates me. Na mukhang walang pag-asa para mapatawad niya ako sa sinabi ko.
O kung meron man... babawi ako sa pakikitungo sa kanya.
"Bumalik ng Davao si Ryleigh. Ako ang pinagbabantay kay Syda," Terrell laughed at his remark as if it's a ridiculous thing.
BINABASA MO ANG
Until The Next Heartbeat (Nayon Series 1)
Romance(COMPLETED) The impulsive Sydelle Alona Alazora is the only heiress of both Saavedra and Alazora clan. She is supposed to be a respected, honored, and influential one in the town of Altaguirre. Pero bakit parang iba ang nangyayari? Imbes na gustuhin...